Kailan Dapat Mabahala Kung May Bukol Sa Leeg Ang Bata, Sabi Ng Doktor

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kung may nasalat kang bukol sa paligid ng leeg ng anak mo, marahil magugulat ka. Pero bago mabahala, mainam na malaman muna ang tungkol sa kulani sa lalamunan banda nang maobserbahan ito nang husto.

    Ano ang kulani?

    Ang kulani, ayon sa definition ng Merriam-Webster dictionary para sa lymph node (kung singular), ay kahit anong bukol ng lymphoid tissue na nababalutan ng connective tissue. Higit sa isa ang bukol kaya plural form na lymph nodes ang kadalasang ginagamit na term kaya dapat mga kulani ang tawag.

    Sabi nga ni Dr. Ronald John Unico, isang general practitioner, “Parte ng katawan ang mga kulani. Parte ang mga ito ng ating immune system.”

    May paliwanag ang mga eksperto ng Mount Sinai Health System sa United States. Anila, nakakalat ang mga daan-daang kulani in English lymph nodes sa buong katawan at kumikilos ayon sa gawain ng lymph o lymphatic system, na bahagi pa rin ng immune system. Tumutulong silang makilala at labanan ng katawan ang germs, infections, at ibang foreign substances.

    Kahit na maraming nakakalat na mga kulani sa katawan, hindi talaga sila mararamdaman puwera na lang kung mamaga at umumbok na parang bukol. Masasalat sila gamit ng mga daliri sa common areas, tulad ng leeg, kili-kili, singit (groin), ilalim ng panga at baba, pati na sa likuran ng tenga at ulo.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Kulani sa mga bata

    Payo ni Dr. Ina Atutubo, isang pediatrician, na ipatingin sa doktor ang pinagsusupetsahang bukol sa leeg ng anak. Aniya, matutuklasan ng doktor ang pamamaga ng kulani kung may ibang sintomas na nararamdaman ang bata. Kabilang diyan ang:

    • Pag-ubo
    • Mababang-gradong lagnat kapag hapon
    • Pagpapawis sa gabi
    • Kawalan ng ganang kumain
    • Pagkabawas ng timbang

    Paliwanag ni Dr. Atutubo na nangangahulugang may dalang impeksyon ang lymph nodes. Pero puwede rin daw maging sanhi ng pamamaga sa kulani sa lalamunan o bandang leeg ang mga sira sa ngipin, primary infection, o di  kaya tuberculosis sa maliliit na bata.

    Dagdag pa niya na makukumpirma ang kondisyon ng bata sa pamamagitan ng X-ray finding na nagpapahiwatig ng tuberculosis o pati positive purified protein derivative (PPD) skin test.

    May paliwanag din si Dr. John E. McClay ng American Academy of Pediatrics (AAP) sa medical resource na Healthy Children. Sabi niya, mula 200 hanggang 300 na mga kulani ang matatagpuan sa likuran ng ilong, lalamunan, at leeg.

    Kadalasang namamaga ang mga kulani kapag nilalabanan ng katawan ang common cold, strep throat, at ibang sakit. Pero puwede rin daw may impeksyon mismo sa mga kulani o di kaya mga kalapit nitong parte ng katawan.

    Sabi pa ni Dr. McClay, viral at bacterial ang most common infections sa may leeg. Kaya maaaring magamot ang pamamaga sa tulong ng antibiotics. Pero kung hindi common infection ang umatake, tinatawag itong “atypical” o di kaya “unusual” na impeksyon sa leeg.

    Sa ganyang sitwasyon, hindi makakaramdam ng ibang sintomas ng sakit ang bata, pero gumagrabe naman ang lagay ng bukol na may impeksyon. Posible pang mag-iba ang kulay nito at ang itsura ng balat kung saan ito nakaumbok.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang pinakakaraniwan daw na uri ng atypical lymph node infection ay ang non-tuberculosis mycobacterium. Kakailanganin ng operasyon para dito o di kaya ilang buwan pa bago ito gumaling.

    Kailan dapat mabahala sa kulani ng bata

    Nagbigay ng mga palatandaan si Dr. McClay sa mas seryosong kondisyon na hatid ng bukol sa leeg:

    • Hindi bumuti ang pakiramdam ng bata kahit uminom ng antibiotics
    • Lumala ang sakit ng bata
    • Tumaas at tumagal ang lagnat
    • Pamumula ng balat sa may bukol

    Maaari raw irekomenda ng doktor na bigyan ang bata ng IV antibiotics para bumilis ang paglaban sa infection. Isa pang rekomendasyon ang surgical draining gamit ang scalpel o lancet ng doktor para dumaloy palabas ng katawan ang impeksyon.

    Puwede rin daw irekomenda ang laboratory o imaging test, gaya ng ultrasound at computer tomography (CT scan) upang malaman kung gaano kalala ang impeksyon sa kulani sa lalamunan bandang leeg o iba pang parte ng katawan.

    Basahin dito para sa kulani sa kili-kili.

    What other parents are reading

Kailan Dapat Mabahala Kung May Bukol Sa Leeg Ang Bata, Sabi Ng Doktor
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments