Share The Load Para Iwas Parental Burnout! Mga Paraan Mas Ma-Involve Ang Partner Mo

  • Marami nang mga mag-partners ngayon ang matagumpay na nahahati sa pagitan nila ang mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging magulang.

    Gayon pa man, mayroon pa ring mga pamilya na mas nakasalalay kay mommy ang caregiving load at housekeeping.

    Ang kawalan ng social support ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakaranas ng postpartum depression ang mga nanay. Isa sa mga sintomas nito ang mom rage. Kung nakakaranas ka nito o ng ano pa mang sintomas ng depression, kumonsulta agad sa medical professional.

    Payo pa ng psychiatrist na si Dr. Joan Mae Perez-Rifareal sa isang episode ng Tanong Lang, importante na may hatian o division of labor sa pagitan ng mag-partner para magkaroon ang parehong nanay at tatay ng pagkakataon na gampanan ang kanyang mga responsibilidad at makapagpahinga.

    Narito ang mga pwede mong gawin kung gusto mo pang mas maging involved ang iyong partner sa parenting at gawaing bahay.

    How to encourage your partner to be more involved

    Huwag tumigil sa pag-uusap

    Payo ng mga relationship experts continued communication ang kailangan. Hindi makukuha sa isang usapan ang paghahati ng responsibilidad at pagbuo ng routine na gagana para sa inyong dalawa.

    Kung nakikita mo ang pagbabago ng partner mo ngunit panandalian lang ito, siguradong mayroon pa kayong hindi napag-uusapan.

    Isa sa mga malimit na issue ay kapag naramdaman ng partner mo na wala kang paniniwala sa kakayahan niyang tulungan ka sa mga responsibilidad. Ito ang tinatawag na ‘maternal gate-keeping.’

    Bukod pa riyan, nagiging issue rin ang sariling takot, insecurities, at padududa ng mga tatay. Maaari lamang itong malampasan kung hindi kayo magsasawang pag-usapan ang inyong mga pangangailangan.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    I-delegate ang mga gawain

    May mga mag-partners na hinahati ang responsibilidad depende sa kung saan sila mahusay. Katwiran nila, mas mapapabilis ang paggawa ng isang bagay kung may kaalaman ang gagawa.

    Para sa mga nanay, kailangan mong magtiwala sa partner mo na gagampanan niya nang mabuti at maayos ang task na ide-delegate mo sa kanya. Ganoon din sa mga tatay.

    Mahalaga ang paniniwala sa kakayahan at judgment ng isa’t-isa para epektibo ninyong mahati ang mga kailangang gawin.

    Huwag matakot i-adjust ang sistema na mayroon na

    Habang lumalaki ang inyong anak, nagbabago rin ang kanyang pangangailangan. Ibig sabihin, magbabago rin ang sistema ninyong dalawa.

    Maganda na mayroon kayong listahan ng mga kailangan ninyong gawin—malaki man o maliit. May mga pagkakataong magiging malaki ang pagbabago at may mga pagkakataon din namang maliit lang ito.

    Sa bandang huli, magiging matagumpay ang pagiging magulang ninyong dalawa kung nagbibigayan kayo at nagtutulungan.

    Huwag hayaan na hindi kayo nagiging open at honest sa isa’t-isa. Huwag matakot na sumubok nang maraming paraan, at tanggapin na may mga pagkakataong magiging magulo at mawawalan kayo ng balanse.

    Paano niyo hinahati ang responsibilidad sa pagitan ninyo at ng partner mo? I-share ang inyong mga tips at techniques sa comment section.

    Pwede rin kayong makakuha ng iba pang payo mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Post a Comment

0 Comments