-
Nitong Biyernes, July 16, 2021, kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng delta variant ng COVID-19 virus. Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa press conference na 11 sa 16 na mga bagong kaso ng COVID-19 ay dito na sa bansa naipasa-pasa.
Ang delta variant, na unang nadiskubre noong December 2020 sa India, ay sinasabing pinakanakakahawa (most contagious) sa lahat ng uri ng COVID-19 virus. Mas mabilis daw ito ng 225% sa original na virus mula China, ayon sa ulat ng National Public Radio (NPR), na nakabase sa United States. Ito rin daw ang sanhi ng kasalukuyang outbreak sa U.S.
Binanggit sa ulat ang isang study, kung saan nagbigay ng paliwanag tungkol sa delta variant ang scientists mula sa Guangdong Provincial Center for Disease Control and Prevention. Lumabas sa kanilang pag-aaral na mas mabilis lumago ang delta variant sa loob ng respiratory tracts at sa mas mataas na level pa.
Nakita daw nila na ang mga taong infected ng delta variant ay may halos 1,000 times na mas maraming kopya ng virus sa kanilang respiratory tracts kumpara doon sa mga infected ng original virus.
Nabatid din nila na kapag nasagap ng isang tao ang delta variant, kaagad siyang magkakaroon ng infection. Sa loob ng halos apat na araw, laganap na ang virus kaya detectable na ito. Iyon daw kasi sa original COVID-19 virus, halos anim na araw pa bago maging detectable.
Isa pang nalaman ng scientists tungkol sa delta variant ay kaagad itong naipapasa ng taong infected. Kaya mahalaga raw talagang sumasailalim ka kaagad sa quarantine kung may nakasalamuha kang infected ng virus. Gawin mo raw ito sa loob ng 14 days.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMahigpit din ang bilin ng scientists na magpabakuna ng COVID-19 vaccine. Ipinapakita sa ilang datos mula sa U.S. na 99.5% ng COVID-19 deaths sa nakalipas na ilang buwan ay natamo ng mga taong hindi nakatanggap ng bakuna. (Basahin dito ang tungkol sa bakuna.)
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Bakit Sinasabing ‘Most Contagious’ Ang Delta Variant Sa Lahat Ng Uri Ng COVID-19 Virus
Source: Progress Pinas
0 Comments