Bukod Sa Pagtigil Sa Paninigarilyo, May Ibang Mga Paraan Para Palakasin Ang Baga

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Dahil ang COVID-19 ay isang respiratory disease, ang baga o lungs ang pinakadelikadong parte ng katawan para sa sakit na ito. Kaya mahigpit ang bilin ng health officials sa maraming bansa, gaya ng Pilipinas, na gumawa ng mga hakbang kung paano palakasin ang baga.

    Anong tungkulin ng baga?

    Ang baga ay parte ng respiratory system, na siyang grupo ng organs at tissues na nagtutulungan para maging maayos ang paghinga. Tungkulin ng respiratory system na ipasok ang sariwang hangin, tulad ng oxygen, sa katawan at tanggalin ang maduming hangin.

    Paliwanag ng mga eksperto sa American Lung Association na kapag nasa baga na ang iba-ibang klase ng hangin, dinadala ang oxygen sa bloodstream hanggang marating nito ang buong katawan. Sa bawat cell ng katawan, ipinapalit ang oxygen sa waste gas na carbon dioxide. Dinadala naman ang carbon dioxide ng bloodstream pabalik sa lungs para matanggal ito sa sistema sa pamamagitan ng pag-breathe out. Tinatawag na gas exchange ang ganitong palitan ng hangin.

    Paano palakasin ang baga?

    May mga paraan para mapanatiling malusog ang baga at matibay ang respiratory system. Hindi kumplikado ang mga ito at hindi mo pa kailangang gumastos.

    Iwasan ang paninigarilyo

    Ang paninigarilyo ang pangunahing kalaban ng baga, sabi ni Dr. Dexter D. Feliciano, isang pulmonologist, sa webinar na pinamagatang “Usapang Lung: Ang Yosi Ay Deadly.” Posted ang webinar sa Facebook page ng Philippine College of Chest Physicians.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Aniya, naglalaman ang sigarilyo ng 7,000 chemicals na lubhang mapanganib sa kalusugan, tulad ng:

    • Nicotine—nakakamatay kapag umabot sa 60 mg ang konsumo 
    • Tar—naiiwan at nakakasira sa baga
    • Carbon monoxide—usok mula sa sasakyan
    • Cadmium—hinahalo sa baterya ng sasakyan na nakakasira sa atay, bato, at utak
    • Lead—nakakabansot at nakakasira ng utak
    • Arsenic—isang lason sa daga
    • Formaldehyde—ginagamit sa pag-embalsamo sa patay
    • Acetone—ginagamit pangtanggal ng nail polish
    • Methane gas—ginagamit na gasolina

    Kahit daw ang abo ng sigarilyo ay may radioactive elements na maaaring magdulot ng cancer. Isipin mo na lang ang pinsala mula sa sigarilyo mismo. Bukod sa cancer, sanhi rin ito ng iba-ibang sakit sa baga at iba pang parte ng katawan.

    Sabi pa ni Dr. Feliciano, “Sa panahon ng COVID, ang smoker ay may karagdagang mula isa hanggang dalawang beses na tyansa na makakuha ng COVID.” Hindi lang daw smoker ng regular cigarette ang apektado bagkus pati iyong gumagamit ng e-cigarette o vaping. Parehas lang daw ang pinsalang dulot ng kahit anong klase ng paninigarilyo.

    Iwasan ang usok ng sigarilyo

    Paalala ni Dr. Feliciano na kahit hindi ikaw mismo ang naninigarilyo pero may madalas ka namang kasama na naninigarilyo, apektado ka pa rin ng usok. Tinatawag ka na ngayong second-hand smoker, at mataas din ang tyansa na mapinsala ang iyong baga at iba pang parte ng katawan.

    Iwasan ang infection

    Minsan ang simpleng sipon ay nauuwi sa seryosong sakit sa baga. Kaya sabi ng mga eksperto, maiiwasan ang respiratory infection kung:

    • Dalasan ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon o di kaya gumamit ng alcohol-based sanitizer.
    • Iwasan ang mga mataong lugar
    • Ugaliin ang oral hygiene
    • Magpabakuna laban sa flu pati sa pneumonia at COVID-19
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bawasan ang exposure sa air pollution

    Bagamat nakakatulong ang suot na face mask bilang bahagi ng health protocol sa panahon ng pandemya, mainam na iwasan pa rin ang mga lugar na mausok. (Basahin dito kung alin ang most at least polluted na siyudad sa Pilipinas.)

    Gawing regular ang exercise

    Sa tulong ng exercise, lumalakas ang lungs kasabay ng iba pang parte ng katawan. Payo ng mga eksperto na ugaliing magkaroon ng moderate physical activity ng hindi bababa sa 30 minutes ng limang beses sa isang linggo. Kabilang diyan ang brisk walking at biking, pati na gardening at paglilinis ng bahay. Mainam din ang breathing exercises, gaya ng yoga at tai-chi, kung paano palakasin ang baga.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments