-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
“Naku, magkakapeklat na naman ako nito.” Ito ang madalas na worry natin tuwing nagkakasugat tayo at humihiling na sana may peklat remover.Ang balat na nagpoprotekta sa ating katawan ay isa sa mga asset ng tao. Siyempre lahat ninanais na maganda at makinis ang balat. Kapag magaspang ang balat o kaya maraming peklat, kadalasan ay nagdudulot ito ng pagbaba ng self-esteem. Naiilang tayo lalo na kung malaki ng peklat at talagang halatang-halata ito.
Ang mga bata na mahilig tumakbo at sa sobrang kalikutan ay hindi maiiwasang hindi magkasugat. Ang peklat nila ay kusang nawawala naman sa kanilang paglaki dahil nababanat pa ang kanilang balat at nagbabago pa kulay. Gaya rin kapag may kagat ng lamok o langgam na kapag kinamot nila ay nangingitim, posibleng mawala rin sa katagalan.
Uri ng peklat
Ang isang simpleng sugat o kahit gasgas lang maaaring gumawa ng pagbabago sa hitsura ng ating balat at makapag-iiwan ng peklat. Bahagi ng natural na paggaling o paghilom ng sugat ang pagkakaroon ng peklat. Nagkakaiba-iba ito ng anyo at paggamot depende sa uri at laki ng sugat. Nakabatay rin ito sa edad at genes. Narito ang iba’t ibang uri ng peklat.
Keloid
Ito ay resulta ng agresibong paggaling ng sugat na lumalampas sa tipikal na pinsala. Umuumbok ang bahagi na nagkasugat habang gumagaling. Kadalasan nangyayari ito kapag dumaan sa operasyon o tinahi ang sugat.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWContracture
Ito ay sanhi ng pagkasunog ng balat. Kapag gumagaling ang sugat, nagdidikit o humihigpit ang balat. Maaaring malalim din ito na makaapekto sa iyong muscle at nerve.
Hypertrophic
Ito ay resulta ng hindi normal na paghilom ng balat mula sa isang trauma o injuiry. Makapal, malapad, at kadalasang nakaumbok ang peklat na nadedebelop sa bahagi ng balat na apektado.
Atrophic
Ito ay dahil sa pagkawala ng tissue. Kapag natuyo na ang sugat, flat lamang ang peklat na ito na nag-iiwan ng dark spot o pangingitim ng balat sa bahaging apektado. Ang ganitong peklat ay nakukuha mula sa pagkakaroon ng tigyawat (pimple marks) at bulutong. Ang maiiwang peklat ay depende kung gaano kalaki o kalalim ang sugat, at kapag marami o malala ang kondisyon.
Peklat removers
Dahil naiilang tayo kapag may peklat, sinusubukan natin ang lahat ng puwedeng gawin o ipahatid para mawala ito. Minsan itinatago natin ito sa pagsusuot ng damit na matatakpan ito. Hindi naman nawawala ang peklat talaga pero mayroong puwedeng gawin para mapaliit ito at mabago ang anyo at kulay na hindi na magiging halata.
Makatutulong ang pag-apply ng mga cream at gel ointment para kumupas ng peklat. Nabibili ang mga ito ng over-the-counter at hindi kailangan ng reseta. Bukod sa mga ito, may ilang sabon din na magagamit para mag-lighten o pumiti ang bahagi na may dark spot.
Kadalasan na may nagsasagawa rin ng pagturok ng steroids kung malala ang peklat. Dumaraan din ang iba sa surgery para mas mabilis ang pag-alis nito. Pero may kamahalan o hindi abot-kaya ang halaga ng mga ointment at ang prosesong medikal sa pagtatanggal ng peklat. Mabuting sumangguni sa doktor katulad ng dermatologist para malaman ang tamang tamang gamot at paggamit.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKung hanap mo naman ay natural na paraan, maaaring subukin mo ang mga sumusunod na sinasabing maaaring makatulong na mabawasan ang bakas ng peklat.
Pagpapahid ng aloe vera
Kumuha ng laman ng aloe vera at direktang ipahid ang gel nito nang paikot sa bahaging may peklat. Pagkaraan ng kalahating oras, hugasan ito nang malinis na tubig para matanggal ang gel sa balat mula sa aloe vera. Gawin ito dalawang beses sa isang araw.
Paglalagay ng honey
Bago matulog, lagyan ng honey ang peklat. Balutin ito ng bandage at iwan nang buong magdamag. Alisin ang bandage pagkagising saka sugasan ang ito nang maligamgam na tubig para maalis ang honey sa balat.
Pagpapahid ng langis ng niyog o coconut oil
Painitan ang tamang dami ng coconut oil sa kutsara. Imasahe ito sa bahagi ng balat na may peklat nang 10 minuto. Hayaan na ma-absorb ng lata ng oil nang mga 1 oras. Gawin ito ng dalawa hanggang apat na beses kada araw.
Paglalagay ng lavender at olive oil
Maghalo ng tatlong patak ng lavender essential oil sa tatlong kutsarang virgin olive oil. Imasahe ang nabuong mixture sa peklat nang limang minuto. Pagkaraan ng kahalating oras, hugasan ito ng maligamgam na tubig. Ulitin ang proseso nang tatlong beses kada araw.
Pagpapahid ng lemon
Maghiwa ng sariwang lemon. Pigain ang lemon habang dahan-dahang ipinapahid ang katas nito sa peklat. Ibabad nang 10 minuto bago ito hugasan ng tubig. Gawin ito araw-araw sa parehong oras.
Paglalagay ng apple cider vinegar
Maghalo ng apat na kutsarang tubig (mas mainam kung distilled) at dalawang kutsarang apple cider vinegar. Gamit ang bulak o cotton ball, ipahid ang nabuong mixture sa peklat. Hayaan itong matuyo. Gawin ito tuwing gabi bago matulog at hugasan naman pagkasiging sa umaga.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPaglalagay ng patatas
Maghiwa ang patatas na may katamtamang kapal. Paikot na ipahid ito nang dahan-dahan sa peklat. Kapag natuyo na ang hiniwang patatas, itapon ito at gamitin ang iba pang nahiwa. Gawin ito nang 20 minuto at hayaan na matuyo ang pinahiran nang 10 minuto. Pagkatapos, hugasan ito ng tubig. Ulitin ang prosesong ito nang isang beses kada araw.
Paglalagay ng baking soda
Maghalo ng dalawang kutsara ng baking soda sa tubig (mas mainam kung distilled). Haluin ito hanggang maging parang pandikit. Basain ang iyong peklat ng tubig saka ilagay ang nabuong mixture. Iwanan ito at lapatan ng warm compress nang 15 minuto saka ito hugasan ng tubig. Gawin ito araw-araw.
Bukod sa mga nabanggit na mga posibleng peklat remover, pinakamainam ding gamitin ang katas ng mga prutas na mayaman sa vitamins C gaya ng orange at dalandan na pampaalis ng peklat. Magpiga lang nito at gamit ang cotton balls, ipahid ang katas nito sa iyong peklat. Ibabad nang 30 minuto at gawin nang dalawang beses kada araw.
Ayon sa mga eksperto, maganda ang natural remedy pero nangangailangan din ito ng pagtitiyaga para maging epektibo ang proseso.
Sources: WebMd, Healthline
Mga Natural Na Paraan Na Maaaring Makatulong Sa Peklat Na Iniwan Ng Sugat Sa Balat
Source: Progress Pinas
0 Comments