-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kapag sumakit ang ngipin ng bata, damay ang buong bahay. Hindi kasi niya mapipigilan ang pagdaing sa buong araw at magdamag. Kaya kailangan ng gamot sa sakit ng ngipin pambata para guminhawa ang kanyang pakiramdam habang hindi pa kaagad makapunta sa dentista.
Dapat gawin kung sumasakit ang ngipin ng bata
May ilang dahilan kung bakit nakakaramdam ng sakit ang bata sa kanyang bibig, ayon sa mga eksperto ng American Academy of Pediatrics (AAP). Narito ang ilan sa mga rason:
- Tinutubuan ng ngipin ang bata
- May sira o bulok na ngipin ang bata
- May sugat (sores) sa bibig ang bata
- Sumasakit din ang tenga ng bata dahil sa earache
- May sinus infections ang bata
Para malaman ang posibleng dahilan ng pag-aray ng anak, payo ng mga eksperto na subukan ang ilang first aid options:
- Pamumugin ang bata ng maligamgam na tubig (warm water).
- Magsuot ng medical gloves at suruin ang loob ng bibig ng bata.
- Kung may nakasiksik na pagkain sa puwang ng ngipin ng bata, subukang tanggalin ito gamit ang dental floss.
- Tignan kung may pamamaga o umbok sa paligid ng ngipin.
- Tignan kung may butas na ngipin o di kaya maluwag na ito.
Ang butas sa ngipin ang kadalasang sanhi ng toothache o pulpitis, ayon sa mga eksperto ng University of Rochester Medical Center (URMC). Tinatawag ang pinsalang ito sa ngipin na cavity. Sanhi ang cavity ng kakulangan sa pangangalaga ng ngipin (poor dental hygiene).
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKaya mahalaga na maturuan mo ang anak ng tamang pagsisipilyo para siguradong natatanggal ang pagkain sa kanyang bibig at ngipin. Ang sugar at starch na mula sa pagkain ang nage-enganyo sa bacteria na tumira sa bibig at sirain ang ngipin.
Gamot sa sakit ng ngipin pambata
Kung maluwag o umuuga na ang ngipin ng bata, bilin ng dentista na si Dr. Evangeline Calimlim na huwag subukang hilahin ito. Kahit pa raw malapit na itong matanggal dahil sobrang bulok o mahina na. Maaari raw kasing maghatid ang ganitong gawain ng impeksyon sa ngipin at baka ma-trauma pa ang bata sa sakit.
May mga suhestiyon si Dr. Calimlim na home remedies para maibsan ang pananakit ng ngipin:
- Bigyan ang bata ng temporary pain reliever, gaya ng Tempra
- Ipamumog ang maligamgam na tubig na may halong asin.
- Magdikdik ng bawang at ipasak sa sumasakit na ngipin upang magsilbing pain reliever.
- Puwede ring gumamit ng bulak na pinatakan ng pabango at iyon ang ipasak sa sumasakit na ngipin.
- Kapag namamaga ang panga at pisngi ng bata, gawan ng cold compress. Ibalot lang ang ilang piraso ng yelo sa bimpo at idikit ito sa parte ng mukha kung saan sumasakit ang ngipin.
Bilin din ni Dr. Calimlim na ipatingin ang anak sa dentista nang matukoy ang problema at mabigyan ito ng solusyon.
Pagbisita sa dentista sa panahon ng COVID-19
Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, may ilang health at safety protocols ang sinusunod tulad ng klinika ni Dr. Calimlim sa Marikina City. Unang-una, tumawag muna sa clinic upang makakuha ng appointment para sa anak. Iniiwasan na ang walk-in upang malimitahan ang tao sa klinika at masunod ang social distancing.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKapag nabigyan ng appointment, dumating sa takdang araw at oras kasama ang anak. Magsuot kayo ng face mask at personal protective equipment (PPE). Kung walang sariling PPE, maaaring makakuha sa clinic na may minimum charge.
Bago pumasok sa clinic, dadaan muna kayo sa thermal scanning at saka body misting sa pamamagitan ng pagtayo sa tapat ng humidifier disinfectant machine. Pagkatapos, magpapahid ng alcohol o sanitizer sa mga kamay bago tuluyang pumasok sa clinic.
Sa loob ng clinic, ang dentista at mga tauhan dito ay sumusunod din sa mga protocol. Matapos ang checkup o ano mang dental treatment, maingat na hubarin at ilagay ang PPE sa disposal bin. Magpa-spray ng disinfectant solution bago tuluyang lumabas ng clinic.
Kung ayaw pa munang lumabas ng bahay bilang pag-iingat sa coronavirus, lalo na’t bata ang pasyente, bigyan na lang muna ng paunang gamot sa sakit ng ngipin pambata hanggang maging handa na pumunta sa clinic.
5 First Aid Options Sa Sakit Ng Ngipin Ng Bata
Source: Progress Pinas
0 Comments