-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kung nagdadalang-tao ka sa unang pagkakataon, marahil nagugulat ka pa rin sa dami ng pagbabagong nagaganap sa iyong katawan. Nariyan ang sinisikmura buntis kasi, at iba pang sintomas na kadalasang discomfort ang hatid.
Bakit sinisikmura kapag buntis?
Sinasabing sinisikmura kapag may pangangasim, pati na pag-init at paghapdi, sa bandang tiyan pataas. Kadalasang sanhi ito ng sobrang stomach acid o hyperacidity. Ayon sa definition ng Merriam-Webster dictionary, ang sinisikmura in English hyperacidity ay “condition of containing more than the normal amount of acid.”
May ilang dahilan kung bakit napapadalas ang pagdami ng stomach acid, ayon sa mga eksperto ng United Kingdom National Health Service (NHS). Kabilang diyan ang:
- Pagbabago-bago ng hormones
- Lumalaki na si baby kaya natutulak ang tiyan mo
- Nare-relax ang muscles sa pagitan ng stomach at esophagus, kaya umaakyat ang stomach acid pabalik sa may lalamunan
Tataas din ang tyansa mo na dumalas ang pangangasim ng sikmura kung:
- Madalas ka nang sikmurain bago ka pa mabuntis
- Hindi ito ang una mong pagbubuntis
- Nasa huling bahagi ka na ng pagbubuntis
Sabi pa ng mga eksperto, ang pagdami ng stomach acid ang naghahatid ng mga magkakaparehong kondisyon na indigestion, heartburn, acid reflux, at gastroesophageal reflux disease (GERD).
Kapag kasi ang muscle sa pagitan ng esophagus at stomach ay naghina, maaaring makaramdam ka ng pag-init sa may lalamunan na parang sinusunog. Heartburn ang tawag diyan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWUmakyat kasi ang stomach acid pabalik sa dinaanan na nitong esophagus, o ang tubo na kumukonekta sa bibig at tiyan. Acid reflux ang tawag sa ganyang pangyayari sa katawan, na kapag dumalas, tumutuloy sa pagkakaroon mo ng GERD.
Bukod sa paghapdi at pag-init ng lalamunan, puwede ka ring makaramdam ng iba pang sintomas, tulad ng:
- Pagiging kabagin o bloated
- Masamang pakiramdam
- Madalas na pagdighay o di kaya pagkawala ng hangin sa tiyan
- Pakiramdam na nasusuka
Kadalasan daw sumusulpot ang mga sintomas pagkatapos kumain o uminom. Pero puwede rin naman hindi mo muna maramdaman ang mga ito. Mas malimit din daw sumulpot ang mga sintomas simula Week 27 ng pagbubuntis.
Mga dapat gawin ng sinisikmurang buntis
Kung mild ang mga sintomas, payo ng mga eksperto na subukang baguhin ang lifestyle. Mainam daw na itigil ang mga bisyo, kung meron, gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo. Dagdag pa diyan ang mga sumusunod:
- Paboran ang masustansyang pagkain kaysa junk food
- Bawasan ang pag kain ng mamantika, maalat, at matamis
- Limitahan ang pag-inom ng kape
- Iwasan na malipasan ng gutom, pero huwag naman sobrang magpakabusog
- Subukang kumain nang mas konti pero mas madalas sa buong araw
- Sikapin na tatlong oras bago matulog ang huling kain
Puwede mo ring subukan ang gamot sa sinisikmura herbal ang pamamaraan. Pero kapag nagpatuloy pa rin ang kondisyon, at lumala pa, bilin ng mga eksperto na komunsulta ka na sa doktor. May dahilan naman kung bakit mabahala, lalo na kung nahihirapan kang kumain, nangangayayat, at sumasakit ang tiyan.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPag-inom ng gamot sa sinisikmurang buntis
Kadalasang nagrereseta ang doktor ng gamot na ligtas para sa sinisikmurang buntis, sabi ng mga eksperto. Dalawang uri nito ang antacids at alginates. Tungkulin ng antacids na maging neutral ang stomach acid, habang pinipigilan naman ng alginates na umakyat ang stomach acid pabalik sa esophagus.
Bilin pa ng mga eksperto na sundin ang direksyon sa pag-inom ng gamot, kung bago ba kumain o bago matulog. Pero kung umiinom ka ng iron at folic supplement, hindi mo sila puwedeng isabay sa pag-inom ng antacids. Napipigilan kasi ng antacids ang iron at folic na ma-absorb ng katawan.
Kailangan daw may pagitan na dalawang oras ang pag-inom ng antacids at supplements. Ibayong ingat din daw sa pag-inom ng gamot para sa heartburn. (Basahin dito.)
Kung hindi pa rin umubra ang antacids at alginates, sabi ng nga eksperto, malamang resetahan ka ng iba pang gamot para mabawasan ang stomach acid. Dalawa sa mga gamot sa sinisikmura ang ranitidine (dalawang beses kada araw) at omeprazole (isang beses kada araw). Kinikilala raw na ligtas sa sinisikmura buntis ang mga gamot na iyon.
Kung Buntis At Sinisikmura, Ito Ang Tamang Pag-Inom Ng Gamot
Source: Progress Pinas
0 Comments