-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kung new mom ka, marahil nakakaramdam ka ng lungkot na hindi mo maipaliwanag at maintindihan. Naguguluhan ka kasi dapat masaya ka sa pagkakaroon ng anak at kailangan unahin mo ang pangangailangan niya. Makakatulong na malaman kung ano ang postpartum depression.
Ano ang postpartum depression?
Isang “mood disorder involving intense psychological depression” ang postpartum depression (PPD), ayon sa Merriam-Webster dictionary. Tipikal daw itong nangyayari sa loob ng isang buwan pagkatapos manganak at tumatagal ng higit pa sa dalawang linggo.
Dahil daw sa PPD, kadalasang nahihirapan ang new mom na bumuo ng bond sa kanyang newborn at nakakaramdam siya ng “worthlessness” o di kaya “guilt.” Nilalayo rin daw niya ang kanyang sarili mula sa kanino man (social withdrawal).
Bagamat may pagkakapareho ang PPD sa mom guilt at baby bluess, magkakaiba pa rin silang tatlo.
Pagkakaiba ng PPD sa mom guilt
Isang normal na emosyon ang mom guilt, sabi ni Dr. Michele Alignay, isang psychologist at award-winning author, sa nakaraang episode ng Calamansi Live Cast. Aniya, “Nagkataon lang na ni-label-an ‘yung mom guilt. Kasi, ang nagiging trigger, ‘yung pagiging parent, ‘yung pagiging nanay.”
Dagdag pa niya, “It’s not necessarily na kung nagi-guilty tayo ay mayroon tayong postpartum depression. Hindi siya magkarugtong. Depression kasi, it’s another condition.
“It can be triggered if the guilt is overridden or ang dami nang emosyon na naghahalo-halo that you can no longer function normally for a long period of time. It’s dragging you, it’s dragging your normal events. Puwede siyang kabahagi, but it does not follow.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPagkakaiba ng PPD sa baby blues
May paliwanag si Dr. Theresa Castillo-Masilungan, isang clinical psychologist, tungkol sa pagkakaiba ng baby blues syndrome kumpara sa postpartum depression. Aniya sa panayam niya dati sa SmartParenting.com.ph, nagkakatalo ang dalawang iyon sa “duration, severity of the symptoms, and the factors that cause them.”
Parehas daw nagsisimula ang baby blues at postpartum depression ilang araw pagkatapos manganak. Pero tumatagal lang ang baby blues sa loob ng ilan pang mga araw o di kaya linggo basta bumalik sa normal levels ang hormones. Samantala, mas tumatagal at gumagrabe ang postpartum depression dahil hindi lang hormones ang sangkot bagkus may iba pang problema.
Nagbigay ng mga payo si Dr. Castillo-Masilungan upang malabanan ang baby blues at hindi na humantong pa sa postpartum depression. Magagawa mo raw ito kahit walang professional help. Kailangan mo lang ang tulong ng iyong asawa o partner at iba pang miyembro ng pamilya, pati na ang iyong mga kaibigan.
Factors sa pagkakaroon ng postpartum depression
Sa isa pang episode ng Calamansi Live Cast, nagkuwento ang isang mommy na naranasan niya ang “sobrang lungkot” na hindi niya ma-compose ang sarili at naiiyak na lang dulot ng PPD. Noong una raw, “in denial” siya sa nararamdaman. Sabi pa niya raw sa sarili: “Kaya ko ‘to! I’m very strong. I don’t think this is depression.”
Pero pinayuhan daw siya ng kanyang ob-gyn na magpatingin sa psychiatrist, at buti na lang sinunod niya. Doon niya natanggap ang katotohanan at clinically diagnosed na siya na dumaranas ng PPD. Napaliwanagan siya tungkol dito at natulungan na gumaling.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSabi niya, nalaman niya na may ilang factors kung bakit nagkakaroon ng PPD. Isa raw diyan ang taong nakapaligid sa new mom. Aniya, “Are you surrounded by people that really supported you? Are you surrounded by people who also deny the fact that you are depressed? Gano’n ‘yun, e.”
Paliwanag pa niya, “Sa ating mga mommies, kailangan talaga, important diyan is ‘yung support ng una, ‘yung ating partner. So, kung wala naman tayong partner, if we are a single mom, meron ba tayong friends that we really trust na hindi tayo idya-judge?
“That someone who would just listen to us, blurt out all our feelings na hindi tayo idya-judge na, ‘Kasalanan mo naman kasi ikaw, you were thinking too much, blah blah, blah,’ ‘yung gano’n. ‘Tapos, another factor diyan is other family members. Aside sa iyong husband, do you have other family members na nagsu-support sa ‘yo?
“Like in my case, I have my mom. But, during that time kasi that I was clinically diagnosed, there were a lot of things that was happening to me in that five years. I lost my dad. I changed career…
“Nawala din ‘yung aking father-in-law. And then, kahit na sabihin nating I was 28 and I was ready to get married, wala, e. Nothing will really prepare you for motherhood. Talagang ‘yung experience was there.” Isa pa raw factor ang pagkakaroon ng family history ng depression.
Kaya payo ng PPD survivor na ito, magkaroon ng acceptance ng pinagdadaanan at humingi ng tulong para maintindihan kung ano ang postpartum depression. Kailangan daw talaga ng professional help at dapat tulungan mo rin ang iyong sarili.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
Ano Ang Postpartum Depression At Paano Mo Malalaman Na Dumadanas Ka Nito
Source: Progress Pinas
0 Comments