5 Payo Ng Doktor Pagdating Sa Gamot Sa Sakit Sa Puso

  • Nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020, dumami ang meeting at dumalas ang pag kain ni Richard Gomez. Kaya sabi ng aktor at mayor ng Ormoc City sa Leyte sa isang online medical show, “Nag-high blood ako.” Kaagad naman siyang komunsulta sa kanyang doktor at nabigyan ng gamot para sa sakit sa puso.

    Ano ang hypertensive heart disease?

    Tinatawag ang hypertensive heart disease, ayon sa libro na may kaparehong titulo, bilang “constellation of changes in the left ventricle, left atrium and coronary arteries as a result of chronic blood pressure elevation.”

    Dahil daw sa hypertension, dumadami ang trabaho ng puso at nagkakaroon ng “structural and functional changes in the myocardium.” Kabilang daw sa mga pagbabagong iyon ang “hypertrophy of the left ventricle,” na kadalasang nauuwi sa heart failure.

    Gamot sa sakit sa puso

    Sa pre-recorded guesting ni Richard sa Usapang Puso sa Puso online show, ikinuwento niya na may iniinom siyang gamot bilang maintenance sa hypertension. Sinisikap niya rin daw na ayusin ang kanyang diet at ipagpatuloy ang active lifestyle para palakasin ang kanyang katawan laban sa sakit sa puso.

    Nagkaroon naman ng talakayan ang hosts na sina Dr. Luigi Segundo at Dr. Don Reyes sa online show, na posted sa Facebook page ng Philippine Heart Association (PHA). Kasama nila ang mga kapwa cardiologists na sina Dr. Jorge A. Sison, Dr. Benjamin Quito, at Dr. Rodette Arevalo, na doktor ni Richard.

    Nagbigay sila ng mga paliwanag at payo pagdating sa kalusugan ng puso, lalo na ang panganib ng hypertension at kung ano ang dapat gawin ng pasyente.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Komunsulta sa doktor

    Sabi ng mga doktor, pabata nang pabata ang mga nagkakaroon ng hypertension. Kung noon daw, 40 ang rekomendadong edad ng pagpapatingin sa doktor, ngayon daw ay dapat edad 30 na.

    Pansin ni Dr. Sison na marami sa mga nakababatang pasyente ay mga nagtatrabaho bilang seafarer o seaman at call center agent. Mayroon nga raw 24 years old at 26 years old na nagiging biktima ng stroke. Meron din naman daw 40 years old na dumanas na ng heart bypass.

    Kaya sabi ni Dr. Arevalo, mainam na maging alerto sa hypertension kung nasa lahi ninyo ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Dagdag pa diyan ang hilig sa pagkain na mataaas sa cholesterol, sodium, at caffeine. May mga pasyente raw siyang mahilig sa kape at milk tea.

    Nirerekomenda nilang mga doktor ang individualized checkup para matukoy talaga kung may hypertension ka o iba pang sakit sa puso.

    Huwag pumalya sa maintenance medicine

    Kapag nakumpirma ng iyong medical results na may hypertension ka nga, reresetahan ka raw ng gamot bilang maintence sa normal blood pressure. Mahigpit na bilin ng mga doktor na huwag papalya sa pag-inom nito.

    Pansin raw kasi nila sa mga maraming pasyente na tinitigil ang pag-inom ng gamot kapag naging normal na ang blood pressure. Hindi raw iyon tama dahil babalik ang pagtaas ng blood pressure at puwede pang mauwi sa mas seryosong kondisyon.

    Paalala rin ng mga doktor na ituloy ang checkup dahil maaaring magbago ang dosage ng iniinom na gamot at para mabantayan din ang lagay ng iyong kalusugan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ugaliin ang self-monitoring

    Sabi ni Dr. Sison, huwag lang umasa sa iyong doktor para masubaybayan ang iyong kondisyon. Kailangan ikaw rin mismo ang mag-monitor ng iyong blood pressure. May nabibiling gadget na nagbabasa ng blood pressure na kilala bilang digital oximeter. Piliin daw iyong kinakabit sa braso at hindi sa may pulso lamang.

    Dagdag pa niya sa self-monitoring ng blood pressure (BP) gamit ang digital oximeter, tandaan ang ilang paalala:

    • Sa umaga mag-check ng BP, bago kumain ng almusal o uminom ng kape
    • Siguraduhin na well rested at hindi pagod
    • Isuot ang strap sa less dominant arm
    • Umupo nang maayos na nakatapak ang parehong mga paa sa sahig
    • Iwasan ang pagsasalita habang nagche-check ng BP
    • Gawin ang measurement mula dalawa hanggang tatlong beses para makasiguro
    • Sa gabi na lang ulitin ang pag-check kung kailangan

    Iwasan ang trigger ng high blood pressure

    Kung may hypertension ka, sabi ni Dr. Quito, mahalaga na alam mo ang mga bagay o gawain na nagpapataas ng iyong blood pressure. Kabilang diyan ang high fat diet at stress. Kaya mainam raw na iwasan ang ano mang nagbibigay ng emotional surge, gaya ng pagsakay sa extreme rides.

    Regular na mag-exercise

    Mainam ang exercise para lumakas ang pangangatawan at bilang gamot sa sakit sa puso. Paalala lang ni Dr. Quito na komunsulta muna sa iyong doktor kung balak mong sumabak sa competitive sports o extreme activities. Baka kasi makasama ito sa iyong puso imbes na makabuti.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments