Paano Malaman Kung Stomach Acid Ang Dahilan Kaya Hirap Ka Huminga

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag madalas kang sinisikmura, malamang iisipin mong acidic ka. Pero siguro hindi mo iisipin na puwedeng sintomas ng acidic ang paninikip ng dibdib at hirap huminga. Katunayan, maraming nakakaranas ng ganyan.

    Ang papel ng acid sa tiyan

    Ayon sa United States National Center for Biotechnology Information (NCBI), makikita sa loob ng tiyan (stomach) ang mga tinatawag na inner mucous membrane o lining, at meron silang mga malalaking tupi (folds). Nakalinya ang folds palabas ng stomach para magsilbing daanan ng liquids.

    Sa mucuos membrane din makikita ang maliliit na glands. Sila ang gumagawa ng digestive enzymes, hydrochloric acid, mucus, at  bicarbonate. Tinaawag namang gastic juice ang nalilikha ng digestive enzymes, hydrochloric acid, at ibang pang substances na importante sa pagsipsip ng sustansya. Tinatayang mula tatlo hanggang apat na litro ng gastric juice ang nagagawa kada araw.

    Ang hydrochloric acid at gastric juice ang responsable sa breakdown ng pagkain, habang pinaghihiwalay naman ng digestive enzymes ang proteins. Pinupuksa rin ng acidic gastric juice ang bacteria sa tiyan. Trabaho naman ng mucus na takpan ang stomach wall ng protective coating. Katuwang ng protective coating ang bicarbonate para hindi mapinsala ang tiyan ng hydrochloric acid.

    Bakit nagiging acidic?

    Kapag nasobrahan ang acid sa tiyan, maaaring magdulot ito ng pakiramdam ng sinisikmura in English, hyperacidity. Kadalasang dalawa ang pinagsususpetsahang dahilan ng pananakit ng sikmura: stomach (gastric) ulcers at gastroesophageal reflux disease (GERD). Ang mga ito kasi ang ilan sa common gastrointestinal disorders, ayon sa mga eksperto sa University of California, Los Angeles (UCLA) Health.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Pero ang GERD daw ay nangyayari kapag ang muscle sa pagitan ng esophagus at stomach ay nanghina. Sa kabilang banda, ang ulcer ay sugat (sore) sa tiyan o di kaya sa lining ng small instestine. Nabibigyan daw ng lunas ang parehong kondisyon sa tulong ng gamot na pambababa ng acidity sa tiyan. Magkaiba lang ang haba o tagal ng gamutan.

    Mga sintomas ng acidic

    Sabi ni Dr. Robert A. Tan, isang espesyalista sa internal medicine and gastroenterology, maraming clinical signs ng pagiging acidic at pagkakaroon ng GERD.

    Pagbabago sa panlasa

    Maaaring mapansin mo na parang may mapait o di kaya maasim sa bibig mo, lalo na kapag dumidighay ka.

    Pagsakit ng lalamunan

    Kapag umakyat ang stomach acid sa esophagus, tinatawag itong acid reflux, at  madadamay ang lalamunan. Magiging iritable ang iyong lalamunan at kikirot pa ito. 

    Paninikip ng dibdib

    Bukod sa lalamunan, puwede ring maapektuhan ang dibdib. Kaya malamang makakaramdam ka ng chest discomfort, chest heaviness, o di kaya chest pain. Tinatawag itong heartburn, pero walang kinalaman ang puso dito.

    Hirap sa paghinga

    Kapag apektado ang lalamunan at dibdib, ibig sabihin nahaharangan ang daluyan ng hangin (airways). Kaya puwedeng makaranas ka ng pagkapos sa hininga (shortness of breath).

    Pagkakaroon ng sinusitis

    Bukod sa airways, puwede ring mairita ang sinuses dahil sa acid reflux. Kapag namaga ang sinuses, mapupuno ang mga ito at babara. Tinatawag na sinusitis ang kondisyon iyon.

    Pananakit ng ngipin

    Bukod sa pag-iba ng panlasa sa bibig, puwede ring sumakit ang ngipin mula sa acid reflux. May kakayahan kasing puminsala ng ngipin ang asido.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Paano maiibsan ang mga sintomas ng acidic

    Kung nakakaramdam ka ng mga sintomas, mainam na magpatingin sa doktor upang mabigyan ka ng solusyon. Malamang na resetahan ka ng mga gamot. Pero, diin ni Dr. Tan, hindi dapat umasa lang sa GERD medication. Kailangan din daw ang lifestyle changes.

    Aniya, “Itong hyperacidity, GERD, multifactorial ito. Hindi lang lahat sa pagkain. Hindi naman bawal, minimize mo lang. If you have symptoms, stop ka muna. You need a lifestyle modification aside from the medicine. Hindi lang lahat sa food. It’s a combination of everything.”

    Bawasan ang pag kain at pag inom ng nakakataas ng acidity

    Mga halimbawa ng GERD foods to avoid:

    • Kape
    • Gatas at iba pang produktong mula sa gatas (dairy)
    • Soft drinks
    • Maasim
    • Mataba at mamantika
    • Maanghang
    • Karne
    • Mga de lata at iba pang processed food

    Iwasan ang stress

    Nagugulo ang sistema ng tiyan kung parati kang apektado ng stress, pati na kung may problema ka sa anxiety.

    Iwasan ang pagpupuyat

    May epekto rin daw ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga sa kalusugan ng tiyan.

    Mag-exercise nang sapat

    Sabi ni Dr. Tan, “Exercise is the most important thing para gumalaw din ang bituka mo.”

    Damihan ang pag-inom ng tubig

    Paliwanag pa ni Dr. Tan na kapag sagana sa tubig ang katawan mo, “maganda ang excretion ng urine” at maganda rin ang cleansing sa tiyan. Malaking tulong ito para maibsan ang mga sintomas ng acidic.

    What other parents are reading

Paano Malaman Kung Stomach Acid Ang Dahilan Kaya Hirap Ka Huminga
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments