5 Dapat Tandaan Kapag Namamaga Ang Kulani

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag may pananakit sa bandang leeg, panga, kili-kili, at singit, at pagkatapos may nakapang bukol, kadalasang sinasabing dahil ito sa kulani. Pero mainam na alamin muna ang tungkol dito bago humanap ng gamot para sa kulani.

    Ano ang kulani?

    Tinatawag ang kulani in English lymph nodes. Ayon sa definition ng Merriam-Webster dictionary, ang lymph node (kung singular), ay kahit anong bukol ng lymphoid tissue na nababalutan ng connective tissue. Higit sa isa ang bukol kaya plural form na lymph nodes ang kadalasang ginagamit na term.

    Sabi nga ni Dr. Ronald John Unico, isang general practitioner, “Parte ng katawan ang mga kulani. Parte ang mga ito ng ating immune system.”

    May paliwanag ang mga eksperto ng University of Michigan Health. Anila, maliliit at hugis beans ang lymph nodes. Parte sila ng lymph system, na nagdadala ng lymph fluid, nutrients, at waste material sa pagitan ng body tissues at bloodstream.

    Mahalaga ang papel na ginagampanan ng lymph system. Ito ang dumedepensa sa katawan laban sa mga sakit. Ang kasapi nilang lymph nodes naman ang sumasala sa lymph fluid habang tinatanggal ang mga bacteria, virus, at iba pang foreign substances. Sinisira naman ang foreign substances ng special white blood cells na lymphocytes kung tawagin.

    Puwedeng kumilos ang kulani o lymph nodes mag-isa o di kaya bilang grupo, sabi pa ng mga eksperto. Puwede ring kasing liit lang sila ng ulo ng aspile o di kaya kasing laki ng holen. Pero mararamdaman mo lang sila kapag mamaga at maging bukol (basahin dito). Masasalat mo gamit ang daliri ang kulani sa kili-kili, at kulani sa lalamunan bandang leeg, pati na sa ilalim ng panga at paligid ng singit.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Lahad ni Dr. Unico, “Namamaga ang kulani kapag may infection sa katawan. Ibig sabihin, active ang immune system. Madalas kasabay ng infection ang tagal ng pamamaga ng mga kulani. Minsan kahit magaling na ang pasyente, medyo maga pa rin ang kulani dahil dahan-dahan mawawala ang pamamaga nito.”

    Mga dapat tandaan kapag namamaga ang kulani

    Sa kabuuan, maganda ang ibig sabihin ng namamagang kulani. May mga bagay lang na kailangang malaman, tulad ng lokasyon ng pamamaga para mabigyan ka ng doktor ng tamang gamot sa kulani na namamaga.

    Infection ang kadalasang sanhi ng pamamaga

    Maaaring manggaling ang infection sa bacteria, virus, o fungus na umatake sa kahit anong parte ng katawan. Kabilang sa posibleng sanhi ng infection ang mga sumusunod:

    • Problema sa ngipin (abscessed o di kaya impacted tooth)
    • Pamamaga ng gilagid (gingivitis)
    • Mga sugat sa bibig (mouth sores)
    • Namamagang tonsils (tonsillitis)
    • Infection sa tenga
    • Infection sa balat
    • Sipon, trangkaso, at iba pang respiratory infection
    • Side effects sa gamot (seizure medicines, typhoid immunization)

    Meron ding mga sakit na nagdudulot ng infection, pero bihira, gaya ng:

    • Mononucleosis
    • Sexually transmitted illness (STI)
    • Tuberculosis
    • Human immunodeficiency virus (HIV)
    • Rheumatoid arthritis (RA)
    • Leukemia
    • Hodgkin disease
    • Non-Hodgkin lymphoma

    May dalawang uri ng pamamaga ng kulani

    Kilala sa medical term na lymphadenitis ang pamamaga o biglang paglaki ng isa o higit pang mga kulani na kadalasan dahil sa infection, ayon sa mga eksperto ng Johns Hopkins Medicine. Sabi pa nila, may dalawang uri ng lymphadenitis: localized at generalized.

    Mas pangkariwang ang localized lymphadenitis, kung saan isa o ilang kulani lang ang apektado, at sila iyong malapit sa pinagmulan ng infection. Ang tonsil infection, halimbawa, puwedeng magdulot ng pamamaga ng kulani sa may leeg.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nangyayari naman ang generalized lymphadenitis kapag dalawang grupo o higit pa ang mga kulani na namamaga. Malamang daw dulot ito ng infection na dumadaloy sa dugo o di kaya sa isa pang sakit na apektado ang buong katawan.

    Hayaang labanan ng immune system ang infection

    Kung may infection, mararamdaman mong nilalabanan ito ng katawan dahil namamaga at sumasakit ang mga kulani. Kaya hayaan mo lang daw kusang humupa ang pamamaga at mawawala rin ang sakit sa loob ng ilang araw. Babalik naman sa normal size ang lymph nodes pagkaraan ng ilang linggo.

    Gumamit ng home remedy kung kinakailangan

    Kung may kalakihan ang bukol at may kasamang kirot, payo ng mga eksperto na magpahinga ka na lang muna. Makakatulong din daw ang uminom ng maraming tubig at iba pang fluids para maiwasan ang dehydration. Dagdag pa diyan ang warm compress gamit ang maligamgam na bimpo at pag-inom ng over-the-counter pain reliever. 

    Komunsulta sa doktor

    Kung magpatuloy ang pamamaga at pananakit ng mga kulani ng ilang linggo, payo ng mga eksperto na komunsulta ka na sa doktor nang mabigyan ng tamang gamot sa kulani. Bantayan din daw ang ibang sintomas, tulad ng:

    • Pamumula at paglambot sa parte ng mga namamagang kulani
    • Paninigas ng mga kulani o di kaya pagiging irregular ng hugis
    • Pagkakaroon mo ng lagnat, pamamawis sa gabi, o di kaya biglang pangangayayat
    What other parents are reading

5 Dapat Tandaan Kapag Namamaga Ang Kulani
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments