Ilang beses nang nangyari sa’yo ‘yung bigla ka na lang nakakakita ng notification na puno na ang storage ng cellphone mo pero alam mo namang marami pa dapat? Tapos kapag chineck mo, makikita mong puno na pala ng mga selfies ng anak mo.
Laging nangyayari ‘yan sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. May iba pa ngang magugulat na lang, iba na ang wallpaper nila.
Hindi ka talaga pwedeng malingat kapag may toddler ka. Sa isang iglap lang kasi na hindi ka nakatingin, marami nang pwedeng mangyari. May Smart Parenting article kami na dedicated para lang sa mga ‘nalingat moments’. Basahin dito.
Relate ka ba sa mga mommies na ito?
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
CONTINUE READING BELOW
Recommended Videos
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
Mahirap maging magulang pero walang makakapantay sa sayang dulot ng mga bata—kahit na lagi nilang pinupuno ng mga selfies nila ang mga cellphones ninyo.
Kahit nilalagyan nila ng barya, lemon, o laruan ang kape ninyo, kahit inuupuan nila ang mukha ninyo, o sinusundan kayo hanggang banyo, wala pa ring tatalo sa pagmamahal ng iyong anak.
Ang mga simple at nakakatawang moments na ito ang patunay na masarap maging nanay.
Memory full ka ba lagi dahil sa mga selfies ng mga anak mo? I-share iyan sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
0 Comments