-
Nagpahayag ang World Health Organization (WHO) na ligtas ang COVID-19 vaccine kahit sa mga buntis at nagpapasusong nanay.
Sang-ayon ang health officials sa iba-ibang panig ng mundo, tulad ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at Department of Health (DOH) sa Pilipinas. Katunayan, kabilang ang mga buntis sa expanded A3 vaccination priority group ng DOH.
Pero meron pa ring mga buntis na nagdadalawang-isip na magpabakuna. Isa riyan si Haley Mulkey Richardson, na isang nurse mula sa U.S. state na Alabama.
Sa kasamaang palad, ayon sa ulat ng People, dinapuan si Haley ng COVID-19 virus na ikinasawi, una, ng kanyang pinagbubuntis at, kalaunan, ng kanyang buhay.
Sabi sa ulat, naulila ni Haley ang kanyang asawang si Jordan Richardson at kanilang panganay na si Katie. Babae din daw ang ikalawa sana nilang anak kung hindi nangyari ang trahedya.
Kuwento ni Jordan sa ulat na hindi nagpabakuna si Haley dahil sa pangamba nilang mag-asawa na magkaroon ng kumplikasyon ang pagbubuntis nito dahil sa COVID-19 vaccine. Kung alam daw nilang mauuwi sa trahedya ang pangambang iyon, malamang ikinampanya pa ni Haley ang pagpapabakuna.
Ayon pa sa ulat, bandang late July 2021 nang dapuan ng virus si Haley, na walang ibang medical condition bukod sa pagiging buntis.
Bigla raw lumubha ang kanyang kondisyon, tulad ng lumabas sa pag-aaral na may hatid ang COVID-19 na kumplikasyon sa pagbubuntis. Kabilang diyan ang premature at stillborn births at miscarriages.
Nagkuwento rin sa ulat ang family friend nilang si Jason Whatley, na asawa ng maid of honor ng yumaong si Haley. Ani Jason, isang linggong may sakit si Haley sa bahay nito at mataas ang heart rate. Kaya tingin niya iyon ang mga dapat bantayang sintomas ng COVID-19.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKuwento pa ni Jason, pagdating ng August, dinala na sa ospital si Haley, na pitong buwang buntis ng mga panahon na iyon. Pagkaraan ng tatlo o apat na araw, sinabihan na siya ng kanyang obstetrician na hindi na kakayanin ng baby. Doon daw lalong lumubha ang kalagayan ni Haley.
Pumanaw daw ang sanggol noong August 18. Binigyan pa ito ng pangalang Ryleigh Beth. Samantala, kinabitan ng ventilator si Haley, pero pagkaraan ng apat na araw, August 20, sumunod na siya kay baby.
Naiwan din ni Haley na nagdadalamhati ang kanyang nanay na si Julie Mulkey. Nagbigay si Julie ng pahayag sa ulat. Aniya, napakahirap na tanggapin ang nangyari. Pero mainam na tapos na ang paghihirap ni Haley. Ginawa naman daw ng kanilang pamilya at ng mga doktor ang lahat ng tulong.
Sabi naman ni Jason, sana lang daw napabakunahan si Haley. Nagbukas siya at kanyang asawa ng fundraising page para sa mga naulila ni Haley.
Ayon pa sa ulat, nakikita ng mga doktor ang pagdami ng mga buntis na nagkakasakit ng COVID-19. Lahat daw iyon hindi pa nagpabakuna. Sa isang ospital, halimbawa, tumanggap sila ng 39 unvaccinated pregnant women bilang pasyente ng COVID-19 nito lang August.
Sampu raw ang na intensive care unit (ICU) at pito ang nakabitan ng ventilator. Dalawa naman ang nasawi na. Ang ibang nakaligtas ay nanganak naman ng premature.
Dito sa Pilipinas, tumaas ang COVID-19 cases sa mga pasyente ng Fabella Hospital (basahin dito.)
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
‘Di Nagpabakuna Dahil Sa Maling Akala: Nurse Na Buntis At Baby Niya Pumanaw Sa COVID-19
Source: Progress Pinas
0 Comments