Chariz Solomon On Raising 3 Sons: ‘Hindi Porket Lalaki, Mas Hindi Mo Tututukan’

  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.

    Sabi ni Chariz Solomon, bata pa lang siya, pangarap na niyang maging nanay, at nagkatotoo naman ito. Sa edad 32 (ngayong August 22, 2021), tatlo na ang kanyang mga anak, na pawang mga lalaki: Apollo James, 7; Ali Joakim, 5; at Andreas Manolo, 1 year old sa September 30.

    Masayang nagkuwento si Chariz para sa Dibdibang Usapan video series ng  SmartParenting.com.ph tungkol sa kanyang mga anak at parenting style. Aniya, kahit magkalapit ang mga edad nina Apollo at Ali, wala silang sibling rivalry.

    Lahad ng GMA Artist Center comedy actress, “Si Apollo, ewan ko, talagang he’s a very smart boy. Napakaano niya, gifted na boy na ang bait lang din. Iba ‘yung ano niya, empathy niya. Sabi nga din no’ng pedia niya, he is ano, mataas ‘yung EQ [emotional quotient] niya.

    “When you talk to him and you explain things to him, he understands easily, like especially he knows when you’re lying and you’re telling the truth. So sometimes s’yempre may white lies ka sa anak mo, he will know.

    “So maganda ‘yung ano, kinakausap ko siya and I talk to him. Hindi naman like an adult, pero, like, I explain kahit anong kaya kong i-explain, I explain to him.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Si Ali naman daw, nakikinig sa kanyang kuya. “And they talk also,” sabi ng kanilang Mama Chariz. “They talk about their feelings, they talk to me. Sana ganoon hanggang paglaki nila. Pero okay na okay ako sa kanilang dalawa, bukod sa ang kulit lang talaga.”

    Aminado si Chariz na minsan nasusubok ang kanyang pasensya ng dalawang bata, at nakakalimutan ang pagsisikap na masunod ang tinatawag na gentle parenting. Aniya, “Mapapasigaw ka talaga. Lalo na kung ano…Para kasi akong militar e, ‘Hey!’ ‘Yung ganun.”

    Paliwanag ng Bubble Gang mainstay, “Meron akong gano’n siguro kasi dahil lalaki ‘yung mga anak ko. Hindi naman ibig sabihin huwag kang maging sensitive pero siguro kasi mas madali silang pagalitan, mas madali silang ambahan na parang, ‘Ano? Ano?’ ‘Yung ganun.”

    Sabi pa ni Chariz, dati raw, bilang parusa, pinapalo niya sa puwet ang mga anak o di kaya pinapaharap sa dingding (face the wall). Pero ngayon, pinapaluhod niya sa Lego bricks nang saglit, wala pang limang minuto. Iyon daw ang updated version niya ng sinaunang parusang pagpapaluhod sa asin o di kaya munggo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Mas hindi makalat,” sabi niya, sabay tawa. “‘Yung Lego na board. Parang flat lang siya.” Pagkatapos daw, kakausapin niya ang anak tungkol sa pakiramdam nito habang nakaluhod. Minsan daw, sumagot daw si Apollo na “hindi masarap ang feeling.” Kaya sinabihan niya na huwag nang sumuway ulit.

    Pero may mga pagkakataon daw na hindi sila nagkakasundo ni Apollo, tulad noong minsang maglaro ang bata ng toy gun, na “ang lutong ng tunog” kaya ubod ng ingay. Sinabihan na raw niya itong tumigil dahil natutulog ang bunsong si Andreas.

    Sinagot daw siya ng anak ng ganito: “Anong gagawin ko dito sa baril kung hindi ko siya puwede patunugin? Itapon ko na lang.” Sa sobrang gulat niya raw sa narinig, hindi siya nakapag-react kaagad.

    Minsan naman daw, nagdabog si Apollo dahil nakaligtaan ang paborito niyang kimchi sa Korean food delivery. Sabi daw ng bata, “This sucks! This day sucks! I hate this day!” Sinabihan naman siya ni Chariz na huwag kumain ng dinner. Nagwala raw ang bata sa kuwarto nito dahil akala niya mamamatay siya kapag hindi kumain.

    Nang mahimasmasan daw si Apollo, gumawa ito ng sulat sa kanyang mommy para humingi ng pagkain at tuluyang mag-sorry. Pinaliwanag naman siya ni Chariz, at pinaalalang blessed sila na maka-order ng Korean food at makakain ng ilang beses sa isang araw.

    Paliwanag naman ni Chariz sa amin, “Hindi ako proud sa ginawa niya pero I’m sharing na hindi rin perfect ‘yung parenting ko. Kahit anong gawin ko, kahit anong gawin namin no’ng daddy nila, talagang minsan talaga may mga ‘woah moments,’ na hindi mo kasalanan.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Laking pasalamat ni Chariz na maayos ang co-parenting setup nila ng ex-husband niya para sa mga anak nilang sina Apollo at Ali. Maayos din ang pagsasama nila ng current partner niya at daddy ni Andreas.

    “‘Yung partner ko is very supportive also sa pagdi-discipline sa my two other boys,” lahad niya. “Talagang nakatutok din siya kasi nga daw lalaki. Hindi porket lalaki, mas hindi mo tututukan. Important din na ‘yung lalaki, lumaki talaga na may magandang values talaga kasi they’re the head of the family in the future, di ba?”

    What other parents are reading

Chariz Solomon On Raising 3 Sons: ‘Hindi Porket Lalaki, Mas Hindi Mo Tututukan’
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments