-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kapag nangati ang balat, kaagad iisipin na may kumagat na insekto kaya magpapahid ng nakasanayang remedyo. Pero may ilang mga sakit sa balat, tulad ng buni, na maaaring sanhi ng pangangati. Mainam na malaman muna ang totoong kondisyon para mabigyan ng, halimbawa, mabisang gamot sa buni.
Ano ang buni?
Ang buni ay isang uri ng fungal infection, sabi ni Dr. Boyet V. Bautista Jr., isang dermatologist at miyembro ng Dermatologic and Aesthetic Surgery International League. Aniya, kilala ang buni sa medical term na dermatophytosis at sa English word na ringworm.
Ang dermatophytosis ay isang infection na umaatake hindi lang sa balat bagkus pati na sa buhok at mga kuko. Ito ay ayon sa medical paper na may titulong Dermatophytosis: The Management of Fungal Infections, na nailathala sa United States National Library of Medicine.
Sanhi raw ang infection ng dermatophyte, na “most commonly of the Trichophyton genus and less commonly of the Microsporum or Epidermophyton genera.” Ang iba pa raw na pangkaraniwang sakit sa balat na dulot ng infection ang tinea capitis, tinea pedis, and onychomycosis.
Paliwanag naman ni Dr. Bautista na kaya binansagan ang buni na “ringworm” ay dahil dati itong inakala na sanhi ng bulate. Pero kahit napag-alamang fungus ang tunay na sanhi ng sakit sa balat na ito, hindi na raw pinalitan ang bansag na ringworm dahil marahil hugis naman itong bilog na parang singsing.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSabi pa ng doktor, na fellow ng Philippine Association of Primary Health Physicians, Inc., maaaring isa o higit pa ang sumulpot na bilugang patse-patse sa katawan. “Ang lumalaking patse ay mapula at nakaumbok sa gilid habang ang gitna ng bilog ay maputi o may kaliskis. Maaring magdulot ito ng bahagya o matinding pangangati sa taong mayroon nito.”
Dagdag pa ng chief executive officer (CEO) at consultant ng Ageless You Anti-Aging and Skin Clinic sa Dagupan City: “Madaling magkaroon ang mga Pilipino ng sakit na ito dahil sa klima nating mainit at maalinsangan. Ito ay napakainam para sa mga fungus o dermatophytes para tumubo.”
Paano nagkakaroon ng buni?
Babalala ni Dr. Bautista na nakakahawa ang buni. Kadalasan itong naipapasa kapag:
- Napadikit sa balat ng taong may buni, tulad ng pakikipagkamay
- Paghawak sa mga alagang hayop na may buni
- Paggamit ng mga infected na mga bagay tulad ng mga twalya, pang-ahit, dimpo, make-up kits at gunting
- Paghawak ng lupa tulad ng sa gardening o paglalaro sa putikan
- Hindi wastong paglilinis ng katawan (poor hygiene)
Tandaan daw na ang mga fungus ay mas mabilis tumubo at kumalat sa mga maruming lugar ng ating katawan. Lahat din daw ay maaaring magkaroon ng buni, pero may mga sitwasyon na mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng sakit na ito. Kabilang diyan ang mga sumusunod:
- Mga bata dahil sila ang mahilig maglaro sa lupa at putik, at kailangan pa silang pagsabihan na maglinis ng katawan.
- Mga atleta dahil madalas silang pawisan.
- Mga may alagang hayop tulad ng pusa at aso.
- Mga nakatira sa mga maalinsangan at mainit na lugar, kung saan madaling pagpawisan
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMabisang gamot sa buni
Sabi ni Dr. Bautista, may mga mabisang gamot sa buni. Mga halimbawa niyan ang ketoconazole creams, clotrimazole creams, at miconazole cream. Mabibili raw ang mga ito over-the-counter sa mga botika. Pero paalala niya na mas makakabuti pa rin na kumonsulta sa inyong doktor dahil hindi naman daw lahat ng mukhang buni ay talagang buni.
Isa pang dahilan para magpatingin sa doktor ang gabay sa tamang paglalagay ng mabisang gamot sa buni. Baka kasi imbes na gumaling ang pasyente, baka lumala pa ang kondisyon at ikasama ito ng kanyang kalagayan kung hindi nasunod ang instructions.
Basahin dito ang mga bawal na pagkain sa may buni.
Ito Ang Mabisang Gamot Sa Buni, Sabi Ng Derma
Source: Progress Pinas
0 Comments