-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Minsan kahit anong ingat sa paga-alaga ng aso, may pagkakataon talagang nagiging agresibo ito. Kaya mainam na alamin kung anong gagawin kapag nakagat ng aso, lalo na sa maliliit na bata.
Panganib na dulot ng kagat ng aso
Ang mga aso ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng tao mula sa sakit na rabies, ayon sa World Health Organization (WHO). Tinatayang 99% ng lahat ng mga kaso ng rabies ay mula sa aso.
Isang viral disease ang rabies. Nagkakaroon nito ang tao kapag nakagat ng aso o iba pang hayop na infected ng virus. Puwede ring maipasa ito kapag nalawayan ng infected na hayop ang sariwang sugat ng tao.
Malaking problema ito sa higit 150 na mga bansa at teritoryo sa buong mundo, ayon pa sa WHO. Libo-libo raw ang namamatay mula sa rabies, partikular sa Asia at Africa. Halos 40% naman ng mga nakakagat ng aso at iba pang hayop ay mga bata na wala pang 15 years old.
Sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH), tinuturing na “neglected disease” ang rabies. Ito raw kasi ay 100% nakakamatay (fatal) pero 100% din namang naiiwasan (preventable). Kaya layunin ng ahensiya na maging rabies-free ang bansa sa Taong 2022 sa pamamagitan ng kanilang Rabies Prevention and Control Program.
Anong gagawin kapag nakagat ng aso?
Mahalaga na umaksyon kaagad kapag nakagat, halimbawa, ang bata. Nagbigay ng paliwanag ang dating DOH spokesperson na si Dr. Eric Tayag sa panayam niya noon sa SmartParenting.com.ph.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWAniya, ang kagat ng infected na aso ay magdudulot ng infection, na makakarating sa utak ng tao. Kung sa ulo o di kaya malapit sa ulo ang kagat, mas mabilis makakarating ang infection sa utak. Isang kilalang palatandaan ng rabies ang pagiging takot ng nakagat na tao sa tubig (hydrophobia).
Bilin ni Dr. Tayag, “Pag kayo po ay may exposure sa aso, pag na-scratch o nakagat, ‘yan po ay potential na baka magkaron kayo ng rabies. Ang desisyon ay hindi tanungin ang sarili niyo kung kayo ay may rabies o hindi. Ang desisyon niyo ay BiLiS.”
Ang ibig sabihin ng BiLiS ay “Bilisan ang paghugas ng sugat. Linisin ng alcohol. Sumangguni sa doktor ukol sa tamang paggamot ng sugat.”
May karagdagang tips si Dr. Stephen Sayles III ng Cleveland Clinic sa United States:
- Sa paghuhugas ng sugat na natamo mula sa kagat ng aso, gumamit ng mild soap sa loob ng lima hanggang sampung minuto
- Pigilan ang pagdudugo gamit ang malinis na basahan
- Pahiran ang sugat ng antibiotic cream, kung meron nito sa lugar ng insidente
- Bendahan ang sugat
- Magpatingin kaagad sa doktor
Kabilang sa ibibigay na lunas ng doktor ang rabies vaccine, na siyang pipigil sa pagkalat ng infection. Sundin ang instructions ng doktor tungkol sa post-exposure rabies vaccination para makumpleto mo ang pagbabakuna.
Payo naman ni Dr. Sayles na kailangan ang regular na tetanus vaccine, na sampung taon ang bisa. Pero puwede ka pa ring bigyan ng bakuna ng doktor kung madumi ang sugat mula sa kagat ng aso at saka lampas limang taon na ang huling bakuna mo.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosTips para maiwasan na mangagat ang aso
Bilin ng mga doktor na maging responsable sa paga-alaga ng aso o iba pang hayop sa bahay na nangangagat. Siguraduhin daw na nabibigyan mo sila ng pagkain at tamang lugar, pati na proper grooming.
Higit sa lahat, dapat regular na nakatatanggap ang aso ng bakuna laban sa rabies. Maaaring makipag-ugnayan sa barangay office o health center para sa programa ng DOH. (Basahin dito para sa listahan ng iba pang lugar na nagbibigay ng bakuna.)
Makakatulong din daw kung nasa loob ng bahay o di kaya bakuran ang alagang aso nang hindi makihalubilo sa ibang mga aso na hindi bakunado at baka infected na ng rabies virus. Huwag lang din kakalimutan kung anong gagawin kapag nakagat ng aso.
Ito Ang Mabisang First Aid Treatment Sa Kagat Ng Aso
Source: Progress Pinas
0 Comments