-
Maraming pag-aaral ang nagsasabing malaki ang benepisyong naibibigay ng pagbabasa ng magulang sa anak.
Nariyan ang pagbilis ng cognitive at socio-emotional development ng bata, pati na ang pagsunod niya sa positive discipline (basahin dito). Mainam din itong bonding activity ninyong dalawa.
Para mas maengayo pa ang mga bata na magbasa, lalo ng mga katutubong kuwento o Pinoy folk tales, naisip ng pamunuan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na gawing visual ang kuwentuhan.
Ito ay sa pamamagitan ng Sa Kuwento Natin: E-Storytelling ng mga Katutubong Alamat ng Filipinas. Inilunsad ito noong 2020 at hanggang ngayon mapapanood sa YouTube channel ng Sentro Rizal-NCCA.
Nitong Buwan ng Wika ng Agosto 2021 inilunsad naman ang Sa Kuwento Natin II: E-Storytelling ng mga Orihinal ng Filipinas. Gaya ng naunang serye, ang National Artist for Literature (2003) na si Virgilio S. Almario ang tagapagsalaysay ng mga pabula sa limang kabanata.
Ang unang kabanata, Si Pagong at si Matsing, ay posted sa YouTube noong Agosto 21, at masusundan ito ng apat pang kabanata tuwing Sabado, 6 p.m.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKabanata 3: Ang Hukuman ni Sinukuan (Setyembre 4)
Kabanata 4: Ang Singsing ng Lawin; Ang Mulawin at ang Kawayan (Setyembre 11)
Kabanata 5: Ang Digmaan ng mga Matsing at mga Tutubi (Setyempre 18)
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMagsisimula ang kuwentuhan tuwing Sabado, alas-sais ng gabi sa Sentro Rizal-NCCA YouTube channel.
‘Si Pagong At Si Matsing’ At Iba Pang Pabula Mapapanood Na Online
Source: Progress Pinas
0 Comments