-
Nagpasalamat sa Diyos si Kris Aquino dahil bago pumanaw ang kapatid na si dating Pangulong Benigno Aquino III o Noynoy ay napatawad daw siya nito.
Hindi idinetalye ni Kris kung ano ang naging tampuhan nilang magkapatid at kung kailan sila huling nagkausap.
Pero emosyonal niyang inihayag na hanggang sa huli ay nanaig ang pagmamahal sa kanya ni Noynoy.
Sabi ni Kris: “God blessed me because we made our peace, but that is private and I would like to keep that for myself.
“Nagpapasalamat ako na napatawad ako at minahal ako.
“To the end, ang itinuring niya sa akin ay ako ang kanyang bunso.”
May iniwan din daw na pangako si Kris kay Noynoy.
Ani Kris, “Ipinangako ko sa kanya na gagawin ko ang lahat to just be even 1 percent of what he is as a man and as a Filipino.”
Humarap sa media si Kris para magbigay ng kanyang official statement nitong Huwebes ng gabi, June 24.
Simple wake and interment for Noynoy
Ipina-cremate ng pamilya Aquino ang mga labi ni Noynoy, at sinimulan ang lamay sa chapel ng Heritage Memorial Park sa Taguig City.
Mag-aalay sila ng misa sa Ateneo bukas, Biyernes, June 25.
Gaganapin ang interment sa Manila Memorial Park sa Parañaque City sa Sabado, June, 26.
Magkakaroon daw ng “brief ceremony” para sa lilinyang mga honor guard na maghahatid sa mga abo ng dating Pangulo sa huling hantungan nito.
Paliwanag ni Kris, “Ganun kasimple lang.
“Sana maintindihan ninyo na we did not think it would happen this soon, and we are just trying our best na hindi magkaroon ng superspreader event.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW“Hindi namin pinagdadamot sa mga tao dahil alam namin na marami ang nagmahal at sumuportal akay Noy.”
Isinaalang-alang daw ng pamilya Aquino na may pandemya pa kaya mabuting iwasan ang mass gathering.
“Under normal circumstances, Noy served in Congress, Noy served in the Senate, he could have been lying in state in Malacañang.
“But nireresepeto namin na hindi pa lahat ng tao sa Pilipinas ay nababakunahan.”
Kris thanks President Duterte
Nagpasalamat din si Kris kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya Aquino.
Idineklara ni Pangulong Duterte na national mourning mula ngayong araw hanggang July 3.
Sabi ni Kris “Maraming salamat sa Malacañang, dahil nag-reach out sila.
“Maraming salamat kay President Duterte dun sa kanyang nararamdaman namin na sinseridad sa pagko-condole sa pamilya namin.
Thank you kay Executive Secretary [Salvador] Medialdea because he offered us everything we wanted.”
Nagpapasalamat din daw si Kris sa lahat ng mga nagpapadala ng condolences sa pamilya Aquino.
Pumanaw si dating Pangulong Noynoy eksaktong 6:30 a.m. ng June 24, 2021, dahil sa renal disease secondary to diabetes.
Si Kris ang isa sa naunang sumugod sa Capitol Medical Center sa Quezon City nang dalhin doon si Noynoy nitong umaga ng Huwebes.
Nakatira ang dating Pangulo sa Times Street, Quezon City.
In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books’ “Ninoy, Cory and Noynoy” written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook
This story originally appeared on Pep.ph.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos*Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.
0 Comments