-
Ang pagmamanas ay isang anyo ng pamamaga ng bahagi ng ating katawan. Maaari itong maranasan na manas sa mukha, kamay, at paa. Nagkakaroon ng pamamaga sa mga bahaging ito dahil sa labis na tubig na naiipon o nakokolekta sa tissue ng ating katawan.
Nakararanas ng pagmamanas depende sa gawain, kilos, o uri ng trabaho. Minsan epekto rin ito kung mayroong iniinom na gamot o maintenance. Madalas ang pagmamanas ay naiuugnay natin sa pagbubuntis ngunit posible ring mula sa isang facial injury o kaya may kaakibat itong ibang kondisyong medikal. Maaaring sintomas ang manas ng impeksyon, paghina ng sirkulasyon ng dugo, at maging pagkasira ng balat.
Mga sanhi ng manas sa mukha
Malalaman mo kung minamanas ka kapag pinisil mo ang iyong balat at bumaon ang bahagi na iyong pinisil. Sa medikal na termino, ang kalagayang ito ay tinatawag na edema. Ang kondisyong ito ay ang pagkakaroon ng labis na tubig na nabubuo sa tissue ng iyong katawan. Kasama rin sa pagmamanas ng mukha ang leeg o lalamunan. Ano nga ba ang mga posibleng sanhi?
Allergy sa gamot
Maaaring makaapekto sa ating katawan ang iniinom na gamot. May iba na sensitibo kaya nagkakaroon ng ibang reaksyon ng gamot sa kanila. Bukod sa rashes o pangangati ng balat, possible ring makaranas ng pagmamanas sa bahagi ng katawan lalo na sa mukha. Kaya madalas na itinatanong din ng mga doktor sa pagbibigay ng gamot kung may allergy ang pasyente sa partikular na gamot.
Allergy sa pagkain
Maaaring magresulta sa angioedema ang pagkakaroon ng allergy sa pagkain o sa ibang uri ng allergen gaya ng alikabok, kagat ng insekto at iba pa. Isa itong uri ng matinding pagmamanas o pamamaga ng balat gaya halimbawa sa bahagi ng mata at puwedeng may kasamang pagluluha, pamamantal at pangangati ng balat.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMaaaring magresulta rin ng pagkakaroon ng allergy ang anaphylaxis. Isa ring kondisyon na dulot ng matinding reaksyon sa anumang allergen. Bukod sa pagmamanas ng mukha, nakararanas din ng hirap sa paghinga, diarrhea, pagpapantal at pangangati ng balat, pagkakaroon ng rashes, mabilis na pagtibok ng puso, pagsusuka, at pagkawala ng malay.
Sinusitis
Ang sinusitis ay sanhi ng impeksyon at pamamaga sa nasal passage at sinuses na maaaring sanhi ng virus, bacteria, o allergies. Madalas nagdudulot ito ng matinding sakit ng ulo at palagiang pagbahing dahil sa pagiging iritable ng iyong ilong. Nakararanas din ang iba ng manas sa mukha lalo na sa bahagi ng mata.
Impeksyon sa mata
Isa na rito ang allergic conjunctivitis na nagdudulot ng pamamaga ng mata dahil sa pagkakaroon ng allergy sa alikabok, usok, bulaklak, amag, balahibo ng hayop, at iba pang uri ng allergen. Kasamang sintomas nito ang pamumula, pangangati, pagluluha, pamamaga, at mahapdi ang mata. Posibleng makaranas din ng pagbahaging, pangangati ng ilong, at pagtulo ng sipon.
Impeksyon sa ngipin
Kapag masakit ang ngipin dahil sa impeksyon nakararanas ng pamamaga sa bahagi ng panga na nagdudulot din ng pagmamanas o pamamaga ng mukha.
Pinsala sa mukha
Isa na rito ang pagkakaroon ng problema o pinsala sa ilong. Kapag nakaranas ng pagkabali ng buto sa ilong o pagkatrauma nito, nagdudulot ito ng pagmamanas ng mukha.
Cellulitis
Ito ay isang uri ng bacterial infection sa balat na nagdudulot ng pamumula at pamamaga. Mainit kapag hinawakan ang bahaging ito at posible ring makaramdam ng sakit. Nagiging malala ang kondisyon kung may kasamang lagnat at panginginig.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosHypothyroidism
Nakatutulong ang thyroid hormones sa pagregulate ng katawan sa paggamit ng enerhiya nito. Ang hypothyroidism o hindi pagiging aktibo ng thyroid ay isang kondisyon na hindi nagpoprodyus ng sapat na hormones ang thyroid gland para matugunan ang pangangailangan ng katawan.
Dahil dito, makararanas ng pagmamanas ng mukha at kasama pang sintomas nito ang panunuyo ng balat, constipation, pagtaas ng cholesterol, pagkapagod, pagsakit ng mga kasu-kasuan, pagdagdag ng timbang.
Preeclampsia
Nangyayari ang preeclampsia sa panahon ng pagbubuntis kapag tumaas ang blood pressure at posible rin kung mataas ang protein sa ihi. Mararanasan ang pagmamanas na may kasamang sintomas ng pagsakit ng ulo, panlalabo ng paningin, pagsakit ng itaas na bahagi ng tiyan, hirap sa paghinga.
Actinomycosis
Bihira ang ganitong kondisyon ngunit maaaring maging malubha at pangmatagalang impeksyon sa bacterya na magdudulot ng pagmamanas at pagkawala ng soft tissue sa katawan. Karaniwang naapektuhan nito ang bibig, ilong, lalamunan, tiyan, at bituka ng tao. Kasamang sintomas nito ay pagsakit ng dibdib, pag-ubo, lagnat, pamamaga ng balat, bukol sa mukha, pagbaba ng timbang.
Samantala, may mga sakit din na talagang makararanas ng pagmamanas lalo na sa bahaging apektado gaya ng paa, kamay, at braso.
Arthritis
Ito ay kondisyon na may kinalaman sa pananakit ng kasu-kasuan at iba pang bahagi ng katawan. Madalas na sanhi nito ang mataas na uric acid kaya kapag umatake ang arthritis o rayuma ay tiyak na makararanas ng pamamaga ng bahagi ng parte ng katawan kabilang na ang mukha, kamay, braso, at paa.
Sakit sa bato at atay
Nakararanas din ng pagmamanas ang pagkakaroon ng sakit sa bato at atay lalo na kapag malala ang kalagayan o hindi na maayos ang paggana ng mga organ na ito kaya nanatili ang tubig sa apektadong bahagi.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPamumuo ng dugo
Kapag nagkaroon ng pamumuo ng dugo sa mga ugat nagdudulot ito ng pamamaga o pagmamanas sa bahaging apektado dahil sa hindi maayos na pagdaloy ng dugo.
Sakit sa puso
Kapag hindi tama ang pag-pump ng dugo sa puso, posibleng magdulot ito ng pagmamas dahil sa hindi maayos na pagdaloy ng dugo.
Dapat mong gawin kung makararanas ka ng pagmamanas
Mahirap maiwasan ang mga kaso ng pamamaga o pagmamas ng mukha ngunit maaaring makatulong ang pagtitiyak sa kung ano ang nagiging dahilan nito. Iba-iba rin ang sanhi ng nararanasang pamamaga ngunit maaaring makatulong ang:
- Pag-iwas sa mga allergen na makapagpapa-trigger sa iyong allergy
- Ugaliing maging malinis sa pangangatawan at pagsunod sa proper hygiene lalo na sa ngipin
- Laging pagkain ng tama at masustansiyang pagkain at uminom ng maraming tubig
- Palakasin ang immune system para makaiwas sa anumang impeksyon
Tandaan na mahalagang magpakonsulta sa doktor lalo na kung hindi nawawala agad ang pagmamanas at may kaakibat na ibang sintomas. Mabuti ito upang makatiyak sa tamang gamot at mabigyan ng angkop na lunas ang iyong kondisyon nang hindi rin lumala pa ito.
Additional sources: Medical News Today, Healthline
14 Na Posibleng Dahilan Kung Bakit May Pagmamanas Sa Mukha
Source: Progress Pinas
0 Comments