-
Maraming mga magulang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang nagtatanong kung normal bang hirap makatulog ang mga toddlers nila dahil sa masasamang panaginip.
Ayon sa mga eksperto, malimit talaga itong mangyari sa mga bata edad tatlo pataas. Sa ganitong edad kasi nagiging aktibo ang kanilang imahinasyon. Dahil bata pa ang kanilang mga isip, hindi pa nila lubos na alam kung alin ang totoo at alin ang kathang-isip lang.
Nakakaawa man ang ating mga anak, mahalaga na malaman nila, sa pamamagitan ng karanasan, na hindi totoo ang mga multo at monsters sa kanilang isipan.
Ngunit sa halip na iwaksi o hindi pansinin ang takot ng iyong anak, mas magandang bigyan siya ng lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili para harapin ang mga takot niya. Narito ang mga pwede mong gawin.
How to help your kids overcome nighttime fears
Tulungan siyang malaman kung alin ang totoo at alin ang hindi
Huwag maliitin ang kakayahan ng anak mo na intindihin ang konsepto ng “worry” brain at “thingking” brain.
Ipaliwanag mo sa kanya na may mga bagay tayong kinatatakutan na nasa isip lang natin. Hindi maling matakot, ngunit may mga takot na dala ng pag-aalala sa maaaring mangyari. Ang “thinking” brain ang siyang magiging gabay niya para malaman ang totoo sa hindi.
Makakatulong kung ilalagay sa kategorya ang mga bagay na iniisip niya. Halimbawa, ang takot sa mga monsters ay totoo, ngunit hindi totoo ang mga monsters sa ilalim ng kama o sa loob ng closet at cabinet.
Isama sa inyong nighttime routine ang pagproseso sa takot ng iyong anak
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWAnu-ano ba ang mga kinatatakutan at pinag-aalala ng anak mo? Isa-isa ninyo itong pag-usapan at gamitan ng “thinking” brain para mahanapan ng solusyon.
Kung takot ang anak mo sa dilim, makakatulong ang night-light. Kung takot ang anak mo sa mga maaaring nasa ilalim ng kama niya, ipakita na walang mga monsters doon.
Hayaan siyang magkaroon ng paboritong stuffed toy
Paliwanag ng mga eksperto, magandang extension ito ng pagmamahal at pagkalinga ng inyong pamilya para makabawas sa stress ng anak mo kapag wala ka.
Pwede ring gamitin ang paborito niyang stuffed toy para palakasin ang kanyang loob. Halimbawa, pwede mong sabihing ang anak mo ang isa sa mga may kakayahang bigyang proteksyon ang kanyang paboritong laruan laban sa kung ano mang kinatatakutan niya.
Sa ganitong paraan, napapalakas mo ang loob ng anak mo at nabibigyan mo siya ng pagkakataong maging malakas at matapang.
Iplano kung anong gagawin kapag nagising siya dahil sa masamang panaginip
Halimbawang nagising ang anak mo dahil sa night terrors, anong gagawin niya? Ito ang pwede ninyong ihanda at isama sa iyong bedtime routine.
Pupunta ba siya sa kwarto ni mommy at daddy? O gagamitin niya ang kanyang “thinking” brain para malaman na hindi totoo ang mga monsters na napanaginipan niya?
Kung bumangon man ang anak mo dahil sa sobrang takot, yakapin siya at ipaalala na wala na ang mga nakakatakot na bagay dahil panaginip lamang ang mga ito. Tandaang gumamit ng malumanay na tono. Hindi kasalanan ng anak mo ang mga masasamang panaginip.
Bigyan siya ng maiinom kung sakaling sobra ang takot niya. At saka siya paalalahanan na malakas at matapang siya at kaya niyang labanan ang mga “monsters” na naiisip niya.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPurihin siya sa bawat pagkakataong nalalampasan niya ang kinatatakutan niya
Lahat tayo ay may mga takot. Kahit matanda na tayo ay natatakot pa rin tayo sa ating mga panaginip—lalo na kung talagang masama at parang totoo ang mga ito.
Kaya naman malaking tulong sa anak mo ang papuri at pagpapaalala na napagtagumpayan niya ang mga kinatatakunan niya.
Maganda ring tanungin mo sa anak mo kung anong gagawin ng mga paborito niyang superheroes kung sakaling ang mga ito ang makaharap ng mga monsters na kinatatakutan niya. Magandang paraan ito para mas i-build pa ang kanyang confidence.
Madalas bang makaranas ng night terrors ang anak mo? Anu-ano ang ginagawa ninyong mag-ina para malampasan ito? I-share ang inyong tips sa comment section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makakuha pa ng ibang tips.
Heto Ang Pwede Mong Gawin Kung Laging ‘Di Makatulog Ang Anak Mo Dahil Sa Night Terrors
Source: Progress Pinas
0 Comments