-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Ano ba ang gamot sa pamamaga ng mata? Dapat malaman mo muna kung ang sanhi kung bakit may bukol o maga sa mata bago gamutan. Siguro pamilyar ka sa sore eyes at kuliti. Naaalala mo pa ba ang hassle ng pagkakaroon ng mga ito noong bata ka pa? Pero paano kung mukhang hindi ang mga nabanggit na kondisyon sa mata ang dahilan?
Sanhi ng pamamaga sa mata
Isang posibleng dahilan lang ang kuliti sa pamamaga sa mata. Ang kuliti o stye sa English ay pimple o abscess na nabubuo sa talukap o sa ibabang bahagi ng eyelid. Madalas, sanhi ito ng staphylococcus bacteria. Ang pressure at pamamaga ang nagdudulot ng hapdi at sakit. Nariyan din ang pakiramdam na para kang paulit-ulit na napupuwing at naluluha ang iyong mga mata.
Huwag tusukin o durugin ang kuliti, pimple o anumang pamamagaga sa mata kasi baka ma-infect. Warm compress ang isa sa mga unang payo ng mga doktor. Panatilihing malinis din ang mga mata at iwasang mahawakan ang mga ito. Maganda na iwasan muna ang paglalagay ng eye makeup habang may kuliti pa.
Huwag muna magsuot ng contact lenses. Dahil kusang pumuputok at naghihilom ang kuliti, magpatingin ka na sa doktor kung hindi pa ito gumagaling at hindi nawawala pagkatapos ng mahigit 10 araw.
Ang mga allergens tulad ng pollen at dust mites na sanhi ng iba’t ibang impeksyon (tulad ng paghatsing, makating ilong at lalamunan) ang sila ring allergens na nakapagti-trigger ng pamamaga ng iyong mga mata.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKung namumula at makati ang iyong mga mata, posibleng mayroon din itong mucus discharge. Kapag may ganito ka nang sintomas, pwedeng allergic conjunctivitis o pink eye, isa sa mga dahilan kung bakit masakit ang mata ng bata. Kilala rin natin ito bilang sore eyes, dahil namumula ang namamagang mga mata.
Ang pink eye ay pamamaga sa transparent membrane (o conjunctiva) na bumabaybay sa iyong talukap at nagtatakip sa puting bahagi ng iyong eyeball. Maaaring hindi komportable sa pakiramdam ngunit tandaang hindi naman ito banta sa iyong mga mata o paningin.
Isa pang uri ng impeksyon sa mata ang keratitis. Nangyayari ito kapag may pamamaga sa cornea, ang malinaw na layer na nagtatakip o nagbibigay proteksyon sa pupil at iris ng mata. Maaaring nagmula sa viral, fungal, o parasitic, o sa pinsala sa mata ang impeksyong ito.
- Kasama sa sintomas ng keratitis ang:
- pamumula at pamamaga ng mga mata
- hirap sa pagmulat at pagpikit
- bahagyang nanlalabo ang paningin
- pakiramdam na napupuwing
Ilan pang sanhi ng pamamaga ng mata ang pagkakaroon ng eyebags at pagiging puffy nito, na mukhang galing ka sa matagal na pag-iyak o pagpupuyat. Nagkakaroon ng eyebags dahil sa pagpupuyat, fluid retention (kapag mahilig kumain ng maaalat na pagkain), at panay na paninigarilyo. Sinasabing namamana rin ito.
Maaaring senyales din ng seryosong kondisyon kung namamaga ang mata katulad ng Graves’ Disease, Mononucleosis injury (pinsala sa mga mata), chalazion (maaaring kailanganin ng outpatient surgery) o periorbital cellulitis.
Mga gamot sa pamamaga ng mata
Kumunsulta sa ophthalmologist sakaling walang mabuting pagbabago sa iyong kondisyon. Isa sa posibleng ibigay sa iyo ay mga gamot na mayroong corticosteroids.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKung ang iyong sintomas ay madalas mong nararanasan, maaaring resetahan ka ng oral antihistamines. Ang antihistamines ang pumipigil sa mga histamine, na siyang pangunahing dahilan ng pangangati. May over-the-counter (OTC) options din gaya ng loratadine (Claritin), cetirizine (Zyrtec) at fexofenadine (Allegra) o kaya retinoids na eye cream at ointment.
Tandaan lang na bago bumili ng OTC na gamot mahalaga na may payo ng doktor. Kailangang maging maingat at huwag iinom ng anumang gamot sa pamamaga ng mata nang walang patnubay ng iyong doktor. Baka lalo pang lumala ang dinadaing.
Puwede rin kasing gumaling at mawala ang mga impeksyon sa ating mga mata kaya sundin lamang ang mga payo ng eksperto. Baka kasi eye drops pala puwede na at maibsan ang pamamaga kaysa sa mga iniinom na gamot.
Narito ang ilang tips upang maiwasan ang allergies at iba pang impeksyon sa mga mata lalo na sa pamamaga ng upper eyelid:
- Alamin ang lahat ng triggers sa iyong allergies. Iwasan ang mga ito hangga’t maaari.
- Gumamit ng allergen-proof na mga kobre-kama at sapin sa unan. Labhan ang mga ito, kasama ang mga kumot, sa mainit na tubig upang matanggal ang dust mites at iba pang allergens.
- Bumili ka ng stuffed toys na washable upang puwede mo itong regular na malilinis.
- Maglinis ng bahay araw-araw. Ang mga kalat na ito ay maaari ding pamahayan ng alikabok. Makatutulong dito ang decluttering.
- Gumamit ng air purifier o humidifier. Nakatutulong ang mga ito sa paglilinis sa hangin at upang maiwasan ang allergens sa paligid.
- Panatilihing malinis ang mukha at buong katawan. Ang poor hygiene kasi ang isa sa itinuturong dahilan ng kuliti at iba pang mga impeksyon. Iwasan din na kuskusin ang mga mata
- Maglagay ng cold compress sa namamagang mga mata at warm compress kung mayroong stye o kuliti ito.
- Kung eyebags, pwede mong gamitin na parang hot compress ang tea bags at ipatong ito sa iyong mga mata. Makatutulong ito upang maibsan ang pamamaga ng mata.
- Kumain din ng mga pagkaing mataas sa potassium at magnesium tulad ng avocado, saging, kamote, madadahong gulay, at kamatis.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWTandaan ding mahalaga ang regular na checkup kahit sa mga batang anim na buwan pa lamang. Basahin dito ang iba pang detalye.
Maaaring Senyales Ng Seryosong Kondisyon Kung Namamaga Ang Mata
Source: Progress Pinas
0 Comments