-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Sakit sa tiyan at ulo ang ilan sa mga kadalasang dinadaing ng mga bata, kaya hindi ito masyadong siniseryoso. Pero kung may kasabay ito na iba pang mga sintomas, baka may mas malalim ng dahilan. Kabilang diyan ang stomach flu.
Ano ang stomach flu?
Stomach flu ang isa pang tawag sa sakit na gastroenteritis, ayon sa mga eksperto ng Kids Health. Anila, nangyayari ito kapag ang germs (gaya ng viruses, bacteria, at parasites) ay pumasok sa katawan at nagdulot ng infection sa tiyan o di kaya sa intestines. Magkakaroon tuloy ng pamamaga sa parteng iyan ng katawan.
Sa mga bata, kadalasang viruses ang dahilan ng pagkakasakit ng stomach flu. Pangunahin diyan ang rotavirus, na puwede namang maiwasan sa pamamagitan ng rotavirus vaccine. Kaya kung hindi pa nababakunahan ang anak mo, maaari siyang tamaan ng stomach flu kung:
- May nahawakan siyang kontaminado ng virus at pagkatapos, hinawakan naman niya ang kanyang bibig o di kaya pagkain
- May kasama siya sa bahay na infected ng rotavirus kahit hindi pa ito diagnosed na may sakit na stomach flu
- May kasalo sa pagkain o inumin sa may sakit na pala na stomach flu
Mga sintomas ng stomach flu
Marahil hindi mo kaagad mapapansin na stomach flu ang tumama sa anak mo dahil pangkaraniwan ang mga sintomas nito. Kabilang diyan ang:
- Pananakit ng tiyan at ulo
- Pagkakaroon ng lagnat
- Pagkahilo at pagkabalisa
- Pagsusuka (vomiting)
- Pagtatae (diarrhea)
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKapag tinamaan na ng stomach flu o gastroenteritis ang bata, sabi ng mga eksperto ng Healthy Children, magsisimula na siyang magsuka. Mas apektado raw ang bata ng vomiting kumpara sa mga adult na tinamaan din ng stomach flu. Mangyayari ang pagsusuka ng bata sa loob ng 24 oras, pero puwede pa rin daw itong magpatuloy pa. Kaya dapat hinay-hinay lang daw muna sa uri ng pagkain at inumin na ibibigay sa bata. Wala muna raw solid food, fruit juice, at softdrinks. Baka kasi isuka niya lang ang mga ito.
Pero kung walang humpay pa rin ang pagsusuka at iba pang sintomas, bilin ng mga eksperto na ipatingin na ang bata sa doktor. Isa sa mga puwedeng kumplikasyon ng stomamach flu dahil sa sintos nitong diarrhea ay ang dehydration. Kabilang ito sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa mga sanggol (infant mortality) sa buong mundo. Para makumpirma ang sintomas ng dehydration sa bata, maaari siyang pakuhanin ng stool test, urine test, o di kaya blood test.
Mga dapat gawin sa batang may stomach flu
Kung baby pa ang anak mong may sakit ng stomach flu at pinapapadede mo siya, may payo si Dr. Carina Quimbo, isang pediatrician-neonatologist. Sabi ng doktora sa dati niyang panayam sa SmartParenting.com.ph, ituloy mo lang ang breastfeeding bilang posibleng panlaban sa sakit. Kung bottle-fed naman si baby, siguraduhing “antiseptic” ang pagtitimpla mo ng gatas at ang mga kagamitan sa pagpapadede sa bote.
Para maiwasan ang dehydration habang dumadanas ang bata ng diarrhea, payo ng mga eksperto na dagdagan ang pinaiinom na tubig sa pasyente. Pero kung may mild dehydration na raw ang bata, kailangan na siyang mabigyan ng oral rehydration. Ito ang pagpapainom sa bata ng oral rehydration solution na may tamang timpla ng tubig, asukal, at asin para malabanan ang dehydration. Isa itong over-the-counter medication.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPero kung umabot sa severe ang dehydration ng bata, kailangan na siyang mapagamot sa ospital. Doon siya bibigyan ng intravenous (IV) solution para masigurong malabanan ang dehydration at bumalik sa normal ang kanyang kondisyon.
Para naman makaiwas ang bata sa rotavirus, na pangunahing sanhi ng stomach flu sa mga bata, rekomendado ni Dr. Quimbo ang pagpapabakuna ng bata pagtungtong niya sa edad 6 weeks.
5 Sintomas Ng Stomach Flu Na Hindi Dapat Balewalain Sa Bata
Source: Progress Pinas
0 Comments