-
Mula October 16, 2021, mas maluwag na ang ipapatupad na quarantine status sa Metro Manila, ayon sa pinakabagong anunsyo ng MalacaƱang.
Mula sa Alert Level 4, ibababa na ito sa Alert Level 3 kung saan mas marami ang mga establishment at pasyalan na maaari na muling magbukas. Gayundin, tataas na ang bilang ng mga indibidwal na maaaring tanggapin ng mga establishment gaya ng mga kainan.
Mababasa ang buong guidelines kaugnay ng bagong alert status system dito.
Pwede na bang lumabas ang mga minors at senior citizens?
Sa mas mababang Alert Level 3, maaari nang lumabas ang mga edad 18 pababa. Pwede na rin ang mga may comorbidities para sa pagkuha ng essential goods at services, o para sa trabaho.
Pinapayagan na rin ang “intrazonal and interzonal travel” o pag-travel sa loob at labas ng Metro Manila basta’t naaayon ito sa patakaran ng LGU (local government unit) ng pupuntahang lugar.
Tandaan: Kung magpapa-plano ng biyahe, siguruhin na itanong sa LGU ang kanilang patakaran sa age restrictions. Sa kasalukuyan, sa Metro Manila pa lamang ipinatutupad ang bagong quarantine status at nanatili ang GCQ at MECQ status sa iba pang lugar sa bansa.
Nauna na ring inanunsyo ng pamahalaan na pwede nang pumasyal sa mga GCQ at MGCQ areas mapabata man o senior citizens.
Balik-normal naman na ang patakaran sa outdoor exercises kung saan maaari na itong gawin ng lahat ano man ang edad at kanilang vaccination status.
Do’s and don’ts sa ilalim ng Alert Level 3
Pwede na muling magbukas ang mga sinehan, theme parks, swimming pools, at mga venue para sa social gatherings tulad ng weddings, baby showers, o debut sa ilalim ng Alert Level 3. Nasa 30% na capacity ang pwede para sa indoor venues habang 50% naman kung outdoors.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWNgunit tanging mga fully-vaccinated lang ang maaaring papasukin sa mga lugar na ito.
Papayagan na ring magbukas ang ilang recreational venues tulad ng internet cafes, billiard halls, amusement arcades, bowling alleys, skating rinks, archery halls at iba pa.
Pwede pa rin ang dine-in services, religious gatherings, at iba pang aktibidad na una nang pinapayagan sa Alert Level 4.
Basahin dito ang buong listahan ng mga lugar na pwede nang puntahan simula October 16, 2021.
Samantala, mayroon pa ring mga bawal gawin dahil sa nananatiling banta ng COVID-19. Ito ay ang mga sumusunod:
- Face to face classes sa basic education
- Contact sports
- Mga perya, playgrounds at playrooms
- Karaokes bars at concert halls
- Casino at iba pang lugar ng sugalan
- Pagtitipon ng mga hindi magkakasama sa iisang bahay
Sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas
Kasabay ng pagluluwag ng quarantine status sa mas maraming lugar sa bansa ay ang paalalang nananatili ang banta ng COVID-19 at hindi dapat pakampante sa pag-iingat laban dito. Sa huling tala ng DOH, higit 82,000 ang active cases ng sakit sa bansa.
Gayunpaman, tuloy-tuloy ang vaccination drive sa bansa at mas lalawakan pa ito simula October 15, 2021 kung kailan uumpisahan na rin ang pagbabakuna sa mga edad 12-17. (Basahin dito ang iba pang detalye sa pagbabakuna kontra COVID-19 ng mga bata)
Read here to find out the cities in Metro Manila that opened their registration for vaccination for minors.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Sinehan, Theme Parks, At Iba Pa, Pwede Na Uli Magbukas: Allowed Na Rin Ba Ang Bata?
Source: Progress Pinas
0 Comments