-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Hindi nakakapagtaka na madapa, mahulog, at masaktan ang bata, lalo na kung may kalikutan siya. Kaya mainam na alam ng magulang o tagapangalaga ang gagawin kung, halimbawa, nagkaroon ng sugat sa tenga, ang anak, at kailan dapat ipatingin ito sa doktor.
First aid para sa sugat sa tenga
May tatlong pangunahing parte ang tenga: outer/external, middle, at inner/internal. Depende kung saang parte nasugatan o napinsala ang tenga ng bata ang ibibigay na lunas o gamot sa kanya.
Sa outer/external ear ang kadalasang tinatamaan kapag naaksidente ang bata habang naglalaro. Ito kasi ang panlabas na parte ng tenga. Maaari itong masugatan at mapinsala kung may sangkot na matulis na bagay o di kaya dahil sa lakas ng impact.
Para mabigyan ng lunas ang sugat sa tenga, lalo na kung hindi kalakihan at may kababawan lang ito, may payo ang Children’s Hospital of Philadelphia na gawing first aid.
- Pakalmahin muna ang bata at sabihin nandiyan ka para tulungan siya.
- Lapatan ng malinis na bimpo o gasa ang tenga ng bata para tumigil ang pagdudugo.
- Maghugas ng mga kamay nang mabuti.
- Hugasan ang sugat ng bata gamit ang sabon at tubig, pero iwasan na kuskusin ito, Siguraduhin lang na matanggal ang dumi para hindi magpeklat ang sugat.
- Pahiran ang sugat ng antiseptic cream.
- Takpan ang sugat gamit ang adhesive bandage o di kaya gauze pad. Silipin ito paminsan-minsan para makasigurong malinis, at palitan kung kailangan.
- Iwasan na hipan ang sugat para hindi tumubo ang germs.
- Kung may pamamaga sa tenga, bigyan ito ng cold compress gamit ang ice pack sa loob ng 10 hanggang 15 minuto kada isa o di kaya dalawang oras. Huwag diretsong ilapat ang yelo sa balat.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMga senyales na dapat ipatingin sa doktor ang sugat sa tenga
Pagkatapos mabigyan ng first aid ang anak, bilin ng mga eksperto ng Kids Health na obserbahan ang pinsala sa tenga. Maaaring kailanganin na dalhin ang bata sa doktor para masuri siya nang husto, lalo na kung may kalawang ang bagay na tumama sa tenga at hindi pa nakakatanggap ng tetanus vaccine ang bata.
Bantayan din ang ganitong mga senyales:
- Malalim ang tama sa may buto (cartilage) ng tenga
- May namumuong dugo (hematoma), na posibleng sumira ng porma (deformity) at magdulot ng “cauliflower ear”
- May ipinasok na bagay sa loob ng tenga, na puwedeng makabutas ng eardum at makaapekto sa pandinig
- Pananakit sa loob ng tenga kahit ininuman na ng pain reliever
- Pagdaloy ng dugo o anumang likido mula sa tenga, at hindi ito tutuli (earwax)
- Nawarak ang balat, at kailangan itong tahiin
- Hindi makalakad nang tuwid ang bata
- Hindi masyadong makarinig ang napinsalang tenga
- Tuloy-tuloy ang iyak ng bata nang higit pa sa 30 minuto
- Infected ang sugat
Sabi naman ng mga eksperto ng Seattle Children’s na ipatingin kaagad sa doktor kung wala pang 1 year old ang anak mo na nagtamo ng pinsala o sugat sa tenga.
Mga puwedeng gawin para maiwasan ang pinsala o sugat sa tenga
Bagamat walang nakakaalam kung kailan dumadating ang aksidente, puwede namang paliitin ang tyansa na mangyari ito. Makakatulong kung gagawin ang mga sumusunod na payo ng mga eksperto:
- Turuan ang bata na huwag kalikutin ang tenga at huwag pasakan ito ng matulis na bagay
- Sabihan ang bata na magsuot ng protective gear kung sasabak sa sports tulad ng skateboarding
- Siguraduhin na professional ang magbubutas ng tenga para sa hikaw
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPaalala rin ng mga eksperto na ibayong pag-iingat ang gawin sa pangangalaga sa tenga hindi lang para maiwasan ang pinsala o sugat sa tenga. Kabilang daw diyan ang pag-iwas sa mga bagay na nakakabingi, gaya ng malakas na tunog o tugtog.
Basahin dito para sa tamang paglilinis ng tenga ng bata.
10 Senyales Na Dapat Ipatingin Sa Doktor Ang Sugat Sa Tenga Ng Bata
Source: Progress Pinas
0 Comments