-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Naging mainit na topic ang postpartum depression sa isang episode ng Calamansi Live Cast kasama ang Smart Parenting Mom Network. Apat na mommy ang nagbahagi hindi lang ng kani-kanilang mga karanasan pero pati na rin ng iba pa nilang kaibigan at kakilala. Patunay lang na totoo itong nangyayari at marami na ang apektado nito.
Ano ang postpartum depression?
Isang “mood disorder involving intense psychological depression” ang postpartum depression (PPD), ayon sa Merriam-Webster dictionary. Tipikal daw itong nangyayari sa loob ng isang buwan pagkatapos manganak at tumatagal ng higit pa sa dalawang linggo.
Dahil daw sa PPD, kadalasang nahihirapan ang new mom na bumuo ng bond sa kanyang newborn at nakakaramdam siya ng “worthlessness” o di kaya “guilt.” (Basahin dito ang tungkol sa mom guilt.) Nilalayo rin daw niya ang kanyang sarili mula sa kanino man (social withdrawal).
Factors sa pagkakaroon ng postpartum depression
Kuwento ng isang mommy sa live cast, naranasan niya ang “sobrang lungkot” na hindi niya ma-compose ang sarili at naiiyak na lang dulot ng PPD. Noong una raw, “in denial” siya sa nararamdaman. Sabi pa niya raw sa sarili: “Kaya ko ‘to! I’m very strong. I don’t think this is depression.”
Pero pinayuhan daw siya ng kanyang ob-gyn na magpatingin sa psychiatrist, at buti na lang sinunod niya. Doon niya natanggap ang katotohanan at clinically diagnosed na siya na dumaranas ng PPD. Napaliwanagan siya tungkol dito at natulungan na gumaling.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSabi pa niya, nalaman niya na may ilang factors kung bakit nagkakaroon ng PPD. Isa raw diyan ang taong nakapaligid sa new mom. Aniya, “Are you surrounded by people that really supported you? Are you surrounded by people who also deny the fact that you are depressed? Gano’n ‘yun, e.”
Paliwanag pa niya, “Sa ating mga mommies, kailangan talaga, important diyan is ‘yung support ng una, ‘yung ating partner. So, kung wala naman tayong partner, if we are a single mom, meron ba tayong friends that we really trust na hindi tayo idya-judge?
“That someone who would just listen to us, blurt out all our feelings na hindi tayo idya-judge na, ‘Kasalanan mo naman kasi ikaw, you were thinking too much, blah blah, blah,’ ‘yung gano’n. ‘Tapos, another factor diyan is other family members. Aside sa iyong husband, do you have other family members na nagsu-support sa ‘yo?
“Like in my case, I have my mom. But, during that time kasi that I was clinically diagnosed, there were a lot of things that was happening to me in that five years. I lost my dad. I changed career…
“Nawala din ‘yung aking father-in-law. And then, kahit na sabihin nating I was 28 and I was ready to get married, wala, e. Nothing will really prepare you for motherhood. Talagang ‘yung experience was there.” Isa pa raw factor ang pagkakaroon ng family history ng depression.
Mga dapat gawin kung may postpartum depression
Kung new mom ka o pinaghahandaan pa lang ang panganganak, may payo ang mga mommy tungkol sa postpartum depression.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMagkaroon ng acceptance
Una raw sa lahat, kailangan matanggap mo sa sarili na may problema at gusto mong malutas ang problema. Sa kaso ng isang mommy sa live cast, ang asawa niya ang nagkumbinsi sa kanyang hindi na normal ang kanyang kalungkutan.
Humingi ng tulong
Suhestiyon ng mga mommy na magpatingin sa doktor para malaman kung mayroon ka ngang PPD. Kailangan raw kasing clinically diagnosed ka para mabigyan ka ng tamang treatment. Kasama raw diyan ang medication at regular checkup.
Mainam din daw na humingi ng tulong sa mga taong nakapaligid sa iyo para mas maintindihan nila ang pinagdadaanan mo. Matutulungan ka rin daw ng mga kamag-anak at kaibigan na malampasan ang pinagdadaanang postpartum depression.
Tulungan ang sarili
Sabi pa ng mga mommy, kailangan tulungan mo rin ang sarili na malampasan ang PPD. Isang paraan daw ang paghahanap ng outlet para hindi lang nakatutok sa, ika nga ng isang mommy, “regular motherhood task.” Nahanap niya raw iyon sa yoga, na ginagawa pa rin niya kahit napagtagumpayan na niya ang postpartum depression.
May Payo Ang Mga Mommy Na Nakaranas Ng Postpartum Depression
Source: Progress Pinas
0 Comments