-
Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.
Nitong March 20, 2021, isinilang ng asawa ni Joel Orbello Regal na si April Edlagan-Regal ang mga panganay nilang triplets. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, binawian ng buhay si April kinabukasan. Kaagad niyang naulila si Joel at kanilang baby daughters na sina Jia Aamari, Jayce Aliyah, at Jaswhi Adaliah.
Sa pamamagitan ng Facebook, naibabahagi ni Joel ang kuwento nilang mag-anak. Naging daan din ang social media upang makarating sa donors ang hiling niyang ipagpatuloy ang pagdede ng triplets ng breast milk.
“Nasa hospital pa lang po talaga kami, breast milk na po pinapainum namin,” sabi ni Joel nang makapanayam siya ng SmartParenting.com.ph sa pamamagitan ng Messenger.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWDagdag ni Joel, “Sa totoo lang po, takot ako na breast milk ‘yun ipainum sa kanila kasi nga po may COVID pa. Di ko alam kung safe ba para sa mga anak ko. Pero nagtanong naman po ako sa doktor, na hindi naman daw po basta na contaminate ang gatas ng nanay, kaya pinatuloy ko na po.”
Iyon nga lang daw kapag kinapos sila ng supply ng breast milk, pinapadede rin niya ng formula ang mga anak. Sa Laguna pa kasi silang mag-anak na nakatira at kailangan niyang ma-schedule ang pickup ng donasyong breast milk.
Laking pasalamat ni Joel sa mga donors na hindi lang breast milk ang binibigay sa kanyang triplets. May mga nagpaabot din daw ng tulong na material at financial, “at higit sa lahat, sa mga nagdadasal para sa mga anak ko.”
Lahad pa niya, “Almost 3 months na po mga anak ko at kita ko naman sa katawan nila na masigla sila at hindi sakitin. ‘Yun maraming nagsasabi, nagpapayo na iba ang sustansya naibibigay ng gatas ng nanay.”
Dugtong niya, “Bagay naman po na pinaniniwalaan ko, and kita naman po talaga sa kanila ‘yun sigla at lakas ng katawan.”
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosHindi makakaila ang pangungulila ni Joel sa asawang pumanaw dahil sa “acute respiratory failure.” Aniya, “Malaki po ‘yun sakripisyo ng asawa ko. Minahal at inaalagan po mabuti ng asawa ko ang mga anak ko no’n nasa t’yan pa lang sila.
“Kaya bilang tatay na lang nila, kahit mahirap, pipilitin kung kayanin at maging matatag sa kabila ng lahat. Katuwang ko po sa pag-aalaga ang aking biyenan at kapatid ng aking asawa.
“Mahirap po ang bigat sa pakiramdam, especially po no’n unang pagkakataon na babalik na ‘ko sa trabaho. Hindi ko talaga mapigilan lumuha habang nagda-drive paalis.
“‘Yun pakiramdam na gusto mo lang na lagi sila kasama kasi sila ‘yun dahilan kaya nakukuha ko pa ngumiti. ‘Yun mabuhat ko sila at mahalikan, gumagaan pakiramdam ko pero kaylangan umalis at magtrabaho para sa kanila.”
Sa darating na June 20, ipagdiriwang ni Joel sa unang pagkakataon ang Father’s Day. Wala raw sisidlan ang saya niya na makapiling ang mga anak, kahit may pait pa rin ng pangungulila kay April.
Makita niya lang daw ang mga ngiti ng triplets at mabuhat at makasama sila, “masaya na ‘ko do’n.”
Sa Tulong Ng Donors, Napapadede Ng Breast Milk Ang Mga Naulila Sa Ina Na Triplets
Source: Progress Pinas
0 Comments