-
Noong unang panahon, ang mga gawaing bahay, kabilang na ang pagluluto, ay kinikilala bilang gawain ng mga babae o ng mga ilaw ng tahanan.
Sa kabilang banda, ang pagta-trabaho naman ay tinitignan bilang responsibilidad ng mga tatay.
Pero sa panahon ngayon, kung ano ang kaya ni nanay, kayang-kaya rin ni tatay at kung anong kaya ni tatay, hindi na rin imposible para kay nanay.
Noong pumutok ang COVID-19 pandemic dito sa ating bansa, sina tatay ang nagsilbing ‘sugo.’ Sila ang bumibili ng mga kailangan sa bahay dahil sila ang nabigyan ng quarantine pass.
Nag-trending nga ang isang Smart Parenting article noon tungkol sa pamimili ni daddy sa grocery—may listahan na nga, may kulang o mali pa rin.
Pero nagbago nang talaga ang panahon dahil maraming mga tatay ang nagpatunay (at nagsabi) sa amin na mas malaki pa rin ang bilang ng mga tatay na hindi lang magaling mamili, mahusay rin sa gawaing bahay at sa trabahong pang-kusina.
Sa isang masayang kwentuhan kasama ang mga Smart Parenting Dads, hinamon namin sila na pangalanan o ilista ang mga sangkap ng mga kilalang ulam Pinoy.
Kung inaakala ninyong hindi sila makakasagot at mag-papanic sila, kabaligtaran ang nangyari! Panoorin sa interview na ito kung paanong game na game sinagot ng mga tatay ang aming #grocerychallenge.
Champion rin ba sa kusina ang haligi ng inyong tahanan? I-share ang kanyang mga specialties sa comment section. Pwede ka rin makakilala at maki-bonding sa mga kapwa mo tatay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Marami pang mga nakakatuwa at nakaka-good vibes na videos tulad nito sa aming Smart Parenting YouTube channel. Naka-like at subscribe ka na ba?
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended Videos
0 Comments