-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kapag biglang nahilo at naduwal ang isang babae, hindi kataka-taka na pag-isipan siyang buntis. Pero kahit sino naman, maging bata o adult, ay puwedeng makaranas ng pinagsamang hilo at duwal, na nausea kung tawagin. Iba-iba ang dahilan kung bakit ito umaatake, mula sa simpleng karamdaman hanggang sa seryosong sakit.
Ano ang nausea?
Nausea, ayon sa Merriam-Webster dictionary, ang tawag sa hindi magandang pakiramdam ng tiyan na nagdudulot ng masamang panlasa at nagu-udyok na dumuwal o sumuka.
Pero, sabi naman ng mga eksperto mula sa Cleveland Clinic, hindi isang sakit ang nausea, bagkus isang sintomas ng iba-ibang sakit. Dagdag pa nila na hindi sa lahat ng pagkakataon ay may hatid itong pagduduwal o pagsusuka. Iba pa raw na sintomas ang pagsusuka.
Ibig sabihin daw, nausea ang tawag sa problema sa tiyan at pagsusuka (vomiting) ang paglalabas ng laman sa tiyan. Puwede raw sabay na mangyari ang nausea at vomiting, lahad ng mga eksperto mula sa Mayo Clinic, pero puwede ring magkahiwalay.
Nausea sa buntis
Ang mga buntis sa kanilang first trimester ang kadalasang nakakaranas ng nausea bilang parte ng tinatawag na morning sickness. Tinatayang mula 50 hanggang 90 percent ng mga buntis ang pinaniniwalaang nakakaranas ng nausea.
Morning sickness ang kombinasyon ng nausea at vomiting, pero hindi lang ito umaatake sa umaga. Kahit anong oras, puwedeng magkaroon ng morning sickness ang buntis. Ang iba pa nga sa kanila na malala ang morning sickness, buong araw at gabi ang atake nito. Kung minsan nga, umaatake pa rin sa third trimester hanggang malapit nang manganak.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWHindi pa raw alam ang eksaktong dahilan kung bakit may morning sickness, ayon sa mga eksperto. Pero may paniniwala na may kinalaman ang pagtaas ng pregnancy hormones.
Nagkakataon kasi ang pagsulpot ng morning sickness sa panahong pumipirmi na ang embryo sa matris (uterus) at nagpapadala na ng senyales sa brain na gumawa ng human chorionic gonadotropin (hCG). Ito ang hormone na lumalabas sa home pregnancy home tests bilang patunay sa pagbubuntis.
Hindi lahat ng buntis ay nakakaranas ng morning sickness, sabi pa ng mga eksperto. Kaya kung buntis ka, hindi ito ang magsasabing malusog o hindi ang iyong pagdadalang-tao. Hindi naman kasi raw pare-pareho ang pagbubuntis, kahit pang-ilang beses mo na itong pinagdaanan.
Malamang daw na lumaki ang tyansa mong makaranas ng morning sickness kung:
- Higit sa isa ang pinagbubuntis mo, kambal o higit pa
- Nakaranas ka ng nausea at vomiting sa nauna mong pagbubuntis
- Mayroon sa pamilya mo ang nakaranas ng morning sickness
- Madali kang mahilo sa biyahe (motion sickness)
- May history ka ng migraine
- Nagkasakit ka noong uminom ka ng contraceptive pills na may estrogen
Nausea kung hindi buntis
May iba pang dahilan kung bakit nakakaranas ng nausea kahit hindi buntis. Bilin ng mga doktor na bantayan kung gaano kadalas at kalala ito nangyayari.
Chemotherapy
Ang kombinasyon ng nausea at vomiting ang kalimitang side effect na nararanasan ng mga pasyente ng cancer therapy, ayon sa mga eksperto mula sa United States National Cancer Institute. Dagdag pa diyan ang radiation therapy para sa brain, gastrointestinal tract, at liver.
Bilin ng mga eksperto na bigyan ng lunas ang nausea at vomiting sa cancer patients upang hindi ito makaapekto sa pang-araw-araw nilang buhay. Kapag binale-wala ito, maaaring magkaroon ang pasyente ng:
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos- Pagbabago ng kemikal sa katawan
- Pagbabago sa mental na kalagayan
- Pagkawala ng ganang kumain
- Pagiging malnourished
- Pagiging dehydrated
- Pagkasira ng esophagus
- Pagkabali ng mga buto
- Pagbubukas ng sugat mula sa natamong operasyon
Certain odors or scents
Kung maselan ang iyong tiyan, malamang sumama ang pakiramdam mo kapag may naamoy ka na sobrang bango o di kaya umaalingasaw sa baho. Kaya mainam na alamin kung ito ang trigger ng iyong nausea nang makaiwas ka at alam mo ang gagawin sa sandaling may amoy na hindi mo kasundo.
Indigestion
Kapag napadami ang kain mo, masyadong napupuno ang iyong tiyan at nahihirapan itong tumunaw ng kinain. Ang nangyayari tuloy, sumasama ang pakiramdam mo na tila naduduwal pa. Kaya hinay-hinay lang sa pag kain, lalo na sa gabi, nang hindi mauwi sa indigestion.
Food poisoning
Nangyayari ang food poisoning, na isang foodborne disease, kapag nakakain ka ng kontaminadong pagkain. May hatid kasi itong infectious organisms, gaya ng bacteria, viruses, at parasites. May taglay naman silang lason (toxins).
Bukod sa nausea, makakaranas ka rin ng pagsusuka at pagdudumi hanggang lumabas ang kontaminasyon sa iyong sistema. Kung grabe ang food poisoning na tumama sa iyo, puwede kang madala sa ospital para doon magpagaling.
Migraine
Isang grabeng uri ng pananakit ng ulo ang migraine, ayon sa mga eksperto. Kapag umatake ito, kadalasang may hatid na nausea at iba pang sintomas, tulad ng pagsusuka at pagiging sensitibo sa ilaw at tunog. Wala talagang gamot sa migraine, pero may mga produktong nagbibigay ng ginhawa kapag umatake ito.
Seasickness at iba pang motion sickness
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKapag nasa biyahe–maging sa lupa o hangin, pero kadalasan sa tubig–may mga taong nakakaramdam ng nausea. Kung isa ka sa kanila, marahil naranasan mo nang mahilo at maduwal habang naglalakbay. Kaya payo ng mga eksperto na isama sa iyong travel kit ang remedyo sa nausea. Puwede mo rin daw subukang matulog habang nasa biyahe.
Medications
Kung may iniinom ka namang gamot para sa anumang sakit at gamit, maaaring side effect ang nausea. Kabilang sa mga gamot na iyan ang aspirin, nonsteroidal anti-inflammatories, oral contraceptives, digitalis, narcotics, at antibiotics. Mainam na ikonsulta mo ang side effect na ito sa iyong doktor.
Emotional stress
Ang matinding emotional stress na nararamdam mo ay maaaring lumabas sa ibang parte ng katawan, tulad ng tiyan. Kaya hindi mo napipigilan na pumunta sa banyo kapag umaatake ang stress at anxiety. Marahil nahihilo ka rin at naduduwal pa. (Basahin dito para sa tips.)
Viruses at infections
Ang pangkaraniwang sanhi ng nausea ay ang rotavirus. Lubha itong nakakahawa, sabi ng mga eksperto, na nagdudulot din ng diarrhea. Mabuti na lang, mayroong vaccine bilang proteksyon laban sa rotavirus.
Eating disorder
Ang taong may eating disorder na bulimia nervosa ay kumakain nang marami pero pinipilit nilang isuka ang lahat ng kinain. Takot kasi silang tumaba. Isa itong seryosong problema, sabi ng mga eksperto, kaya kailangan ng professional help ang sinumang dumadanaas nito.
Premenstrual o di kaya perimenopausal syndrome
Katulad ng pagbubuntis, ang babaeng may mentruation o di kaya patapos na ang mentruation ay apektado ng hormones. Kaya nakakaranas din sila ng nausea kung parating na ang regla o madalang na ang dating ng regla dahil sa perimenopause.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWNausea sa bata
Ayon sa mga eksperto, kadalasang umaatake ang nausea sa bata dahil sa:
- Problema sa tiyan, tulad ng gastroenteritis
- Side effect ng iniinom na gamot
- May hindi kasundong pagkain ang tiyan
- Pagkakaroon ng motion sickness o di kaya biyahilo
Kung masyado pang bata ang anak mo para magsabi ng kanyang nararamdaman, mainam na obserbahan ang bata. Baka raw ang pagiging matamlay at maputla niya ay dahil naduduwal na siya, hanggang tuluyan nang maduwal o magsuka.
Kapag daw naduduwal ang bata, sabi ng mga eksperto, mainam na paunti-unti mo siyang painumin ng tubig. Makakatulong din daw ang pagbibigay sa bata ng oral hydration fluid. Iwasan muna raw ang mga pagkain na mamantika o masarsa, kaya iyong bland o wala masyadong lasa ang ipakain sa bata.
Pero kung hindi raw umayos ang pakiramdam ng anak dulot ng nausea o pagduduwal pagkaraan ng 24 oras, kailangan mo raw komunsulta sa doktor. Sa ganyang paraan malalaman kung ano talaga ang sanhi ng nausea at upang mabigyan ng tamang treatment.
Dapat mo na rin daw dalhin ang anak sa emergency department ng ospital kung bukod sa nausea, may iba pang dinadaing ang bata. Kabilang diyan ang:
- Pananakit ng ulo o di kaya leeg (stiff neck)
- Hirap sa paghinga
- Pamamaga sa mukha o di kaya sa paligid ng bibig
- Panlalabo ng paningin (blurred vision)
- Pagkalito (confusion)
- Pagkaantok (drowsiness)
Mga dapat gawin kapag nakakaranas ng nausea
Sa oras na umatake ang nausea, may mga rekomendadong paraan ang mga eksperto para maibsan at guminhawa ang pakiramdam.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKumain lamang ng bland food
Mas madali kasing tunawin ng tiyan ang pagkain na wala masyadong taba, asukal, at iba pang panlasa. Subukan ang crackers, nuts, at yoghurt nang hindi ka naman magutom.
Paunti-unti muna ang kain
Kumain lang para mapatid ang gutom at hindi para magpakabusog. Bigyan mo muna raw ng panahon ang tiyan na umayos ang panunaw nang hindi ka na makaramdam ng hilo at pagsusuka.
Damihan ang inom ng tubig
Imbes na kumain nang marami, uminom na lang muna ng tubig. Pero iwasan daw ang pag-inom habang kumakain.
Uminom ng ginger tea
Mainam ang luya o ginger na pangkalma ng tiyan. Maglaga lang ng luya at saka ito inumin. Puwede rin itong lagyan ng katas ng lemon at konting honey.
Mag-relax
Makakatulong daw na ikalma ang isipan para kumalma din ang katawan. Kaya subukan ang breathing exercise at iba pang relaxation techniques nang maibsan ang nausea.
Umamoy ng essential oil
Maraming nagpapatunay, lalo na ang mga tinatawag na oilbularyo, na maganda ang epekto ng essential oils. Para sa nausea, halimbawa, makakatulong ang eucalyptus at peppermint para maibsan ang pagkahilo. Kung walang diffuser, maaaring amuyin ang essential oil hanggang bumuti ang pakiramdam.
Nausea: Kailan Ito Umaatake Sa Buntis, Ibang Adults, Pati Na Mga Bata?
Source: Progress Pinas
0 Comments