-
Sa Facebook ng Philippine Science High School System (PSHS) kamakailan, ipinagmalaki nito ang mga admission offers mula sa mga unibersidad sa ibang bansa sa kanilang graduates.
Katunayan may isang nakapanayam ang SmartParenting.com.ph na taga-Bangsamoro na nabigyan ng scholarship sa Yale University.
Pero may isa na ipinagpaliban ang pagkakataong makapag-aral sa ibang bansa dahil sa financial problem.
Ito ang napagdesisyunan ni Dominic “Mico” R. Navarro na kasama sa Batch 2021 graduates ng PSHS-Ilocos Region campus.
Isang unibersidad sa Germany at dalawa sa U.S.A. ang nagbigay kay Mico ng admission offers. Una, sa Jacobs University (Germany) with Provost Scholarship, para sa kursong BS Actuarial Science. Sa U.S. naman, may alok from Bentley University with Provost Scholarship para din sa parehong kurso.
Sa University of Wisconsin-Madison, may direct admission offer sa kanya ang Wisconsin School of Business para sa program nito sa BBA Actuarial Science. Matindi ang competition ng admission dito kaya nakakatuwa na makapasok si Dominic. Ito rin ang paaralang pinaboran niya.
Pero lumampas na ang pagkakataon ni Mico, 18, at taga-San Ildefonso, Ilocos Sur. Nabigo kasi si Mico na kumpirmahin ang kanyang slot sa naturang unibersidad dahil sa isyung pinansiyal, ulat ng Inquirer.net noong May 27, 2021.
Para ma-secure ang spot, kinailangan kasi niyang makapag-deposit ng tinatayang Php2.6 million (US$55,000) na siyang “cost of attendance” sa UWM noon pang Mayo 1. Hindi kasi kayang tustusan ng pamilya ni Mico ang ganoon kalaking halaga.
Ayon sa interview ng Inquirer.net, “We tried to reach out to some government officials and agencies for scholarship grants, as well as with private companies [for tie-ups], but I was turned down,”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWNakasaad naman sa ipinadalang acceptance letter ng UWM kay Mico na inalok ng university ang binata dahil sa pagpapamalas niya ng “commitment to academic excellence while contributing to their schools and communities.”
Ani Mico, nanghihinayang siya sa pinalampas na pagkakataong naibigay sa kanya at sa iba pang estudyanteng kagaya niya dahil sa problemang pinansiyal. Shelved muna ang kanyang plano na makapag-aral sa ibang bansa.
Nasa goal pa rin niya ang mag-aral sa ibang bansa in the near future sa sarili niyang sikap. Pero sa ngayon balak niya munang i-pursue ang mathematic o actuarial science degree sa mga kilalang unibersidad dito sa Pilipinas.
This story originally appeared on Pep.ph. Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Pisay Grad Hindi Matanggap Ang Admission Offer Ng International University
Source: Progress Pinas
0 Comments