-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Bago nakagawa ng bakuna para sa beke noong 1960s, isa itong pangkaraniwang sakit ng mga bata, na umaatake rin sa mga teenager at adults. Pero dahil hindi lahat nagpapabakuna, meron pa ring nagkakasakit ng beke.
Mga sintomas ng beke
Kilala ang beke bilang mumps. Sanhi ito ng isang uri ng virus, ang paramyxovirus, na tanging sa mga tao lang kumakapit, ayon sa World Health Organization (WHO). Naipapasa ang virus mula sa taong meron nito sa pamamagitan ng direct contact o di kaya sa airborne droplets.
Kadalasan mga batang may edad mula 5 hanggang 9 ang tinatamaan ng beke, pero puwede rin daw ang mga teenager at adult. Kapag dumapo ang virus, mula dalawa hanggang apat na linggo ang incubation period nito bago sumulpot ang mga sintomas. Kabilang diyan ang:
- Masama ang pakiramdam
- Lagnat
- Pananakit ng ulo
- Walang ganang kumain
Pagkaraan ng ilang araw, mamamaga ang parotid salivary glands, at puwede rin ang iba pang glands sa may bibig. Dahil diyan, susulpot ang iba pang mga sintomas, gaya ng:
- Pag-umbok ng pisngi
- Hirap sa pagnguya at paglunok
Maaari ring maghatid ng mga ganitong kumplikasyon ang beke:
- Pagkabingi
- Pamamaga ng brain (encephalitis)
- Pamamaga sa pancreas (pancreatis)
- Pamamaga ng tissue na bumabalot sa brain at spinal cord (meningitis)
- Pamamaga ng ovaries (oophoritis) o di kaya sa breast tissue (mastitis)
- Pamamamaga ng testicles (orchitis) at posibleng pagbawas sa laki nito (testicular atrophy)
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWNakakabaog ba ang beke?
Dahil sa posibleng kumplikasyon ng beke sa testicles, sinasabing nakakabaog ito sa mga kalalakihan. Ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), maaaring mabawasan ang fertility ng kalalakihan o di kaya makakaranas ng temporary fertility. Pero wala pa raw pag-aaral na nagsasabing nakakabaog nang tuluyan ang pagkakasakit sa beke.
Mga dapat gawin kung may beke
Mainam na komunsulta sa doktor kung nakakaramdam ng sintomas ng beke, o kahit na nagkaroon lang ng exposure sa taong may beke. Lubha kasi itong nakakahawa, sabi ng mga eksperto. Kaya kung suspetsa mo na meron ka o ang anak mo, kailangan humiwalay sa ibang kasama sa bahay.
Wala pa raw specific medical treatment para sa beke, sabi pa ng mga eksperto. Hindi uubra ang antibiotics dahil isa itong viral infection. Hindi rin rekomendado ng mga eksperto ang nakasanayan ng Pinoy na paglalagay ng suka o tinta sa namamagang pisngi dahil sa beke (basahin dito).
Pero may mga puwedeng gawin para maibsan ang mga sintomas:
- Uminom ng maraming tubig at iba pang fluids, puwera lang ang maaasim
- Kumain muna ng malambot at di kailangang nguyain na pagkain
- Uminom ng gamot para bumaba ang lagnat (acetaminophen, ibuprofen)
- Lagyan ng cold compress ang namamagang pisngi
Kung may pamamaga sa isa o parehong testicles, makakatulong din ang acetaminophen o di kaya ibuprofen para maibsan ang kirot. Ito ay ayon sa United Kingdom National Health Service (NHS). Pero puwedeng magbigay pa ang doktor ng mas malakas na pain reliever kung grabe ang kirot.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMakakatulong din daw ang cold o di kaya warm compress sa testicles, pati na ang pagsusuot ng supportive underwear. Sabi ng NHS, tinatayang isa kada apat na kalalakihang nagkasakit ng beke lampas ng puberty ang nakakaranas ng pamamaga at pagkirot ng isa o parehong testicles. Kadalasan daw itong nangyayari pagkaraan ng apat hanggang walong araw ng pag-umbok ng pisngi dahil sa pamamaga ng salivary glands.
Nagkakaisa ang mga eksperto sa pagsasabing pabakunahan ang mga bata laban sa beke. Ito ang measles-mumps-rubella (MMR) vaccine na panlaban din sa tigdas (measles) at tigdas-hangin (German measles). Rekomendado ang pagbibigay ng dalawang dosage ng bakunang ito. Ang isa ay ibinibigay sa baby kapag nasa pagitan ng 12 hanggang 15 buwan ang edad at ang ikalawa naman kapag nasa edad na 4 hanggang 6 na taon na siya.
Nakakabaog Nga Ba Ang Beke? Ito Ang Paliwanag Ng Mga Eksperto
Source: Progress Pinas
0 Comments