6 Senyales Ng Severe Dehydration Sa Bata

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Higit sa pagkain, mas mahalaga na hindi nagkukulang ng tubig o fluids sa katawan ng tao. May hatid kasi itong panganib sa kalusugan, lalo na sa bata. Kaya mainam na malaman ang mga sintomas ng dehydration.

    Ano ang dehydration?

    Tinatawag na dehydration ang kondisyon kung saan masyadong maraming tubig ang nawawala sa katawan, ayon sa MedlinePlus information resource ng United States National Library of Medicine. Nangyayari raw ito kung mas marami ang lumalabas kaysa pumasok na tubig sa katawan.

    Kailangan daw kasing mapanatili ang tamang porsiyento ng tubig sa katawan depende sa edad, ayon naman kay Dr. Jeffrey Utz, na espesyalista sa neuroscience at pediatrics. Sabi niya sa artikulo ng United States Geological Survey (USGS), ang mga sanggol ang may pinakamaraming tubig sa katawan.

    Mayroon 78% na fluids ang mga baby pagkapanganak, at pagtungtong ng 1 taon, bumababa ito sa 65%. Umaabot ito sa 60% kapag adult na.

    Malaking panganib ang dehydration para sa mga bata, ayon sa Parents. Masyado pa raw kasing maliit ang kanilang reserba ng tubig sa katawan at lubha namang mabilis ang kanilang metabolism. Kaya mas madali silang maubusan ng tubig at electrolytes, na kailangan para makakilos ang katawan.

    Mga posibleng dahilan ng dehydration

    Kadalasang nangyayari ang dehydration sa mga batang dumadanas ng:

    • Pagsusuka (vomiting)
    • Pagtatae (diarrhea)
    • Sakit na gastroenteritis

    Malimit din itong mangyari kapag panahon ng trangkaso.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Kapag barado ang ilong at hirap huminga si baby, maaaring mawalan siya ng ganang dumede. Nababawasan tuloy ang fluids sa kanyang katawan, paliwanag ni Dr. Emily Rose, isang espesyalista sa clinical emergency medicine, sa panayam niya sa The New York Times.

    Kapag hindi nabigyan ng lunas ang dehydration, ayon naman sa Mayo Clinic, maaari itong magdulot ng kumplikasyon. Kabilang diyan ang problema sa pag-ihi at mga sakit sa bato (kidney), pati na seizures.

    Isa pa ang seryosong kondisyon ang low blood volume shock (hypovolemic shock). Nangyayari ito kapag bumagkas ang blood pressure kasabay ng pagbaba ng oxygen level sa katawan.

    Mga sintomas ng dehydration sa bata

    Para malaman kung dumadanas ng dehydration ang anak mo, mainam na maging alerto sa mga senyales. Ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP), may mild hanggang moderate dehydration ang bata kung:

    • Walang ganang maglaro
    • Madalang umihi
    • Wala pang anim na diaper ang nagagamit sa isang araw
    • Tuyot na bibig
    • Konting luha lang kapag umiiyak
    • Lubog ang soft spot sa ulo (kung baby o toddler)
    • Malambot ang dumi (loose stools) kung may diarrhea
    • Madalang dumumi kung nagsusuka o di kaya kulang sa fluids

    Kapag lumala ang kondisyon ng bata, baka umabot siya sa severe dehydration. Kaya bantayan ang ganitong mga sintomas:

    • Masyadong maligalig (very fussy)
    • Sobrang antukin
    • Lubog ang mga mata
    • Malamig at nangingitim na mga kamay at paa
    • Kulubot na balat
    • Umiihi lang ng isa hanggang dalawang beses kada araw

    May paliwanag pa si Dr. Faith Buenaventura-Alcazaren, isang pediatric specialist, sa How Po? webinar series ng SmartParenting.com.ph. Aniya, dapat binibilang ang total urine output ng bata.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Kung ang lumalabas na wiwi is around four to five tablespoons of water in a clean diaper, dun mo masassabi na, ‘Ah, puno ito,” sabi ni Dr. Buenaventura-Alcazaren. Dagdag niya na kung “scanty ‘yung urine, kakaunti,” malamang na dehydrated ang bata.

    Lahad niya, “Mga signs na dehydrated ‘yung bata or not getting enough milk [is] makikita mo na darker color ‘yung kulay ng ihi at hindi siya nakakapuno ng diaper.” Kaya payo niya na ipatingin ang anak sa doktor.

    Mga dapat gawin kung dehydrated ang bata

    Kung nasobrahan sa paglalaro ang anak mo kaya nagkulang siya sa fluids, bilin ng mga eksperto na bigyan siya kaagad ng tubig nang hanggang saan ang kaya niyang inumin. Kung may diarrhea, makakatulong ang pag-inom ng oral rehydration solutions sa loob ng  tatlo hanggang apat na oras.

    Bilin pa ng mga eksperto na patuloy lang na magpadede sa sanggol na may mga sintomas ng dehydration, puwera na lang kung panay ang pagsusuka. Mainam daw na komunsulta sa doktor para mabigyan ng rehydration solutions ang anak.

    What other parents are reading

6 Senyales Ng Severe Dehydration Sa Bata
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments