-
Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.
Ilang linggo na lang, manganganak na si Miriam Quiambao sa ikatlong supling nila ng asawang si Ardy Roberto. Kaya buhos ang atensyon niya sa mga anak nilang sina Joshua, 13, at Elijah, 2, bago siya maging abala sa parating nilang baby boy at kanyang recovery.
Sabi nga ni Miriam sa isa niyang post sa Instagram kalakip ang litrato ni Elijah na natutulog, “Savoring my last few weeks… or days with this one.”
Nauna nang ikinuwento ng beauty queen-turned-actress/TV host at ngayon ay inspirational speaker/author sa SmartParenting.com.ph na sinimulan na nilang mag-asawa na ihanda ang toddler na anak sa pagiging kuya (basahin dito.)
Ibinahagi rin ni Miriam sa amin kung bakit wala siyang problema pagdating sa pagpapakain kay Elijah. Aniya, “Awa ng Diyos, hindi siya mapili sa pagkain. Noong bata pa lang siya, mga 6 or 7 months, sinimulan namin siya sa tinatawag na baby-led weaning.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPaliwanag niya, “Ang pure na baby-led weaning, nag-skip siya ng pag kain ng mga puree, straight to solid food siya. Although sinimulan namin si Elijah ng konting puree, siguro mga first few weeks. Pero nag-transition kami kaagad into solid food.”
Dagdag pa niya, “So do’n pa lang, mga solid food na chewable, naging sensory experience ’yun para sa kanya. Ngayon, bawat oras ng pag kain niya, parang meron siyang experimentation, nalalasahan niya. Okay lang kahit madumihan siya.
“So sa tingin ko, doon nagsimula ang interes niya sa pagkain. Hindi siya masyadong mapili when it comes to food. Kahit vegetables kinakain niya. Noong isang gabi lang, nag-serve kami ng ginataang gulay, kumakain siya ng mga sitaw, mga ganoon.”
Sabi rin Miriam, mahilig si Elijah sa mga masabaw na pagkain, tulad ng tinola, nilaga, at Hainanese chicken. Pero hindi raw gusto ng bata ang pork at beef. Pagdating naman sa snacks, masaya raw ang anak sa fruits at nuts. Hindi rin kasi nila sinanay si Elijah sa processed at junk food.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosLahad niya, “Kasi siguro noong pinagbubuntis ko siya, ’yun din ang madalas kong kinakain. At saka mga vegetables. Di ba sabi nila, kung ano ang kinakain ng nanay, nalalasahan din ng baby. So maaaring nasanay siya sa gano’ng lasa. Nandoon ang tendency ng preferences niya.”
Sabi pa ni Miriam, hindi lang daw siya ang natutuwang panoorin ang anak. May mga social media followers daw siyang nag-aabang ng kanyang ipo-post na litrato at video ni Elijah habang kumakain.
0 Comments