7 Grounds Para Mapawalang Bisa Ang Kasal Sa Pilipinas

  • Alam natin na walang divorce sa Pilipinas hangga’t hindi pa naisasabatas ang panukalang isinumite sa Kongreso noong 2018. Pero may mga pagkakataon na mapapaisip ka kung pwede ba ikasal ulit kahit kasal na.

    Ano ang sinasabi ng batas tungkol sa pagpapakasal

    “Napakaganda ng definition ng batas tungkol sa marriage,” sabi ni Judge Ma. Rowena V. Alejandria ng Regional Trial Court (RTC) Branch 121 sa Caloocan City. Ang tinutukoy niya ay ang Article 1 ng The Family Code of the Philippines.

    Ayon sa batas, “Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life.

    “It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code.”

    Paliwanag ni Judge Alejandria, na marami nang ikinasal na pares, “Ang pagpapakasal ay pundasyon ng pamilya na pinapasok sa pagitan ng lalaki at babae at ito ay naayon sa batas at hindi pwede pagkasunduan lamang maliban sa kasunduan ng magiging mag asawa ukol sa kanilang mga ari-arian.”

    Dagdag pa niya, “May mga requisites na itinalaga ang batas upang masabing valid ang isang kasal.” (Basahin dito ang requirements ng pagkuha ng marriage license at dito para sa karagdagang impormasyon.)

    Pwede ba ikasal ulit kahit kasal na?

    Lahad ni Judge Alejandria na bagamat pangunahin na polisya man ng batas ay “to keep the marriage intact between two parties,” may mga pagkakataon na pinapayagan ng batas na mag-asawa muli ang isang tao.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Pero diin niya na nangyayari lamang ang pagpapakasal ulit kung “may court order allowing any person to remarry.” Kabilang daw diyan ang petition for declaration of nullity na base lamang sa mga grounds na void ang kasal dahil:

    • Minor ang contracting parties o isa sa kanila ay minor nung kinasal
    • Ang consent sa marriage ay hindi kusang loob na ibinigay nung sila ay pumasok sa kasal
    • Ang nagkasal ay walang authority magkasal
    • Walang valid marriage licence na isang formal requisite sa pagpapakasal

    May bilin lang si Judge Alejandria, na may akda rin ng tatlong libro (Criminal Law Simplified, Essentials of the Special Penal Laws of the Philippines, at 2009-2019 Bar Questions and Suggested Answers in Criminal Law).

    Aniya, “Tandaan lamang na kahit may ground ka na ang iyong kasal ay walang bisa, kinakailangan pa din ng court order para ideklara na void or di kaya naman ay voidable ang iyong kasal. Iba din ang grounds kung ang iyong kasal ay voidable. It means the marriage is valid until annulled.”

    Nagbigay ang hukom ng mga halimbawa ng grounds sa voidable marriage:

    • Homosexuality
    • Drug addiction
    • Insanity
    • Shot gun marriage
    • Previous conviction
    • Hindi na minor dahil 18 years old, pero below 21 naman
    • Wala kang marriage consent mula sa magulang o guardian

    Dagdag ni Judge Alejandria: “Ang voidable marriage ay maaring mabalewala kung ito naman ay tinanggap sa loob ng 5 taon ng offended spouse.”

    Diin pa niya ang husgado lang ang magsasabi na walang bisa ang iyong kasal at puwede kang magkasal ulit. Mahaharap ka sa kasong bigamy kapag nagpakasal ka ng pangalawang beses nang hindi pa napapawalang bisa ang una mong kasal.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May sinasabi rin daw ang batas tungkol sa pagpapakasal muli ng isang Pinoy na ikinasal noon sa isang foreigner at sa ibang bansa (Republic vs. Manalo, GR. 221029, April 24, 2018).

    Ang sagot daw sa tanong kung pwede ba ikasal ulit kahit kasal sa ganyang kaso ay oo. Pero sabi ni Judge Alejandria, “Kailangan mo na magfile ng petition for recognition of foreign divorce dito sa Pilipinas upang makapag asawang muli.”

    What other parents are reading

7 Grounds Para Mapawalang Bisa Ang Kasal Sa Pilipinas
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments