Gonorrhea—Sanhi At Sintomas

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Walang pinipiling edad at kasarian ang gonorrhea. Maaaring magkasakit nito kahit ang mga bagong silang na sanggol. Pero hindi ito madalas mapag-usapan at mabigyan ng pansin.

    Kaya may babala ang health officials, tulad ng mula sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Anila, isang “very common disease” ang gonorrhea, partikular sa mga kabataang may edad mula 15 hanggang 24.

    Sa Pilipinas, kabilang ang gonorrhea sa mga pangunahing uri ng sexually transmitted infections (STI). “Major health problem” pa rin ang STIs sa bansa, sabi ng mga eksperto mula sa Makati Medical Center (MMC).

    Ano ang gonorrhea?

    Isang bacterial infection ang gonorrhea, na kilala rin sa mga bansag na “the clap” at “drip,” kaya tinatawag itong “tulo” ng mga Pinoy. Sabi pa ng mga eksperto mula sa Mayo Clinic, sanhi ito ng bacterium na Neisseria gonorrhoeae. Makukuha ito mula sa taong infected pagkatapos ng sexual contract—maging oral, anal, o vaginal man–lalo na kung walang gamit na proteksyon.

    Bukod sa mga kabataan at adults, maging lalaki man o babae, maaari ring mahawa ang mga sanggol ng kanilang mga nanay na infected ng bacterium. Kaya bilin ng mga eksperto na kailangang mabigyan kaagad ang buntis ng gamot sa tulo upang hindi na mahawa pa ang kanyang sanggol.

    Kalimitang inaatake ng bacterium ang urethra, rectum, lalamunan, at cervix para sa mga babae. Kung sanggol, mga mata naman ang delikado sa pamamagitan ng vaginal delivery. Sa kalaunan, kumakalat ang infection sa ibang parte ng katawan, partikular ang joints.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa sa mga eksperto, kapag hindi nagamot ang gonorrhea, maaaring tumaas ang tyansa ng pasyente na mahawa at makahawa ng human immunodeficiency virus (HIV). Mangyayari ito sa pamamagitan ng activated immune cells na sanhi ng inflammation. Maaari ring magdulot ang gonorrhea ng iba pang seryosong health problems at pati na pagkabaog (infertility).

    Pero kahit lubhang nakakahawa ang gonorrhea, lahad ng mga eksperto sa Cleveland Clinic, na hindi ito maipapasa sa pamamagitan ng “casual touching,” gaya ng pagyakap o paghalik sa pisngi ng infected na tao. Hindi rin daw ito naipapasa sa paggamit ng common bathroom o di kaya cutlery, tulad ng pinggan at kutsara.

    Mga sintomas ng gonorrhea

    Sinasabing “tricky” ang gonorrhea, ayon sa mga eksperto mula sa Planned Parenthood. Hindi raw kasi sa lahat ng pagkakataon ay may mararamdamang sintomas ang taong infected. Kung meron ka man daw gonorrhea symptoms, kadalasang mild lang o di kaya aakalain mo na ibang sakit, gaya ng urinary tract infection (UTI).

    Gonorrhea sa kalalakihan

    Kadalasang mas madaling mapansin ang sintomas ng gonorrhea sa mga lalaki kaysa sa mga babae, ayon pa sa mga eksperto. Pero mas marami ring lalaki ang hindi nakakaramdam ng sintomas, at kung meron man, banayad (mild) lang ito.

    Sa sandaling magkaroon ng exposure ang lalaki sa bacterium, bibilang ng mula dalawa hanggang limang araw para mabuo ang mga sintomas at tuluyan silang magsulputan sa loob ng 30 araw. Kabilang sa gonorrhea symptoms in men ang mga sumusunod:

    • Pakiramdam ng pagkapaso (burning sensation) habang umiihi
    • Napapadalas na pag-ihi
    • Pagkakaroon ng nana (pus) o di kaya discharge (puti, dilaw, o berde) mula sa penis
    • Pamamaga o di kaya pag-iiba ng kulay sa may bukana ng penis
    • Pagkirot na puwedeng may kasama pang pamamaga sa isa o di kaya parehong testicles
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bukod sa ari ng lalaki, puwede ring makapasok ang gonorrhea bacterium sa puwitan at magkaroon ng mga ganitong sintomas:

    • Makati o di kaya masakit na tumbong (anus)
    • Pagdudugo o pagtulo (discharge)
    • Makirot na pagdumi

    Paalala pa ng mga eksperto na kadalasang sa umaga mapapansin ng lalaki ang mga sintomas. Kaya mainam raw na obserbahan ang maselang parte ng katawan sa unang paggamit ng banyo.

    Gonorrhea sa kababaihan

    Para sa mga kababaihan, mainam na maging alerto sa ganitong mga sintomas, bilin ng mga eksperto, lalo na kung nakakaligtaan ang protected sex. Kabilang diyan ang:

    • Kakaibang vaginal discharge, na puwedeng kulay puti o dilaw
    • Pananakit ng puson (lower abdomen) o di kaya sa may pelvis
    • Pagkirot sa pag-ihi (burning sensation)
    • Pagdudugo kahit wala namang regla
    • Pagkakaroon ng infection sa lalamunan (malamang daw mula sa oral sex)

    Makakatulong din daw na maging alerto sa mga nararamdaman ng asawa o partner upang makasiguro sa ano mang hinala. Pero ang pinakamainam na gawin ay komunsulta sa doktor at sumailalim sa urine test.

    Gonorrhea sa buntis

    Maaari pa ring maging ligtas ang pagbubuntis habang nagpapagamot sa gonorrhea, ayon sa mga eksperto sa American Pregnancy Association (APA). Dagdag pa nila na walang kaso kung kailan nagkaroon ng infection, kung bago ba o habang buntis. Ang mahalaga raw ay magpatingin kaagad at magpagamot.

    Kapag hindi nagamot ang buntis mula sa gonorrhea, maaaring magkaroon ng pelvic inflammatory disease (PID). Sanhi ito ng scar tissue na bumabara sa fallopian tubes, na puwedeng magdulot ng ectopic pregnancy, infertility, at chronic pelvic pain.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Gonorrhea sa sanggol

    Isa pang puwedeng mangyari kapag hindi nagamot ang buntis mula sa gonorrhea ay mahawa ang kanyang isisilang na sanggol sa pamamagitan ng vaginal delivery, ayon pa sa mga eksperto.

    Habang lumalabas kasi si baby mula sa vaginal canal, malaki ang posibilidad na dumikit sa kanya ang gonorrhea bacterium na nasa puwerta ni mommy. Kadalasan daw na sa mata tinatamaan ang sanggol.

    Paano malalaman kung may gonorrhea?

    Bago bigyan ng urine test, magtatanong muna ang doktor tungkol sa mga nararamdamang sintomas. Tatanungin din ang sexual history dahil isang sexually transmitted disease (STD) ang gonorrhea. Magbibigay din ang doktor ng physical exam upang makakuha ng sample ng fluid mula sa cervix nang maeksamen ito. Fluid naman mula sa penis para sa lalaking pasyente.

    Maaari rin daw gumawa ang doktor ng throat o di kaya anal culture upang makita niya kung may infection sa mga parteng iyon ng katawan. Pero mainam daw na pag-usapan pa nang husto ang mga gagawing test.

    Pagkaraan daw ng ilang araw, makukuha na ang resulta ng mga test. Baka raw kasi bukod sa gonorrhea, mayroon ding isa pang STD na chlamydia naman. Puwede raw sabay na umatake ang dalawang infection. Maaari rin daw hilingin ng doktor na sumailalim din ang iyong partner sa mga test kahit wala siyang gonorrhea symptoms.

    Pinapayuhan ng mga eksperto ang mga buntis na kumuha ng gonorrhea test sa una nilang prenatal checkup. Makikita ang gonorrhea bacterium sa urine sample at cell sample. Makukuha ang cell sample sa cervix o di kaya sa urethra, anus, at maging sa lalamunan. Puwede rin ang kahit anong discharge mula sa vagina, urethra, o di kaya anus para maeksamen.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Paano magagamot ang gonorrhea?

    Ang magandang balita, sabi ng mga eksperto, magagamot ang gonorrhea sa pamamagitan ng antibiotics. Isang pag-aaral ang nagsasabing ligtas at epektibo ang ceftriaxone at spectinomycin para sa mga pasyenteng buntis. Pero hindi naman daw epektibo ang amoxicillin na may kasamang probenecid.

    Para naman sa pasyenteng sanggol, rekomendado ng mga eksperto ang pagbibigay ng gamot para sa kanyang mata para hindi na kumalat pa ang infection sa ibang parte ng katawan. Bibigyan din daw si baby ng kaparehong gamot ni mommy at daddy. Ang traditional gonorrhea treatment para sa uncomplicated cases, gaya ng ceftriaxone, ay sinasabing ligtas din para sa mga sanggol.

    Paalala pa ng mga eksperto para sa pasyenteng adult na ipagamot din ang asawa kahit hindi ito nagpapakita ng sintomas ng gonorrhea. Ang mahalaga raw, maputol ang cycle ng infection at reinfection para masiguro ang complete treatment.

    Mainam din daw na tandaan ang reminders ng doktor habang nagpapagamot sa gonorrhea.

    Sundin ang prescription

    Ituloy lang ang pag-inom ng resetang gamot kahit wala ng nararamdamang sintomas.

    Iwasan muna ang pakikipagtalik

    Kapag daw nakumpleto ang medication, mag-abstain muna sa sex sa loob ng pitong araw o isang linggo. Kapag isang dose lang ng medication ang ininom mo, dagdag ng isang linggo ang pag-abstain hanggang makumpleto mo ang medication.

    Kunin muli ang gonorrhea test

    Pagkaraan ng tatlong buwan ng gamutan, magpatingin ulit sa doktor at kumuha ng test. Kailangan kasing makasiguro na lubusang natanggal na ang infection sa katawan.

    Iwasan ang sharing ng medication

    Naayon sa sariling kondisyon at pangangailangan ang ireresetang gamot ng doktor sa pasyente. Kaya hindi puwedeng magsalo kahit pa mag-asawa ang mga pasyente.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Maaari kang magkasakit ulit

    Totoo raw ang re-infection ng gonorrhea, kaya kailangang mag-ingat parati. Huwag daw kakalimutang gumamit ng proteksyon at sundin ang safe sex.

    What other parents are reading

Gonorrhea—Sanhi At Sintomas
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments