-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor o lactation consultant para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
“Walang makapapantay sa gatas ng ina.” Iyan ang madalas nating marinig sa mga eksperto. Totoong hindi nga mapapalitan ng anuman ang nutrisyong maibibigay ng breast milk sa baby kaya sinisikap talaga ng maraming mommy na makapag-breastfeeding sila.
Ang breastfeeding milk ang kompletong pagkain para sa iyong baby pagkapanganak. Nangangailangan ng paghahandang pisikal, mental, at emosyonal ang breastfeeding kaya dapat na ikondisyong mabuti rin ang iyong sarili. Bukod sa iyong baby, dapat mo ring alagaan ang iyong sarili para makapagbigay at makapag-produce ka ng sapat na breast milk.
Benepisyo ng breastfeeding
Ang breast milk ang pinakamasustansiyang pagkain na maibibigay mo sa iyong baby sa loob ng anim na buwan pagkasilang niya. Ito ang kaniyang unang immunization dahil nagtataglay ito ng mga antibodies na magiging proteksyon ni baby panlaban sa anumang sakit at iba pang kondisyong pangkalusugan.
Itinuturing “liquid gold” ang breast milk dahil sa natatanging nutrisyong taglay nito na kailangan ng baby para maging malusog sa kaniyang paglaki.
Para sa mga mommy, nakatutulong ang breastfeeding para sa pagbalik ng uterus sa dati at pagbabawas ng timbang mula sa pagbubuntis. Isa rin itong paraan ng natural family planning basta exclusive breastfeeding nang anim na buwan simula nang manganak.
Batay din sa mga pag-aaral, nakapagpapababa ang breastfeeding ng tsansa sa pagkakaroon ng cancer, sakit sa puso, at hypertension. Makatitipid din dito dahil nakababawas ito ng gastos sa pagbili ng formula milk. Hindi rin hassle ang pagbitbit ng mga feeding bottle dahil walang kailangang dalhin kapag umalis. Ikaw lang ay sapat na.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWHigit sa lahat ng nabanggit, ang breastfeeding ay isang magandang pagkakataon sa bonding nina mommy at baby.
Breastfeeding bilang birth control
Itinuturing na isang natural na proseso ng family planning o contraceptive ang Lactational Amenorrhea Method o LAM. Tumutukoy ang lactation sa breast milk production na nagiging sanhi ng amenorrhea na pagtigil naman ng ovulation. Sinasabi nga ng marami nang pag-aaral na nakapagpapadelay ng menstruation ang breastfeeding.
Ang mga mommy na exclusive breastfeeding at tanging breast milk lamang nila ang ibinibigay sa kanilang baby ay hindi agad dinadatnan ng kanilang menstruation. Ito ay dahil sa natural na humihinto ang kanilang pag-ovulate dulot sa breastfeeding. Nagagawang kasing pigilan ng patuloy na breastfeeding ang ang pagprodyus ng hormones para sa ovulation.
Kung nagpapasuso ka pero pinapadede mo rin ng formula milk ang iyong baby o tinatawag na mixed feeding, hindi epektibo ang LAM sa iyo, ganoon din kapag gumagamit ng breast pump. Kailangan na sa iyo direktang sumuso ang iyong baby dahil mahalaga ang ginagampanan ng pag-suck ng iyong baby sa proseso ng paghinto ng ovulation.
Dapat din na diretsong anim na buwan mo itong ginagawa simula pagkapanganak. Higit ding mabisa ang LAM kapag mas madalas ang pagpapasuso at mas matagal ang bawat sesyon.
Pero kapag bumalik na ang iyong menstruation, hindi na rin epektibo ang LAM lalo na kapag nagsimula nang kumain ng solid food ang iyong baby at mas mahaba na ang tulog nito.
Breast pumping
Kung gusto mong tuloy-tuloy na makapagbigay rin ng breast milk sa iyong baby, makatutulong ang breast pumping. Makatutulong din ito na maibsan ang sakit na dulot ng mastitis. Para suportahan ka rito, mahalaga na makapili ng magandang breast pump.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosHand express, manual o electric pump
Mas ipinapayo ng mga lactation consultant ang hand express dahil bukod sa makatitipid, mas nakokontrol ang pressure na inilalagay sa kamay sa pag-express ng breast milk. Pero madalas na nakakangalay rin ito kaya pinipili ng ilan na mag-invest ng magandang breast pump.
Piliin lamang iyong magandang klase pero swak naman sa budget at hindi masakit sa dede kapag ginagamit.
Pag-express ng breast milk
Sikapin na makuhanan ng breast milk ang magkabilang suso para pareho itong matanggalan ng laman at makapagprodyus muli.
Pag-store ng breast milk
Tiyakin na maayos ang pinag-iimbakan ng breast milk para hindi ito masira. Mahalaga ang temperature para mapanatili ang quality ng breast milk. Lagyan din ng tamang label ng petsa at oras bago itago. Ilagay lamang din sa container o bag ang kayang ubusuin ng baby sa isang pagdede para hindi masayang.
Kapag naman ipapadede, sundin ang rule na “first-in, first out.” Ang natunaw na milk ay dapat makonsumo sa loob ng 24 oras pero kapag nasayaran na ng laway ni baby ay isa hanggang dalawang oras lamang. Tandaan, hindi na puwedeng ibalik sa refrigerator ang anumang breast milk na natira at ipaubos ulit sa susunod.
Panatilihing malinis at tuyo ang container
Tiyakin na ang paglalagyan ng naipong breast milk ay tuyo at malinis para maayos ang pag-iimbak at walang mahalong tubig dito gayundin din sa gagamiting feeding bottle.
Breastfeeding position
Ang tamang pagpapa-latch sa baby ay makatutulong para sa maayos na breastfeeding. Makapagdudulot din ng sakit at pagsusugat ng nipple kapag mali ang pagpapa-latch. Kaya dapat tiyakin na nasusubo ng iyong baby ang buong bahagi ng areola at nakalapat nang mabuti ang kaniyang labi rito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWIbigay rin ang iyong dede kapag nakabuka nang buo ang bibig ni baby. Maiiwasan din nito ang pagpapasok ng hangin habang nagdede si baby. Makatutulong din ang paggamit ng iyong kamay sa pag-compress ng iyong breast habang nagpapasuso. Makatutulong ang mga breastfeeding position na ito sa maayos na pagpapasuso.
Karaniwang ginagamit ang cradle hold, football/clutch hold, at ang cross cradle hold na breastfeeding position para sa komportable at sa maayos at epektibong pagpasuso.
1. Tummy to tummy
Tiyakin na magkatapat ang tiyan mo at iyong baby kapag nagpapasuso.
2. Hawakang mabuti si baby
Ilapit mo si baby sa iyo. Dapat nasasapo ng ilong ng baby ang iyong nipple.
3. Pantay ang tenga, balikat, at baywang ni baby
Dapat na diretso ang spine o likod ng iyong baby habang pinapasuso.
Breastfeeding tips
Para sa mga first-time mom, hindi madali ang proseso ng breastfeeding. Mag-aadjust ka sa mga pagbabagong mararanasan mo. Maaaring sa simula ay panghinaan ka ng loob o mawalan ng pag-asa pero masasabing worth it naman. Kaya, rarito ang ilan breastfeeding tips dapat isaalang-alang para sa magtagumpay na pagpapadede:
Pagpaparami ng supply
Tandaan na hindi kailangan ng iyong baby ang maraming breast milk pagkapanganak dahil maliit pa ang sikmura nito (kasinlaki lamang ng kalamansi) at lumalaki ito habang lumalaki rin siya.
Uminom ng maraming tubig dahil binubuo ng higit sa 80% ng tubig ang breast milk lalo na sa unang bahagi ng pagpapasuso. Kaya madalas na nakakaramdam ng pagkauhaw ang mommy kapag nagpapasuso dahil iniibsan muna ng breast milk ang uhaw ni baby para patuloy siyang maproteksyunan sa anumang impeksyon at matulungan siyang lumaking malusog.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMaaari ding uminom ng mga food supplement na makatutulong sa pagpaparami ng pag-produce mo na breast milk para tuloy-tuloy na makapagpasuso. Pero iwasan ang pag-inom ng ilang herbal at supplement na hindi safe para sa nursing mom. Tingnan muna ang label nito bago inumin o kainin.
Makabubuting kumonsulta sa doktor bago ito subukan. Bukod sa nakapagbibigay rin ng comfort ang pag-suck ng baby sa breast ng mommy, nakatutulong din ito sa pagpaparami ng milk. Kaya mas mabuting iwasan ang paggamit ng pacifier sa baby.
Pagkain ng tama
Isama sa diet ang mga pagkain ng masustansiya para manatiling malusog din. Iwasan din ang mga pagkain na makapagdudulot ng allergy sa iyong baby o makasasama sa kaniya.
Limitahan ang mga inumin na makaapekto sa iyong baby na maging kabagin gaya ng maanghang na pagkain, sobrang pagkonsumo ng caffeine, gatas ng baka, mga dairy products at iba pa.
Bantayan ang dami ng pagpapalit ng diaper
Malalaman mong sapat din ang nakukuhang breast milk sa iyo ni baby depende sa dami ng napupuno niyang diaper ng kaniyang ihi at beses ng kaniyang pagdumi. Walang ilalabas na ihi o dumi ang baby kung walang gatas itong ida-digest.
Magtakda ng iskedyul sa pagpapadede
Maaaring dalawa hanggang tatlong oras ang pagitan ng iyong pagpapadede o mas dapat na pakiramdaman din kung kailan nagugutom ang iyong baby.
Pagsusugat ng nipple
Kapag maayos ang pagpapasuso, maiiwasan na magkasugat ito. Pero kung sakali na magkasugat, ipagpatuloy lang ang pagpapasuso at maaaring gumamit ng mga liniment, lanolin o nipple cream para dito na safe para sa iyong baby.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKapag nakaranas naman ng engorged breasts, sikapin na mapaubos ang laman ng breast sa pagpapasuso. Lapatan naman ng maligamgam na tubig o warm water kapag nakararanas ng clogged ducts. Mabubuti rin ang pagligo ng maligamdam na tubig.
Padigyayin si baby
Huwag kalimutang pagdighayin si baby sa bawat pagpapadede. Bago ilipat sa kabilang dede si baby ay padighayin muna ito. Huwag gawing tuloy-tuloy para makalabas ang hangin at hindi kabagan gayundin hindi pumunta sa kaniyang baga ang gatas.
Palagiang maghugas ng kamay
Mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan upang hindi maikalat ang anumang germs o virus at hindi rin maipasa kay baby kaya ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago magpasuso.
Tandaan ang ipinapayo ng mga doctor na kapag ikaw ay exclusive breastfeeding, hindi mo kailangang painumin ng tubig ang iyong baby mula pagkapanganak hanggang anim na buwan. Ang isa sa mga dahilan ay makapagdudulot ito ng water intoxication dahil mailalabas ng tubig ang mga electrolytes sa katawan ng baby lalo na’t hindi pa ganoon ka-mature ang kanilang kidney.
Bagama’t nasa iyo ang trabaho ng breastfeeding, mas gagaan ito sa tulong at suporta ng iyong asawa at kapamilya. Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa ibang tao. Matuto ka rin kumilatis ng mga paniniwala sa pagpapasuso dahil baka mas lalo pang maging cause of ng mom stress mo.
Tandaan mo ring habang inaalagaan ang iyong anak dapat alagaan mo rin ang iyong sarili. Magkaroon ng sapat na pahinga at tulog at kumain ng masustansiyang pagkain para may sapat na lakas at manatiling malusog para makapagpatuloy nang mabuti sa iyong breastfeeding journey!
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWAlam mo ba na nasa batas natin ang mabigyan ng suporta ang breastfeeding moms? Tinatawag ito na Milk Code.
Mom-To-Be? Umpisahan Ang Dapat Malaman Sa Breastfeeding Dito
Source: Progress Pinas
0 Comments