-
Kapag binabalikan mo ang kabataan mo, karamihan ba ng mga alaala mo na nakakatawa at puro kalokohan ay kasama si tatay? Bukod kasi sa galing at sipag nila sa paggawa ng mga DIY projects, hari rin sila ng pagpapatawa.
Para sa marami, ang mga silly moments na ito ay bunga ng pagiging likas na mapagbiro at kwela ng mga tatay. Malimit kasi, sila ang maraming pakulo kapag playtime. Mahilig din silang magpatawa at gumawa ng mga daring na bagay.
Tinanong namin ang mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village kung anong nangyayari kapag si daddy ang naiiwang bantay ng mga bata.
Ang kinalabasan? Sumakit ang tiyan namin katatawa! Basta si tatay talaga ang naiwan sa bahay, asahan mong masaya at kwela ang kalalabasan. Hindi matatawaran ang saya—mga alaalang hindi matatawaran.
Heto ang ilan sa mga litratong ipinadala sa amin:
No duyan? No problem! Tuwang-tuwa ang anak nina mommy at daddy habang “idinuduyan” siya ni daddy.PHOTO BY courtesy of Lea Manille Tee-ChingADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
‘Yung iniwan mo lang sandali ang anak mo, pagbalik mo, ipinapakain na ni daddy sa dinosaur.PHOTO BY courtesy of Abby Bautista Soriano
Napakagaling talagang magpatulog ni baby ng daddy. Nakaka-proud. (LOL)PHOTO BY courtesy of Cham Secretario
In fairness! Bagay kay daddy ang shade. Nakakaputi! Ang galing pumili ni baby.PHOTO BY courtesy of Bhelle BerjaCONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Konting practice pa sa pagtatali ng buhok, daddy! LOLPHOTO BY courtesy of Vhona-Nanette Perez Angeles-Juganas
“Anak, ganito ang gagawin natin ha? Depensa muna tayo, tapos kapag open na si daddy, pasa mo kay daddy ha?”PHOTO BY courtesy of Dhanzen Rumbaoa Domingo
‘Yung sabi mo kay daddy bantayan ang bata pero ginawa niyang tiga-masahe.PHOTO BY courtesy of Karen Mei CaroADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
Mapapatili ka na lang talaga LOLPHOTO BY courtesy of Belle Alconcel Salido
Daddy, parang hindi yata ikaw ang dapat nakasakay diyan? LOL!PHOTO BY courtesy of Marjorie Murao ValdezGanito rin ba ang nangyayari sa bahay ninyo kapag si daddy ang naiiwan kasama ng mga bata? I-share ang inyong mga pictures sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKung naghahanap ka pa ng good vibes, panoorin ang Smart Parenting Exclusive interview ng Smart Parenting sa celebrity dads na sina Michael V. at Ogie Alcasid sa aming YouTube Channel.
0 Comments