-
Bagamat maraming tumutol sa naging pahayag ni Secretary Prospero de Vera III ng Commission Higher Education (CHED) sa isinusulong nilang flexible learning system, maliwanag na ito ang klase ng edukasyon sa new normal.
Nagbigay ng pahayag si de Vera III sa pamamagitan ng kanyang pre-recorded video presentation na may titulong “Bayanihan in Philippine Higher Education.” Isa siya sa resource persons para sa “Educating Our Children in the New Normal” webinar na inorganisa ng Center for Strategy, Enterprise, and Intelligence (CENSEI) nitong May 2021.
Sabi ni Secretary de Vera III, “flexible learning will be the norm” sa higher education sector, kabilang ang colleges at universities. Hindi na raw sila babalik sa “traditional, full-packed face-to-face classrooms.”
Sa katunayan, saad ng kalihim, may polisiya na ang CHED na itaguyod ang flexible learning hindi lang para sa kasalukuyang school year 2021 bagkus sa mga darating pang mga taon.
Ano ang flexible learning?
Tulad ng halos lahat ng bagay sa mundo, nagulo ang sistema ng edukasyon mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020. Nilimitahan ang paglabas mula sa bahay para sana maiwasan ang pagkalat ng virus at hindi na lumala pa ang health crisis.
Bilang tugon sa sitwasyon, nagsaliksik ang CHED ng “innovative learning modalities” para maitawid ang edukasyon sa college at iba pang higher education institutions (HEI) mula sa tradisyunal sa pagtuturo sa eskuwelahan. Dito umusbong ang tinatawag nilang flexible learning.
Ayon sa Guidelines on the Implementation of Flexible Learning ng CHED, ang flexible learning ay isang “pedagogical approach allowing flexibility of time, place, and audience including, but not solely focused on the use of technology.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMalaki raw ang papel ng “delivery methods of distance education” at “facilities of education technology,” pero depende pa rin sa ilang factors. Kabilang diyan ang:
- Levels of technology
- Availability of devices
- Internet connectivity
- Level of digital literacy
- Approaches
Edukasyon sa new normal
Nagbigay ng paliwanag si Secretary de Vera III kung bakit flexible learning na ang new normal sa higher education sector. May mga dapat daw kasing isaalang-alang sakaling bumalik pa sa dating sistema, kung saan pumapasok nang sabay-sabay ang mga mag-aaral sa pisikal na silid-aralan.
Bukod sa patuloy na COVID-19 pandemic, mainam daw na maghanda sa posible pang pandemya na dumating na makakaapekto sa mga estudyante, guro, at kawani ng eskuwelahan.
Isa pang rason, dagdag ng kalihim, masasayang ang mga investment sa technology, teacher training, at retrofitting ng kanilang facilities para maitayod ang online learning.
Lahad ni Secretary de Vera III, mawawala na ang “old paradigm of face-to-face versus online,” at mangingibabaw ang flexible system. Dito, aniya, “universities will mix and match flexible learning method appropriate to the situation.”
Iyon daw universities na mas handa para sa full online system ay magpapatuloy na mag-invest sa ganoong uri ng platform. Ang iba namang universities ay maaaring pabalikin ang kanilang mga estudyante sa classroom sa partikular na panahon lamang, lalo na iyong mga kursong kailangan ng laboratory.
Inaasahan daw nila sa commission na ang teachers ay makasabay sa new standards ng flexible learning. Dapat daw mayroong “openness to engage and spend time with students” at gamitin ang new technology upang magkaroon ng “better and deeper conversations.”
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKinakailangan din ang mga guro na gawing regular ang pagbabago ng syllabus at paggamit ng new methodologies sa pagtuturo.
Lahad pa ni Secretary de Vera III, nakikita nila na ang “transition from exam-based system to that depends on knowledge creation to group works and projects or task-based systems, particularly in determining how we grade our students.”
Karanasan ng mga estudyante at magulang sa edukasyon sa new normal
Sa panig ng mga estudyante at kanilang mga magulang, hindi rin naging madali ang kanilang adjustment sa bagong sistema. Kahit pa iyong mga may kakayahang bumili ng devices at magpakabit ng mabilis na internet connection, may mga daing din sila.
Komento ng isang mommy sa SmartParenting.com.ph, tila bumibigat ang tuition dahil ipinapasa sa kanila ang karagdagang gastusin ng eskuwelahan. Napapansin niya rin daw na tumaas ang stress level ng tatlo niyang anak na nasa college dahil sa online classes.
Kuwento raw ng mga estudyante, mas grabe kung magbigay ng recitation ang mga professor sa online kaysa noon sa face-to-face setup. Napapansin din daw nilang dumalas ang cheating sa mga exam at pahirapan naman sa group assignment sa sinasabing edukasyon sa new normal.
Ano Ang Flexible Learning At Bakit Ito Na Raw Ang New Normal Sa College?
Source: Progress Pinas
0 Comments