Masakit Ang Puson At May Spotting: Ano Ang Kasunod Na Dapat Kong Gawin?

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Normal na sa babae ang makaranas ng sakit sa puson lalo na kapag may buwanang dalaw o regla. Nakararanas din ang babae ng white mens o discharge na senyales naman na magsisimula na ang kaniyang period. Pero paano kung masakit ang puson mo at may spotting ka pero hindi ito ang iyong inaasahang buwanang dalaw? Ano ang dapat mong gawin?

    Mahalaga na malaman mo muna ang dahilan ng pagsakit ng iyong puson at pagkakaroon ng spotting. Maraming babae rin kasi na napagkakamalan na ang nararanasan nilang spotting ay para sa kanilang monthly period pero kung minsan ito ay implantation bleeding (maaaring buntis ka).

    Spotting vs implantation bleeding

    Batay sa paliwanag ng mga eksperto, ang pananakit ng puson na nararamdaman mo sa implantation bleeding ay hindi tumatagal gaya sa menstrual cramps na maaari ding mas matindi pa.

    Magkaiba rin ang discharge color ng dalawang ito. Karaniwan na bright papuntang dark red ang implantation bleeding samantalang light pink hanggang dark brown naman ang para sa monthly period.

    Dagdag pa rito, sinasabi ng mga eksperto na nakararanas ang ilang mga babae ng paglabas ng buo-buong dugo kapag sa period pero walang ganito sa implantation bleeding. Mahina rin ang flow o spotting na nararanasan sa implantation bleeding kumpara sa period na mas marami at lumalakas sa paglipas ng araw. Maaaring pawawala-wala rin ang spotting sa implantation bleeding samantalang magtutuloy-tuloy lamang sa monthly period.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Paano makatitiyak kung implantation bleeding ang nararanasan?

    Bagaman nabanggit na ang mga pagkakaibang ito, hindi pa rin naiiwasan ng mga babae na malito at mapagkamali ang dalawang ito. Kaya ang pinakamainam na paraan dito ay ang pagtitiyak sa panahon kung kailan dumarating ang iyong monthly period.

    Kung nakararanas ng pananakit ng puson at spotting pero hindi ito ang panahon na inaasahan mo ang iyong period, makabubuti at makatutulong ang paggamit ng pregnancy test para makatiyak agad lalo kung nagpaplano ka ring mabuntis (o i-delay ito).

    Kung ito implantation bleeding ang nararanasan mo, ayon sa American Pregnancy Association (APA) maaaring tingnan mo rin ang mga karaniwang sintomas nito gaya ng bahagyang pagsakit ng puson, pagbabago ng mood, sakit ng ulo, pagkahilo, pagsakit ng suso, masakit na balakang o pananakit ng likod.

    Kung iisipin ang mga ito ay posibleng gaya rin ng mga sintomas na nararamdaman mo pag paparating na ang iyong period. Pero tandaan na nangyayari ang implantation bleeding sa pagitan ng anim hanggang 12 araw pagkaraan ng fertilization at kapag nakakabit ang embryo sa lining ng matris, na kilala ring endometrium. Nagdudulot ito ng pagputok ng maliit na mga daluyan ng dugo kaya nagkakaroon ng spotting o bahagyang pagdurugo. Ito ay kung matapos na makipagtalik at sinusubukan mong magbuntis.

    Pero bukod din sa implantation bleeding, possible na ang bahagyang pagdurugo na nararanasan ay dahil sa iritasyon ng cervix matapos na magpacheck-up at nagsagawa ng internal examination o IE ang ob-gyn sa iyo. Maaari ding dahil sa matinding pag-eehersisyo, pagkatapos na makipagtalik, o may vaginal infection na nararanasan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Paano kung buntis ka na nakararanas ng spotting at may pagsakit ng puson?

    Bahagi ng unang trimester ng pagbubuntis ang pagkakaroon ng spotting at bahagyang pagsakit ng puson. Pero mahalaga pa rin na magpakonsulta sa doktor para makatiyak at matingnan ang iyong sitwasyon baka kasi ang nararanasan mong spotting at pagsakit ng puson ay dahil sa ectopic pregnancy, molar pregnancy, at miscarriage.

    Kung  kabuwanan mo naman, walang dapat ikabahala dahil posibleng senyales ito na malapit ka nang manganak. Ito ay bunga ng pagkawala ng mucus plug sa cervix bilang paghahanda sa iyong panganganak.

    Pero kung hindi pa oras para manganak ka, agad na kontakin at ipaalama ito sa iyong ob-gyn at magpacheck-up para malaman ang sitwasyon mo at ng iyong baby.

    Ayon sa National Heath Service (NHS), posible kasing may kaakibat itong kondisyong pangkalusugan na nangangailangan ng agarang atensyong medikal gaya ng placental abruption, uterine rupture, low-lying placenta o placental praevia, at vasa praevia.

    Ano ang ibang posibleng dahilan ng spotting at may pagsakit ng puson?

    Bagaman itinuturing na senyales o sintomas ang mga ito ng pagbubuntis, maaaring ang pagkakaroon ng pinkish o brownish na spotting ay sanhi ng nararanasan ng ilang kababaihan na gumagamit ng birth control o kaya naman iyong may polycystic ovary syndrome (PCOS). 

    Ang pregnancy test ang isang pinakamainam na paraan upang malaman kung ang spotting at pagsakit ng puson ay dahil sa pagbubuntis. Iminumungkahi ng mga doktor na gawin ito tatlong araw pagkaraan na huminto ang spotting na nararanasan mo.

    Syempre pa, higit na importante ang pagbisita sa iyong ob-gyn para maisagawa ang mga nararapat na test sa iyo para malaman ang dahilan ng nararanasan mong spotting at pagsakit ng puson.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sources:

    Implantation Bleeding Vs. Menstruation

    Spotting Or Bleeding During Pregnancy That Require Your Doctor’s Urgent Attention

    Alamin Ang Mga Dahilan Kung Bakit Dinudugo ang Buntis

    What other parents are reading

Masakit Ang Puson At May Spotting: Ano Ang Kasunod Na Dapat Kong Gawin?
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments