-
Sa ilang pag-aaral na isinagawa nitong 2021, o isang taon nang magsimula ang COVID-19 pandemic, lumabas na tumaas ang stress level ng buong pamilya (basahin dito). Kabilang diyan ang mga anak kahit bata pa sila.
Samantala, may mga tips ang parenting educator na si Janet Lansbury kung paano magpalaki ng mga anak na “less stressed.” Aniya sa kanyang blog, mainam na simulan sa pagka-baby ang pag-aaruga alinsunod sa mga payo ng infant specialist at kanyang mentor na si Magda Gerber. May paliwanag din si Lansbury gamit ang payo ng iba pang mga eksperto.
Maging responsive at communicative
Magagawa mo ito kung hahayaang bukas ang communication lines ninyo ng anak. Sa baby, halimbawa, aralin kung ano ang ibig sabihin ng kanyang iyak at iba pang senyales. Sabihin mo naman sa kanya kung anong ginagawa ninyo, tulad ng pagkarga sa kanya. Malaking tulong ito sa establishment ng inyong relationship.
Gawing simple, ligtas, maayos, angkop sa edad ang lahat para sa bata
Sa ganyang paraan magiging mabuti ang pakikitungo sa mga baby at toddler na sadyang “sensitive, absorbent, easily over-stimulated.” Madali raw kasi talagang magulat at maguluhan ang mga maliliit na bata sa mga nangyayari sa kanilang paligid.
Protektahan ang developing brain
Suhestiyon ni Lansbury na isiping mabuti ang pagbibigay sa anak ng exposure sa TV. Hindi kasi siya kumbinsido na makakatulong ang TV sa development ni baby.
Hayaang maglaro ang bata
Malaki ang tulong ng paglalaro sa development ng baby, toddler, at preschooler. Kaya hayaan lang ang anak kung paano niya gustong maglaro at iwasan ang pagsasabi kung anong dapat niyang gawin. Ang bata lang daw ang nakakaalam kung kailan siya handa para sa isang bagay.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMaging bukas sa nararamdaman ng bata
Payo ni Lansbury na huwag limitahan ang bata sa pagpapayahag ng kanyang damdamin, maging mabuti man ito o hindi. Para raw hindi nape-pressure ang bata na itago ang totoong damdamin at maging fake sa harap mo. Maiiwasan din na lumaki siyang pini-please ka parati.
Hayaang iresolba ng bata ang stress at conflict
May mga pagkakataong maiinis ang anak, gaya ng hindi niya pag-intindi sa laro o kaya inagawan siya ng laruan. Mainam daw na hayaan siyang maayos ang sitwasyon.
Bigyan ng tiwala at kumpiyansa ang bata
Sa ganyang paraan din magiging buo ang tiwala at kumpiyansa ng bata sa sarili niya mismo. Dala-dala niya iyan sa kanyang paglaki bilang self-motivated na adult.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Pati Bata Apektado Ng Pandemic Stress: 7 Paraan Para Matulungan Ang Anak
Source: Progress Pinas
0 Comments