-
Tulad ng maraming mommies, hindi rin nakakaligtas sina Chariz Solomon, Chynna Ortaleza, at Nikki Valdez sa gawaing bahay. Kahit abala sila sa trabaho bilang artista at pag-aasikaso sa kanilang mga anak, sila pa rin ang punong abala sa mga gawaing bahay.
Chariz: “Selfie muna”
Maging sa bahay, nadadala ni Chariz Solomon ang pagiging comedienne. Kabilang na diyan ang paggawa ng household chores. Minsan, nag-post siya ng litrato niya sa Instagram kasama ng gabundok na ligpiting damit.
Sabi pa ni Chariz sa caption, “Ops, selfie muna bago ko sila tiklupin.” Nakakaaliw rin kung paano niya asikasuhin ang tatlong anak na pawang mga lalaki: Apollo James, 7; Ali Joakim, 5; at Andreas Manolo, 1 year old sa September 30, 2021.
Chynna: “Tina-try ko tarayan ‘yung labada”
Dinadaan din ni Chynna Ortaleza ang hindi biro niyang mga gawaing bahay. Kuwento niya sa Instagram habang pinag-iisipan pa kung paano sisimulan ang labada, “‘Yung tina-try ko tarayan ‘yung labada. Baka labahan nila sarili nila!”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWDagdag pa niya sa caption, “Tambak gawain rant #1. Isang malaking…. whaaaaaaaaa!!!!Asan na ba ‘yung Cycles dito? Pati ‘yun nawawala na sa gulo ng balur na ito.”
Kasama ni Chynna sa bahay ang asawang si Kean Cipriano at ang dalawa nilang anak: Stellar, 5, at Salem, 2 years old sa September 25.
Nikki: “Serious ako mamalantsa”
Seryoso naman ang atake ni Nikki Valdez sa pagharap sa gawaing bahay. Nakasulat pa siya ng essay tungkol dito nang mag-post siya sa Instagram ng litrato niya na namamalatsa. Binigyan niya ito ng titulong “IRONED OUT.”
Lahad niya, “Ever since I was a kid, I loved ironing clothes. If you were to make me choose between washing clothes or ironing, I would choose the latter. I find satisfaction seeing all the creases go away.
“Just like our lives, it has its own creases and wrinkles but if we somehow allow ourselves to go through the heat to be ironed out, we find in the end that we are a lot stronger and more beautiful not even realising that all the unwanted things are gone.”
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPaalala ni Nikki, na ang unica hija na si Olivia ay kaga-graduate lang ng grade school: “A little heat won’t hurt. It in fact revives what was once a wrinkly and crumpled situation.”
Pahabol pa niya, “Yes, serious ako mamalantsa.”
Araw Ng Kalayaan Pero Walang Kawala Sa Gawaing Bahay
Source: Progress Pinas
0 Comments