Matamis, Maasim, Maanghang: Ano Ang Bawal Kainin Kapag Breastfeeding?

  • Editor’s Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang o breastfeeding.

    Bukas ang mga nagpapadedeng nanay sa kaalaman na naipapasa nila ang kanilang kinakain sa kanilang sanggol. Kaya marami sa kanila ang nagtatanong tungkol sa mga bawal kainin kapag breastfeeding.

    Base sa karanasan ng mommies sa breastfeeding

    Sabi nga ng isang breastfeeding mommy sa Parent Chat community ng SmartParenting.com.ph, “Are there restrictions with the foods we’ll eat? What are your list of foods to eat/not to eat? Share naman po.”

    May mga sumagot na sa pagkakaalam nila, “wala naman specific” na bawal kainin. Pero hinay-hinay lang daw sa coffee, chocolate, at softdrinks. Kuwento ng isa sa kanila na “humina milk ko nung nagkakape ako.”

    Lahad ng isa pa,”Medyo ingatan ang caffeine in general not because makakabawas ng supply ng milk but because baka maging super active si baby…Tipo bang hindi madaling matulog. Pero depende naman yan sa baby.

    “Ako, napansin ko ‘yan sa baby ko nung few months pa lang s’ya. Every time inom ako ng kape, she’s having a hard time sleeping. Not just coffee, chocolate…So for a few months, nag-decaf muna ako at iwas sa chocolate.”

    May mga bawal bang kainin kapag breastfeeding?

    May mga paalala ang childbirth educator na si Chiqui Brosas-Hahn sa breastfeeding mothers. Sabi niya sa isang online event, hindi kailangang isuko ang paboritong pagkain kung nagpapadede. Maaari ka pa rin naman daw makagawa ng “perfect breast milk.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Payo pa ni Brosas-Han na puwede kang kumain ng kahit ano, basta “in moderation,” o tamang-tama lang ang dami at dalas. Iba-iba naman daw kasi ang reaction ng baby sa kinakain ng mommy. Meron daw mga baby na maselan dahil baka allergic sila. Pero puwede rin namang lumaki silang hindi na maselan at wala ng allergy.

    Caffeine, alcohol

    Bilin lang ni Brosas-Hahn na iwasan ang sobrang caffeine, tulad ng kape, at alcohol, gaya ng wine. Pero huwag na huwag daw subukan ang recreational drugs. Sakaling iinom ng alcoholic drinks, isang baso lang at “wait until it metabolizes naturally.” Kapag biglang bumigat ang mga suso, kailangan mo raw mag-pump para makawala ang gatas.

    Sugary foods

    May paniniwala na kapag nahilig ang breastfeeding mother sa matatamis, lumalaki ang posibilidad na lumaking obese ang baby. May paliwanag diyan si Dr. Jack Newman, isang pediatrician at International Board Certified Lactation Consultant (IBCLC).

    Sabi ni Dr. Newman sa dati niyang social media post, nagbabago ang breast milk mula umaga hanggang gabi, kada araw at buwan. Pero hindi raw dahil sa kung ano ang kinakain mo. Pareho lang daw ang dami ng asukal sa breast milk kahit gaano katamis ang kinakain mo.

    Gayonpaman, mainam pa rin daw na “in moderation” pa rin ang pag kain ng matatamis at piliin iyong matatamis pero masustansyang pagkain.

    Spicy foods

    Pag dating naman sa mga maaanghang na pagkain, diin ni Dr. Newman na walang kinalaman ang paminta o iba pang uri ng pepper sa pagiging fussy ng baby. Hindi naman raw todong napapunta ang kinakain mong bawang, sibuyas, o ano pang spices sa gatas na pinapadede mo sa anak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ganyan din ang kaso kung iniisip mo namang makakatulong ang herbs, gaya ng peppermint at chamomile, na maipapasa mo ang therapeutic benefits kay baby.

    Para makasiguro, ayon naman sa mga eksperto ng Nemours Kids’ Health, bantayan kung alin man sa iyong mga kinakain ang nagbibigay ng allergic reaction kay baby. Maaaring allergic siya kung:

    • Malimit ang pagluwa niya ng breast milk o di kaya napapasuka
    • Pananakit ng tiyan kaya kinakabag at panay ang pagtaas ng mga tuhod
    • Maplema o madugong pagdumi
    • Matigas na pagdumi
    • Pagkakaroon ng rashes o pamamaga

    Mainam daw na komunsulta sa doktor ni baby kung may napapansin na allergic reaction sa kanya. Baka nga meron talaga sa iyong mga bawal kainin kapag breastfeeding.

    What other parents are reading

Matamis, Maasim, Maanghang: Ano Ang Bawal Kainin Kapag Breastfeeding?
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments