May Mensahe Si Jennica Garcia Sa Mga Nag-aalala Sa Kanya: ‘Everything Is Normal’

  • Nitong mga nakaraang linggo, dumaan sa malaking pagsubok ang buhay-pamilya ni Jennica Garcia (basahin dito). Kaya naman marami ang nag-alala sa kanyang kalusugan, lalo na’t tila pumayat siya nang husto.

    Pero sabi ng actress at mom of two sa isang Instagram post na binigyan niya ng titulong “Weight Concern,” mabuti ang kanyang kalagayan. Aniya sa caption, naiintindihan niya ang worry tungkol sa kanyang weight.

    Mismong ang tatay ni Jennica na si Jigo Garcia, na dating artista, ay lubha raw nag-alala kaya dinala raw siya sa ospital noong April 2021. Nang ma-check up naman daw siya, normal ang naging resulta.

    Kuwento pa ng anak ng aktres ding si Jean Garcia, nadiskubre niya at kanyang Ninay (pinaghalong Ninang at Nanay) noong 7 years old siya na mas maliit ang kanyang puso para sa kanyang edad.

    Iyon daw ang dahilan kung bakit “not unusual” na himatayin o mag-collapse siya kapag nakakaramdam ng “extreme emotion crying/excitement.” Bukod daw diyan, “everything is normal” naman.

    Kalakip sa Instagram post ang litrato ni Jennica kasama ang mga kapwa niya mga artistang sina Chynna Ortaleza at Chariz Solomon. Kuha raw ang litrato noong Year 2009, kung saan mapapansin na tampok sila sa isang TV show.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Lahad ni Jennica, “As you can see mukha kaming tatlong kawayan. Kawayan pa rin po kami ngayon. Chyns has 2 kids just like myself, while Chariz has 3 and yet we all still have the same body frame.”

    Dagdag pa niya, “I am not underweight. I do not exercise or follow a diet either to be in the body shape that I am in. Last time I exercised hindi pa po ako Nanay. My ‘kain tayo’ post where I shared a photo of my meal before… Hindi po konti yun. Yun ang pagkain ng lahat ng tao dito sa Las Hermanas.”

    Ang tinutukoy ni Jennica ay ang ginagawa niyang drama series sa GMA-7 na Las Hermanas. Dugtong niya, “Hindi lang naka plato kaya mukhang konti but that is 1 cup of rice with 2 chicken parts. The production feeds us well. Kung mukha po akong may abs, baka shadow lang po yun dahil magpapaturo pa lang ako.” (May binanggit siyang pangalan na magtuturo sa kanya.)

    Saad pa niya, “Kung anong exercise pwede kong gawin, August ko pa po sisimulan dahil catching up po ako with school work + quality time with my children before I enter the bubble for taping on July 28 again kaya di ko po magawan ng oras ang pag ehersisyo.”

    Aminado naman si Jennica na kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan: “I should, however, eat more vegetables because I binge on food that is high in cholesterol lalo pag sweldo. HAHA! Ox brain, bone marrow, proben, buttered crabs and shrimp. Yan mga paborito kong pagkain.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Kailangan talaga mag exercise kahit po payat not for weight loss but to live longer at makasabay sa mga physical activities ng ating mga anak. Thank you for all your concern, sadyang dumadami lang po yung nag aalala kaya naisipan ko pong ipaliwanag para isahan na lang. Salamat po!”

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments