11 Bagay Na Makakatulong Sa Mga May Sipon At Ubo (Bata O Matanda)

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag nagkakasakit ang ating mga anak, hindi maiiwasan na mag-aalala tayong mga mommy. Karaniwang na ang sipon at ubo pero lalo naging malaki ang pangamba kapag meron nito dahil sa COVID-19.

    Nagdudulot ng discomfort ang sipon at ubo lalo na sa pagtulog. Nahihirapan ang mga bata maski matanda magkaroon nang maayos na tulog dahil sa hirap makahinga, baradong ilong o kaya naman ubo nang ubo dahil sa makating lalamunan.

    Siyempre tayong mga mommy ay talagang puyatan din sa pag-aalaga at nag-aalala rin sa kanila dahil sa pagnanais nating maginhawaan ang pakiramdam ng ating mga anak. 

    Sinasabi ng mga eskperto na ang sipon at ubo ay hindi sakit kundi sintomas ng isang sakit. Ito ay pagnanais na ilabas ng ating katawan ang anumang pumasok na bacteria o virus. Karaniwang sipon ang unang mararamdaman ng bata bago ubuhin.

    Kapag tumulo ito sa likod ng lalamunan ay mangangati sa bahaging iyon na magdudulot naman ng pag-ubo. Ito ay matigas na pag-ubo o tinatawag na dry cough. Mayroon din naman na may kasamang plema o ubong may halak o wet cough na posibleng mula sa asthma o sakit sa respiratory system.

    May sipon at ubo na dulot ng allergy na maaaring mawala rin agad. Pero kapag napabayaan o lumala rin kasi ang ubo at sipon ay maaaring mauwi sa malubhang sakit kaya dapat na maagapan agad ito.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Paano mapawi ang sintomas na sipon at ubo 

    Totoong nakakaratanta sa ating mga mommy o kung minsan pa ay nagpa-panic tayo kapag nahihirapan sa ubo at sipon ang ating mga anak. Pero magbahala dahil maaaring magamot naman ito. Subukin mo ang mga home remedy na ito bilang paunang lunas sa sipon at ubo ng iyong anak.

    Pagpapainom ng tubig 

    Mahalaga ang tubig na panlunas sa anumang sakit o karamdaman dahil nailalabas nito ang mga toxin sa ating katawan. Ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig sa isang araw o sa pamamagitan ng water therapy napapalambot ang sipon at plema para mailabas nang tuluyan ito.

    Tubig at asin

    Ang pagmumumog ng tubig na may asin ay makatutulong para sa makating lalamunan na dulot ng dry cough. Maghalo lamang ng kalahating kutsari ng asin sa isang basong tubig at ipamumumog sa iyong anak. Gawin lamang ito sa mga batang kaya nang magmumog o mga nasa edad na 6 na taon pataas.

    Maaari din ang papapausok ng tubig na may asin gamit ang nebulizer. Kung wala naman ng aparatong ito, puwedeng magpakulo ng tubig na may asin at ipalanghap sa iyong anak ang usok nito.

    Honey

    Maraming benepisyo ng honey sa katawan. Epektibo etong natural na lunas na nakapagpapagaling ng sipon at ubo lalo na sa dry cough. Ipinapayo ang pagpapainom sa bata ng isang kutsara bago matulog. Maaaring ihalo rin sa tubig o fresh lemon juice.

    Pero dapat tunay na honey na ipapainom at paalala na dapat nasa tamang edad ang bata. Hindi puwede ang honey sa mga baby na wala pang isang taon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Luya

    Alam natin ang benepisyo ng luya sa katawan lalo na sa sipon at ubo. Pakuluan sa dalawang tasang tubig ang isang piraso nito na kasinlaki ng hinalalaki. Palamigin at pigaan ng kalamansi. Maaaring lagyan din ng honey para magkaroon ng lasa at maibsan ang anghang saka ito ipainom sa iyong anak.

    Dahon ng bayabas

    Magpakulo ng tamang dami ng dahon ng bayabas nang 15 minuto. Palamigin ito at ipainom sa iyong anak. Mabisa rin itong pantanggal ng pangangati ng lalamunan.

    Oregano 

    Maaaring patuyuin ang dahon ng oregano saka pakuluan. Palamigin ito at lagyan ng kaunting honey para maibsan ang pait bago ipainom sa iyong anak. Maaaring ding dikdikin o durugin ang dahon ng oregano at salain ang katas na siyang ipapainom sa anak. Ngunit hindi ito ipinapayo sa mga sanggol na wala pang isang taong gulang.

    Lagundi

    Dikdikin ang dahon ng lagundi saka pakuluan sa tubig at gawing tsaa. Ito ang ipainom sa iyong anak nang tatlong beses sa isang araw.

    Malunggay

    Subukan ang pagpapainom ng malunggay juice na may katas ng kalamansi o lemon. Lagyan pa ng kaunting honey at natural na remedy na ginagawa pa rin ito ng mga mommy para sa ubo ng kanilang anak.

    Air humidifier at purifier

    Maaaring may iba’t ibang pinagmumulan ang pag-uubo o pagkakasipon ng iyong anak. Posibleng dahil ito sa allergy sa alikabok, balahibo ang hayop, at iba pang uri ng allergen. Makatutulong ang air purifier para masala ang hangin na nalalanghap nila mula sa mga allergen.

    Samantla, nakatutulong naman ang humidifier para maging maluwag ang paghinga nila lalo na ang paglalagay ng mga natural essential oil gaya ng eucalyptus na makapagpapaluwag sa paghinga nila o magpapalambot ng plema.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Mainit na sabaw o lugaw

    Batay sa mga pag-aaral, ang amino acids mula sa paghigop ng mainit na sabaw o lugaw na may bawang at sibuyas ay makatutulong sa congestion. Nakapagpapaluwag ito ng paghinga at nakapagpapagaan ng pakiramdam. Ganito rin ang nagagawa ng pagligo ng maligamgam na tubig na nakapagbibigay ng ginhawa sa pakiramdam.

    Bukod sa mga ito, hayaan din mabilad sa araw ang iyong anak kahit lima hanggang 10 minuto sa umaga. Ang pagpapaaraw ng kanilang likuran ay maaaring makatulong sa pag-alis ng kanilang ubo. Bagaman sinasabi nang marami na talagang epektibo ang mga nabanggit na home remedy, posibleng hindi ito tumalaba sa iyong anak.

    Maaari ding bumili ng mga gamot na mabibili over-the-counter sa mga botika. Pero pinag-iingat din ng mga doktor ang mga magulang sa pagpapainom ng mga gamot sa mga anak ng mga decongestants (phenylephrine), antihistamines (chlorpheniramine maleate and others), cough suppressants (dextromethorphan), at cough expectorants (guaifenesin).

    Posible kasing maging dependent sila rito at magdulot ng ibang komplikasyon kung hindi tama ang pagbibigay. Kaya mabuti ang kumonsulta sa doktor bago rin magpainom ng gamot para na rin sa tamang dosage na ibibigay. 

    Kung ang ubo at sipon din ay may kasamang lagnat, pinakamabuti pa rin ang pagpapatingin sa doktor lalo na sa panahon ngayon. Kung may iba pa ring sintomas na kasama ito gaya ng paghingal at hirap na hirap sa paghinga ang iyong anak, pananakit ng lalamunan, pamamaga ng lymph nodes o kulani, matinding sakit ng ulo.

    Madalas naman ang mga bata na magkaubo at magkasipon. Ang mga karaniwang sipon at ubo ay maaaring 8-12 beses kada taon maranasan ng bata dahil nagdedebelop pa lamang din ang kanilang immune system. Kaya mas mabuting pataasin ang immune system ng inyong anak para maiwasan silang magkasakit lalo na sa panahong ngayon.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sources:

    The Best Medicine for Cough and Colds That Beats Over-the-Counter Drugs

    9 Natural Remedies for Baby’s Cough Used by Real Moms

    What other parents are reading

11 Bagay Na Makakatulong Sa Mga May Sipon At Ubo (Bata O Matanda)
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments