‘Di Pa Dumadating Ang National ID? Magkakaroon Ng Mobile Version

  • Magkakaroon muna ng mobile ID ang mga Philippine Identification System (PhilSys) registrants habang inaantay ang release ng aktuwal na Philippine Identification (PhilID) card.

    Kapag operational na ang mobile ID, maaaring magamit ng PhilSys registrants ang kanilang PhilSys Number na nagkakaloob ng authentication service para sa secure and reliable verification ng kanilang identity maging offline man o online ang kanilang mga transaksiyon.

    Ang mobile National ID ay maa-activate ngayong taon, ayon sa inilabas na advisory noong August 18, 2021 ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang lead implementing agency ng PhilSys.

    Iniulat din ng PSA na mahigit isang milyong indibidwal na ang nabigyan ng national ID, isang valid proof of identity na kanilang magagamit para sa public and private transactions.

    Nakapag-deliver na ang Philippine Postal Corporation, ang official delivery partner ng PSA, ng 1,048,255 PhilID cards sa buong bansa.

    Sinabi ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista na ang door-to-door delivery ng physical PhilID cards ay aabutin ng anim na buwan matapos makumpleto ang Step 2 registration process, o ang face-to-face biometrics capture.

    Ayon kay Bautista, “We humbly ask for the patience and support of the public as we continue to accelerate card production to accommodate the millions of Filipinos who have successfully registered for Step 1 and Step 2.”

    Nilagdaan para maging batas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 2018 ang Republic Act 11055, o ang Philippine Identification System Act, na naglalayong magkaroon ng “single national ID for all Filipinos and resident aliens”.

    Ang national ID ay magiging valid proof of identity para gawing simple ang public and private transactions, enrolment sa mga schools, at pagbubukas ng bank accounts.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Magiging madali na rin ang pag-access sa mga serbisyo ng pamahalaan kung saan ipakikita na lang ng isang indibidwal ang kanyang PhilID kapag may transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.

    This story originally appeared on Pep.ph. Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

‘Di Pa Dumadating Ang National ID? Magkakaroon Ng Mobile Version
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments