3 Signs Of Labor Na Malapit Ka Nang Manganak

  • Sa loob ng siyam na buwang pagbubuntis, wala kang pinakaaabangan kung hindi ang araw ng iyong panganganak. Siyempre naman, excited kang makita sa wakas si baby. Kaya mainam na bantayan ang signs of labor na maghuhudyat na malapit ka na ngang manganak. 

    Ano ang labor?

    Ang sinasabing labor sa panganganak ay ang serye ng tuloy-tuloy at gumagrabeng paghilab ng matris (contractions of the uterus) upang bumuka at numipis ang cervix. Sa ganitong paraan, ayon sa mga eksperto ng Johns Hopkins Medicine, mas makakagalaw si baby papunta at palabas ng birth canal.

    Sabi pa nila, kadalasang nagsisimula ang labor dalawang linggo bago o di kaya pagkatapos ng estimated date of delivery. Pero hindi pa raw batid kung ano ang eksaktong dahilan na magtutulak na simulan ang labor.

    Signs of labor

    Walang “real rules” sa usaping labor, sabi ni Dr. Jonathan Emery, isang obstetrician-gynecologist sa Cleveland Clinic sa United States. Nagbabago-bago raw ang mga senyales sa bawat kababaihan, kaya may kanya-kanya silang kuwento ng pagbubuntis at panganganak. Pero may mga tinatawag na common signs of labor.

    Contractions

    Nagbigay ng paliwanag ang Pinay ob-gyn na si Dr. Marie Victoria Cruz-Javier sa panayam niya dati sa SmartParenting.com.ph. Aniya, “a bit tricky” ang paghilab (contractions) ng matris, pati ng puson at tiyan dahil nakakabahala ito, lalo na kung first time manganganak.

    Hindi raw kasi ibig sabihin na kapag nakaramdam ka ng contractions, manganganak ka na agad-agad. Meron din kasing tinatawag na Braxton-Hicks contractions, na kilala rin bilang false labor contractions. “Relatively painless” at “irregular” ang ganitong contractions, at puwedeng mangyari kahit hindi mo pa kabuwanan.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ang totoo o true labor contractions, lahad ni Dr. Cruz-Javier, mayroong “regular intervals.” Sa una, halimbawa, makakaramdam ka ng contractions kada ilang minuto, at magiging regular ito sa kalaunan.

    Puwede raw kada 20 minutes, pagkatapos kada 10 minutes hanggang kada 5 minutes o mas maiksi pa. Samantala, mas tumatagal at sumasakit ang nararamdaman mong contractions.

    Payo ni Dr. Cruz-Javier na huwag mag-panic sa sandaling magkaramdam ka ng contractions. Maaaring paunang senyales pa lang iyan, kaya may natitira pang panahon bago dumating ang active labor at tuluyang manganak. Kailangan kasi na may nararamdaman ka pang ibang senyales.

    A bloody show

    Isa ang tinatawag na “bloody show” sa dalawang signs of labor na magpapatotoo ng contractions na nararamdaman mo. Ito iyong pag-agos ng dugo dahil bumubuka na ang cervix at kumakalas na ang mucus plug. Ang mucus plug ang nagbibigay ng proteksyon sa uterus laban sa bacteria.

    Pero kahit pink o brown pa ang kulay ng dumadaloy na discharge, bilin ni Dr. Cruz-Javier na ipaalam mo na ito sa iyong doktor. Malamang daw na sabihan kang pumunta na sa ospital. Kapag dating mo naman sa ospital, susukatin na ang buka ng iyong cervix para malaman ang natitirang oras para tuluyang lumabas si baby.

    Walang kasiguruhan ang tagal o bilis na pagbuka ng cervix. Pero kung 10 centimers na ang buka ng cervix mo, fully dilated na ito at dadalhin ka na sa delivery room. Kaya ihanda mo raw ang sarili sa pag-ire.

    Watery discharge

    Bukod sa “bloody show,” isa pang senyales ang watery discharge. Ibig sabihin kasi nito, pumutok na ang iyong panubigan (amniotic sac). Pero baka hindi lang kasing dami ng tubig na pinapakita sa mga pelikula. Hindi rin daw ito malinaw na tubig, bagkus parang sabaw ng buko ang kulay.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kapag may watery discharge ka na raw, kailangan mo na talagang madala sa ospital kahit wala kang contractions at iba pang signs of labor. Hindi raw makakabuti na matuyuan ka ng tubig dahil puwedeng magkaroon ng kumplikasyon ang iyong panganganak. (Basahin dito ang tungkol sa dry labor.)

    Iba pang senyales

    Paalala ni Dr. Cruz-Javier na maliban sa tatlong signs of labor, may ilan pang senyales na kailangan mong ikonsulta sa iyong doktor. Kabilang diyan ang:

    • Pagbawas ng galaw o dalas ng pagsipa ni baby
    • Grabeng sakit ng ulo
    • Pagkalabo ng paningin (blurred vision)
    • Kirot sa itaas na bahagi ng tiyan na galing naman sa bandang likuran

    Imbes na signs of labor, baka raw senyales iyon ng kumplikasyon sa iyong pagbubuntis. Kaya mahalaga na komunsulta sa iyong doktor at sabihin lahat ng nararamdaman. (Basahin dito para sa sagot sa mga kadalasang tanong sa panganganak.)

    What other parents are reading

3 Signs Of Labor Na Malapit Ka Nang Manganak
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments