Maasim Ang Panlasa? Hangin Sa Tiyan? Baka May Nainom Kang Bawal Sa Acidic

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    “Masakit sa sikmura lalo na pag hindi ka nakakain sa tamang oras o pag sobrang gutom ka tapos kakain ng marami. Kinagabihan, napakasakit ng sikmura mo. Parang puro lamig o hangin ‘yung tiyan. Maasim ang panlasa, worst scenario masusuka ka pa at mapait.”

    Ganyan ang karaniwang nararamadaman ng mga taong acidic. Karaniwang naduduwal at nasusuka ang isang tao kapag umakyat na ang acid sa kanyang lalamunan mula sa sikmura.

    Nangyayari ang acidity dahil taglay ng ating katawan ang gastric acid na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at pagkuha ng protina at ibang nutrisyong kailangan ng ating katawan para manatiling malusog. Pumapatay rin ito sa mga mapanganib na organismo na nasa ating pagkain.

    Kapag nagkaroon ng sobrang acid, nagdudulot ito ng komplikasyon gaya ng hyperacidity, dyspepsia, paghilab at iba pang sakit sa tiyan.

    Ang isa sa indikasyon na ikaw ay acidic ay heartburn. Ang mga symptoms ng heartburn ay ang paghapdi sa iyong sikmura papunta sa dibdib na kadalasan umaabot hanggang lalamunan.

    Mga sanhi ng pagiging acidic

    Bukod pa sa heartburn, mayroon ka ring mapait at maasim na panlasa. Malalasahan mo na parang may súka sa bibig mo, parang may maasim na asidong gusto mong ilabas sa iyong lalamunan.

    May ilang dahilan bakit nagiging acidic ang isang tao: 

    • Mabigat o sobra sa timbang
    • Labis na paninigarilyo
    • Kawalan ng tamang pag-eehersisyo
    • Palagiang pag-inom ng mga gamot sa mga sakit gaya ng asthma
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Inuming dapat iwasan kung ikaw ay acidic 

    Ang pagiging acidic ay nakapagdudulot nang hindi magandang pakiramdam sa isang tao. Kung alam mong ikaw ay acidic, dapat na iwasan mo ang ilang mga pagkain lalo na ang mga inumin na maaaring magpa-trigger nito.

    Dahil nagdudulot ng discomfort ang ganitong pakiramdam, mabuting mas maging maingat sa pagkain at inuming kinokonsumo mo.

    Citrus juices

    Ang mga inumin kaya ng lemon, orange, daldandan, lime, at grapefruit ay ilan sa mga inumin na natural na mataas ang acidity. Kaya maaaring mag-trigger ang mga ito ng acid reflux.

    Magdudulot ng iritasyon sa esophagus ang mga citric acid. Kung bibili ng mga inumin, tingnan kung may sangkap ng citric acid kadalasan kasing ginagamit din itong flavoring sa mga inumin.

    Maaari naman ang lemon water pero kaunti lang at hindi matapang o marami ang lemon. Iwasan ang pag-inom ng mga puro.

    Kape

    Bahagi ng pang-araw-araw na almusal ng mga Pilipino ang kape. Pero sa mga taong may acidic, dapat na iwasan ito. Nagagawa nitong maistimula ang labis na gastric acid sa sikmura para umakyat sa esophagus lalo na kapag maraming naimon na kape.

    Soda

    Ang mga caffeinated at carbonated na inumin gaya ng softdrinks at tsaa ay may parehong epekto sa ating sikmura gaya ng kape. Mabuting iwasan ang pag-inom nito.

    Alak 

    Ang matatapang na alak ay madaling makapagdulot din ng acid reflux. Kapag marami ang pagkonsumo pa nito, maaaring magdebelop sa GERD.

    Gatas

    Kung may lactose intolerance, maaaring maiwasan ang pag-inom nito lalo na kung makapagpalala ito ng iyong acid.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Gawaing dapat iwasan para hind maging acidic

    Makatutulong ang pagtatala ng mga nagpapa-trigger at nagpapalala ng mga sintomas ng iyong pagiging acidic para higit na maiwasan ang pagkonsumo sa mga ito.

    • Huwag magpapalipas ng gutom. Kumain sa tamang oras. Para maiwasang maparami ang pagkain o pag-inom dahil sa gutom.
    • Iwasang matulog pagkakain. Palipasin muna ang tatlong oras pagkatapos kumain bago matulog. Makabubuti rin ang paglalakad-lakad pagkakain para makagalaw ang mga pagkain sa bituka.
    • Mag-ehersisyo at magbawas ng timbang. Ang sobrang taba ay posibleng makadagdag sa pressure sa iyong sikmura na tumutulak sa iyong pagkain paakyat sa esophagus.
    • Iwasan o tigilan ang bisyo gaya ng paninigarilyo. Bawasan ang labis na pag-inom ng alak.
    • Pag-inom ng hot water kapag masakit ang tiyan para makatulong sa pagtunaw ng kinain. Gawin ito paunti-unting lagok sa loob ng 15 minuto.

    Dagdag pa sa mga nabanggit, subukin na sipsip gamit ang straw ang mga inumin sa halip na direkta at biglaan ang pag-inom nito para maiwasan ang mga sintomas ng acid reflux. Gaya ng pagkain nang paunti-unti rin at dahan-dahan para manguyang mabuti ang pagkain.

    May mga gamot din nabibili na over-the-counter na makatutulong para maibsan ang pananakit ng sikmura gaya ng:

    • Buscopan
    • Kremel S
    • Bisodol
    • Gaviscon
    • Simethicone  

    Ang pagkonsumo sa mga tamang inumin at pag-alam sa mga nagdudulot ng sintomas sa iyo ng pagiging acidic ay higit na makatutulong para mabawasan ang pag-atake nito. Ngunit kung talagang matindi ang epekto sa iyo ng pagiging acidic, mahalaga na magpakonsulta sa doktor para sa tamang payo na dapat mong gawin at mabigyan ka ng gamot na iyong iinumin.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sources: Smart Parenting, Healthline

    What other parents are reading

Maasim Ang Panlasa? Hangin Sa Tiyan? Baka May Nainom Kang Bawal Sa Acidic
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments