Pabalang Sumagot Ang Anak Sa Ibang Matanda? Kailan Dapat I-Correct Ito

  • Bilang magulang, sinisikap mong maturuan ng mabuting asal ang anak para lumaki itong magalang at may respeto, lalo na sa nakakatanda sa kanya. Pero paano kung kailangan sumagot ang bata sa adult para sabihin ang kanyang saloobin?

    Kabilang iyan sa mga paksang napagu-usapan sa Smart Parenting Village Facebook page. May isang mommy ang nagkuwentong sumasagot ang 5-year-old niyang anak sa tito nitong malimit pumuna at mang-asar.

    Paano maging assertive ang bata na hindi nawawala ang paggalang

    Sabi ng mga eksperto sa Parents, mahalaga na maipahayag ng bata ang kanyang damdamin kung hindi siya kumportable sa pagtrato sa kanya ng adult. Malaking tulong kung matuturuan ng magulang ang anak na maging assertive nang hindi nawawala ang paggalang sa adult.

    Sabi ng psychologist na si Cindy Graham, kailangan maging modelo ang magulang sa anak.

    Simula sa baby, mainam daw na mag-umpisa sa paggamit ng “I statements.” Kung nahihila niya ang buhok mo at nasasaktan ka, halimbawa, sabihin mo raw ang nararamdaman mo. Puwede mong sabihin na “Masakit ‘yan” o “Nakakasakit ‘yan.”

    Pag tungtong sa toddler, sanayin daw ang anak na bigyan ng label ang pakiramdam ng mga taong nakakasalamuha niya. Para sa kapatid niyang inagawan niya ng laruan, halimbawa, sabihin sa toddler na nagagalit ang kapatid kasi inagawan siya ng laruan. Ikaw daw mismo, sabihin mo sa toddler na nasasaktan ka sa tuwing magta-tantrum ito.

    Sa elementary school, maaari mo nang ipaliwanag ang tatlong communication styles: passive, assertive, at aggressive. Makakatulong daw kung iaarte mo ang mga sitwasyon na puwedeng magamit ng anak ang pagiging passive, assertive, at aggressive.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Kapag teenager na ang anak, puwedeng pag-usapan niyo ang sarili niyang karanasan bilang halimbawa ng pagpapakita kung paano maging passive, assertive, at aggressive.

    Mahalaga raw na bigyan ng boses ang kabataan at sabihin ang kanilang nararamdaman. Pero bilin ng lifestyle at etiquette expert na si Elaine Swann, importante pa rin na magpakita ng paggalang ang bata sa nakatatanda sa kanya.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Pabalang Sumagot Ang Anak Sa Ibang Matanda? Kailan Dapat I-Correct Ito
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments