-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Isa sa mga nagbibigay ng kaba sa mga kababaihan ang problema sa reproductive system. Kaya marami ang nagtatanong ng gamot sa bukol sa matris, lalo na kung sumabay pa ito sa pagbubuntis.
Paano malalaman na may bukol sa matris
Ang pagkakaroon ng bukol sa matris ay isa sa mga sakit sa reproductive system ng mga kababaihan. Kilala ang bukol na ito sa medical term na myoma, na siyang namang tawag sa abnormal growth sa matris. Maituturing ito na tumor o uterine fibroid.
Maraming kababaihan ang may uterine fibroids, ayon sa Mayo Clinic, pero kadasalang hindi nila nalalaman. Wala raw kasi silang nararamdamang kakaibang sintomas. May paliwanag naman si Dr. Jennifer Co, isang ob-gyn at infectious disease specialist, sa dati niyang panayam sa SmartParenting.com.ph.
Sabi ni Dr. Co, maaaring magsuspetsa sa pagkakaroon ng myoma at komunsulta sa doktor “kasi may nakakapa na silang bukol.” May mga pagkakataon din na hindi sinasadyang matuklasan ang myoma habang sumasailalim sa pelvic examination o prenatal ultrasound.
Bukol sa matris at pagbubuntis
Bagamat hindi hadlang ang myoma para mabuntis, sabi ni Dr. Co, maaari naman itong magdulot ng kumplikasyon. Partikular daw ang uri ng bukol na submucous myoma, na tumutubo sa middle muscle layer ng matris.
Aniya, “‘Yung submucous myoma kasi nasa surface ng endometrium. So [maaaring] mahirapan ‘yun na magbuntis. Halimbawa, nagkaroon ng fertilization, pero ang problema ay implantation [dahil sa myoma] so hindi rin dumidikit o nag-i-implant.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWDagdag pa niya na kung sobrang laki ng bukol, puwede itong magdulot ng preterm labor. Kapag daw kasi nakaramdam ng kirot ang buntis dahil sa myoma at magkaramdam siya ng uterine contractions.
Isa pang posibleng kumplikasyon na hatid ng myoma ay ang hindi paglaki nang lubusan ni baby sa sinapupunan. Sabi nga ni Dr. Co, “Kasi nakikipag-compete ng space ‘yung baby dun sa myoma. Dahil malaki ‘yung myoma, pwedeng may growth restriction or low birth weight ‘yung babies kasi maliit sila.”
May iba pang posibleng kumplikasyon sa pagbubuntis na hatid ng myoma, ayon naman sa mga eksperto. Kabilang diyan ang:
- Placental abruption, kung saan kumakalas ang placenta mula sa uterine wall dahil nakaharang ang bukol
- Cesarean delivery
- Miscarriage
- Breech position, o pagiging suhi, dahil limitado ang galaw ni baby at hindi siya maka-posisyon nang tama
Sa kabilang banda, posible rin daw na lumiit o di kaya tuluyang mawala ang bukol pagkatapos manganak at bumalik sa dating laki ang matris.
Gamot sa bukol sa matris
Kung buntis ka at nadiskubre ng iyong doktor na meron kang myoma, sabi ni Dr. Co, kailangan maging aware ka tungkol dito. Pero huwag ka munang mag-isip na maooperahan ka na kaagad para tanggalin ang bukol.
Paliwanag ni Dr. Co, “Imo-monitor lang ‘yung baby saka myoma. Halimbawa nagkaroon siya ng signs ng preterm labor, nagbibigay lang kami ng gamot na pampa-relax ng matres ng pasyente, na ginagawa rin namin sa mga normal pregnancy.”
Kung maliit lang daw kasi ang bukol, malamang hindi ito makakasagabal sa pagbubuntis. Kaya hindi kakailanganin na tanggalin ang myoma, lalo na kung wala ka namang nararamdaman na sintomas.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPero kung lumapad ang matris, na parang nasa ikalawang buwan hanggang ika-apat na buwan na pagbubuntis, at may kasama ng pagdudugo (bleeding), kailangang matanggal ang myoma sa pamamagitan ng surgery. “Pwedeng laparoscopy, pwede ring laparotomy,” sabi ni Dr. Co.
Samantala, kung maliit na submucous myoma ang dahilan ng pagdudugo, maaaring magsagawa ang doktor ng transcervical resection bilang gamot sa bukol sa matris. Ayon kay Dr. Co, “As much as possible, we do the conservative management which is myomectomy. Tatanggalin lang ‘yung myoma at iiwan ang matres.”
Buntis At May Bukol Sa Matris? Ito Ang Payo Ng Ob-Gyn Na Dapat Gawin
Source: Progress Pinas
0 Comments