Nanalo Ng Anim Na Medalya Sa International Math Olympiad Ang Mga Pinoy Students Na Ito

  • Sa ginanap na 62nd International Mathematical Olympiad (IMO) noong July 14-24, 2021, nakasungkit ang mga estudyanteng Pilipino ng apat na silver medals at dalawang bronze.

    Nakakuha ng tig-iisang silver medal sina Immanuel Josiah Balete ng St. Stephen’s High School; Raphael Dylan Dalida ng Philippine Science High School – Main Campus; Steven Reyes ng Saint Jude Catholic School, at Bryce Ainsley Sanchez ng Grace Christian College.

    Tig-iisang bronze medal naman ang nakuha nina Sarji Elijah Bona ng De La Salle University – Senior High School at Vincent Dela Cruz ng Valenzuela City School of Mathematics and Science.

    Ang Team Philippines ay pinamunuan nina Dr. Christian Paul Chan Shio at Raymond Joseph Fadri, katuwang ang Mathematical Society of the Philippines.

    Ang St. Petersburg, Russia ang naging host ng kumpetisyon, na isinagawa na lang online dahil sa COVID-19 pandemic.

    Nagtapos ang national team ng Pilipinas sa ika-23 puwesto mula sa 107 bansang kalahok.
    Mas mataas ito kumpara sa ika-43 puwesto noong isang taon.

    Ang mga kalahok na Filipino students ay sinanay ng mga propesor mula sa University of the Philippines Diliman at Ateneo de Manila University, kasama ang mga dating opisyal ng team.

    Mas maganda rin ang naging performance ng Philippine team kumpara sa mga bansang karaniwang matataas ang ranking sa IMO gaya ng Japan, France, at Romania.

    “This is a very good year for waving the Philippine banner in the international arena,” ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Science Education Institute Director Dr. Josette T. Biyo.

    “These students are showing the world that Filipinos are achievers in anything they put their minds to, be it sports or intellectual pursuits.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Pahayag naman ni Dr. Chan Shio, “These medals are hard-earned and well deserved. They’re no strangers to the rigors of competition, and their commitment and dedication paid off. They made us and the country very proud.”

    Nanguna sa 2021 IMO ang Chinese team habang nasa second place ang Russia, na sinundan ng Korea at United States.

    Ang 2022 IMO ay gaganapin sa Oslo, Norway.

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Nanalo Ng Anim Na Medalya Sa International Math Olympiad Ang Mga Pinoy Students Na Ito
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments