7 Rason Kung Bakit May Mga Nambu-bully

  • “Bakit may mga nambubully” ang tanong ng mga magulang na may anak na pinag-iinitan ng ibang bata. Hindi makakaila kasi ang epekto ng pambu-bully sa kanino man, kaya mainam na mapag-usapan para maintindihan ito.

    Nakaranas si Karla Pambid ng pambu-bully noong bata siya sa eskuwelahan. Nang maging mommy siya, ang anak naman niya ang na-bully ng kaklase nito. Marami na raw siyang natutunan sa mga pinagdaan nilang mag-ina. Ito ang ikinuwento niya sa SmartParenting.com.ph.

    Mula sa isang nakaranas ng pambu-bully

    Pagbabalik-tanaw ni Karla, nasa Grade 3 siya nang malipat siya sa ibang section at pag-initan ng bago niyang mga kaklase. Tumagal raw ang ganoong pakikitungo sa kanya ng ilang mga bata hanggang Grade 6. Kabilang daw diyan ang pangungutya at pagpilit sa kanyang gawin ang kanilang mga assignments. Tumatahimik lang daw siya, pero minsan, pinagtulungan siyang sigawan ng mga kaklase.

    Nang magsumbong daw siya sa kanyang nanay, naalala ni Karla na ipinatawag ng school principal ang mga nambu-bully. Pero imbes daw na umaayos ang sitwasyon ay lumala pa. Bukod pa raw sa pangungutya at pagmumura, nagkaroon na rin ng physical abuse. Pero nang saktan siya, lumaban daw siya at nasuntok niya ang isang kaklase. Mula raw noon, tumigil ang pambu-bully sa kanya.

    Fast forward sa panahon na may anak na si Karla. Sa kasamaang palad, na-bully rin ang kanyang anak ng isang kaklase.

    Isang araw, habang nasa isang meeting siya ng parent-teacher association (PTA), bigla raw lumapit sa kanya ang anak na umiiyak at putok ang labi. Itinulak pala ang anak niya kaya nahulog sa hagdan at nasubsob ang mukha sa sahig. Nagalit daw siya talaga sa nangyari at kinumpronta niya raw talaga ang magulang ng kaklase ng anak niya.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Karla, na ngayon ay respetadong actress/production manager/assistant director sa TV at pelikula, hindi dapat patulan ang mga bully. Lumaban lang daw kung hinihingi ng pagkakataon at huwag na huwag tularan ang pambu-bully.

    Aniya, “The cycle has to stop with the one being bullied.” Mahigpit niya raw na bilin sa kanyang anak, nang lumaki na ito at kaya nang ipagtanggol ang sarili, na tulungan ang mas maliliit na batang nabu-bully. Payo naman niya sa ibang biktima na humingi ng tulong sa psychiatrist para makabangon na dinanas na trauma.

    Mga posibleng dahilan ng bullying

    Ayon sa kilalang researcher sa paksang bullying na si Ken Rigby, masasabing pambu-bully ang paulit-ulit na psychological o di kaya physical oppression na ibinibigay ng “more powerful” sa “less powerful.”

    Dagdag nina Dan Olweus, isang research professor ng psychology, at Andrew Mellor, isang educator at author, pinapahirapan ng bully na makalaban ang kanilang biktima.

    Ayon pa sa ibang experts, may iba-ibang rason kung bakit may nambubully.

    Environmental factors

    Maaaring maimpluwensyahan ang batang bully ng kanyang kapaligiran, kabilang na ang nakikita niya sa media. Kaya mahalaga raw ang proper guidance ng magulang sa mga pinapanood ng anak.

    Low self-esteem

    Napansin na mga eksperto na marami sa mga bully ay mababa ang pagtingin sa sarili (self-esteem). Pinagdidiskitahan daw nila ang ibang bata, lalo na kung mas maliit sa kanila, para mapagtakpan ang kanilang kakulangan. 

    Lack of compassion and empathy

    Sa kabilang banda, sabi pa ng mga eksperto, may mga bully na mataas ang tingin sa sarili pero wala namang malasakit sa kapwa. Gumagamit sila ng dahas kapag nalalagay sa alanganin. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Societal factors

    Malaki raw ang papel na ginagampan ng society sa ikinikilos ng mga bata. Kung halimbawa hindi tanggap sa kanilang komunidad ang malawak na sexual orientation at gender identity, maaaring maging mitsa iyon ng pambu-bully sa miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT) community.

    Peer groups

    Isang rason kung bakit may mga nambubully ang impluwensiya ng barkada. May mga pagkakataon na gusto lang ng bata na makasabay sa hilig ng barkadang bully kaya nagiging bully rin siya.

    Craving attention

    May mga kaso rin ng bullying na uhaw lang sa atensyon ang bata kaya pinagdidiskitahan niya ang kaklase na mahina o kakaiba sa kanyang tingin. Nakukuha niya ang atensyon ng buong klase at kanilang teachers kapag nambu-bully siya.

    Dysfunctional families

    Malaki rin ang epekto ng buhay-pamilya kung bakit may mga nambubully. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga batang may problema sa pamilya ay 3 times ang posibilidad na maging bully. Kabilang sa mga problemang iyan ang paghihiwalay ng mga magulang at pagiging harsh ng mga magulang.

    What other parents are reading

7 Rason Kung Bakit May Mga Nambu-bully
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments